Tumayo ang maliit na itim na pusa sa harap ni Fan Zhuo. Ang mga mata niya'y nakatitig lang sa maliit na itim na pusa at bumagal ang kanyang hininga.
Tinagilid ng pusa ang ulo nito nang makitang natutuwa si Fan Zhuo at hindi mataas ang kamay nito para hawakan siya. Sumuko na ang pusa at pinatong ang kanyang maliit na paa sa kamay ni Fan Zhuo na nakapatong sa mesa..
"Meow~"
[Panginoon, para maintindihan mo ang lipunan, sinakripisyo ko ang aking katawan! Nakikita mo na ba na totoo ang pagmamahal ko sa'yo?]
Narinig ni Jun Wu Xie ang maliit na itim na pusa at medyo natawa.
Subalit, ang ekspresyon ni Fan Zhuo ay nanigas, ang kanyang malinaw na mga mata'y nagulat at natuwa…..
Sa kanyang maputlang mukha, may dalawang mapupulang ulap na lumitaw.
"....." Tinitigan ng maliit na itim na pusa si Fan Zhuo, walang masabi sa nakikita niya na tila isang ikakasal .
Siya ang nagpaalam kung pwede ba niyang hawakan ang pusa at ang pusa na ang nagsakripisyo ngunit sa huli, parang si Fan Zhuo pa ang ipinaalam.
Nakita ni Fan Jin ang mukha ng kapatid niya at umubo ng mahina bago tumingin kay Jun Wu Xie: "Mahina si Zhuo sa mga hayop na mabalahibo ngunit ayaw sa kanya ng mga hayop magmula pa ng bata siya."
Bagaman ang maliit na itim na pusa ay ring spirit, ito parin ang unang hayop na lumapit kay Fan Zhuo, at muntik nang matunaw ang puso niya sa haplos ng maliit na itim na pusa.
Pagkatapos marinig ang paliwanag ni Fan Jin, ginulat ni Jun Wu Xie sa kanyang pagtango sa pagsangayon at sinabing: "Malambot at mabalahibo….. Masarap hawakan."
Linagay ng maliit na itim na pusa ang paa nito sa mukha nito!
Kaya!
Nakahanap ang amo nito na may parehas na hilig?!
Nakatitiyak, nang marinig niya si Jun Wu Xie, tinignan siya ni Fan Zhuo ng may nangingislap na mata.
"Gusto mo rin sila?"
Tumango ng seryoso si Jun Wu Xie.
"Bale….. pwede ka bang pumunta dito araw-araw para mananghalian? Si….. sisiguraduhin kong masarap ang ihahain ni Ah Jing!" Namula lalo ang mga pisngi ni Fan Zhuo at nakatitig siya sa paa ng pusang nasa kamay niya.
"Sige." Tumango si Jun Wu Xie sa pagpayag. Napuno na siya sa mga nangyari sa bulwagan, at kung hindi na niya kailangang pumunta pa doon, malaking tulong iyon sa kanya.
Napangiti ng malaki si Fan Zhup, na parang namulaklak, at napuno ng buhay ang kanyang mga mata.
Nagusap ang tatlong binata, at naghanda si Ah Jing ng mesa na puno ng masasarap na pagkain. Si Fan Jin, na ang sikmura'y nabulabog sa bulwagan, ay gumaan ang pakiramam ng makita ang hinahanda. Minadali niya si Fan Zhuo at Jun Wu Xie sa kanilang pagkuha ng chopsticks habang ang kanya ay dumaan sa lahat ng plato, na luminis sa mesa sa maikling panahon.
Sa bilis na iyon, walang naiwan para kay Jun Wu Xie at Fan Zhuo. Pupulutin palang nila ang kanilang chopsticks, naiwan nalang sa mga plato ay sarsa at ilang tira na gulay.
*Ahem* "Paghahainin ko ulit si Ah Jing." Tinignan ni Fan Zhuo si Jun Wu Xie, nahihiya sa kilos ng kanyang kuya. Patas ang sikmura nila sa laki ng kanilang katawan, isang Fan Jin sa sampung Fan Zhuo.
Tinapik ni Fan Jin ang kanyang nakalobong tiyan sa tuwa. At nang tumingin sa taas ay nakitang hindi pa ginagalaw ni Fan Zhuo at Jun Wu Xie ang kanilang mga chopsticks, naisip niyang baka nga masyado siyang mabilis sa pagkain.
*Ahem* "Sa tingin ko….. tuloy niyo nalang. Naalala kong may kailangan pa akong gawin at kailangan kong umalis. Wu Xie, samahan mo muna si Zhuo pagkatapos kumain. Madalas, ako lang at si Ah Jing ang nandito at walang ibang makausap si Zhuo sa kanyang edad. Susunduin kita mamaya." Pagkatapos sabihin iyon, tumakbo siya palabas.
Ang maliit na itim na pusa ay nakahiga sa mga balikat ni Jun Xie, at ang bigote nito'y nanginig sa pagtingin sa dinaanan ni Fan Jin, na parang kidlat ang bilis.
Na magsalita ang kanyang amo? Maayos ba ang utak ni Fan Jin?!
Ang pakikihalubilo ng kanyang amo ay malapit sa wala! Paano siya makikipagusap kay Fan Zhuo na parang ermitanyo ang pamumuhay?!