Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 418 - Ang Magkakapatid na Fan (2)

Chapter 418 - Ang Magkakapatid na Fan (2)

Tinignan ni Jun Wu Xie si Fan Zhuo na nakaupo sa harap niya at agad na naisip ang pagkatao ng mahinang bata sa tabi ni Fan Jin.

Dalawa ang anak ng punong tagapagturo ng akademya. Ang inampong Fan Jin, at ang binatang nakangiti sa kanya, si Fan Zhuo.

Si Fan Zhuo ang anak talaga ng punong tagapagturo, ngunit pinanganak siyamg may mahinang katawan kumpara sa iba. labing-anim na taong gulang siya at madalang lumabas. Dahil sa kanyang mahinang katawan, masasabing marami nang nagastos ang kanyang ama para patibayin at panatilihin siyang buhay.

Sa mga tao sa labas, kaunti lang ang may alam sa itsura ni Fan Zhuo at alam lang na mahina ang kanyang katawan.

Tinignan ni Jun Wu Xie ang lagay ni Fan Zhuo.

Sa ilalim ng maluluwag na damit na iyon, buto't balat ang katawan niya, na nagpapaalala sa mga nakakakita. Napakaputla ng kanyang balat at sa ilalim nito, makikita ang kanyang mga ugat. Ang sakit na naidudulot ng katawang iyon ay hindi maintindihan ng isang normal na tao ngunit sa pagkakataong ito, kahit sa ilalim ng napakalubhang sakit, mataba parin ang puso ni Fan Zhuo. Ang kanyang totoong ngiti ay hindi maiisip ng mga tao na ngiti ng isang pwedeng mamatay sa mga darating na minuto.

Maganda ang tingin ni Jun Wu Xie sa magkapatid. Tinulungan siya ni Fan Jin at nakatulong ito sa pagkagusto niya kay Fan Zhuo.

"Haha, Zhuo. Sapul mo ang pako ngayon. Sa totoo lang, dinala ko dito si Wu Xie para kainin ang iyong masarap na pagkain. Hindi kasi makain ang nasa bulwagang pangkain ng akademya. Alam kong may masasarap ka na pagkain dito, kaya sabihan mo na si Ah Jing na magluto para matikman naming dalawa." Tumatawa si Fan Jin. Napagtanto ni Jun Wu Xie na ang lugar na sinabi ni Fan Jin na may masarap na pagkain ay dito, at binalak niyang gamitin ang kanyang kapatid.

Tumawa rin lang si Fan Zhuo na mukhang sanay na sa madalas na 'paggamit' sa kanya ng kanyang kuya. May pinatunog siyang kampanilya at di tumagal, ang binatang Ah Jing ay mabilis na pumasok sa kwarto, may hawak pang walis.

"Ano po ang kailangan niyo?" 

"Dalhan mo kami ng pagkain."

"Masusunod."

Mabilis na lumabas si Ah Jing para maghain.

Natawa si Fan Jin at tumingin kay Jun Wu Xie: "Mahina ang katawan ni Zhuo at madalas ay walang ganang kumain. Mapili siya sa pagkain kaya ang aming ama ay naghahanda ng maraming masasarap na handa para dito. Sasabihin ko sa iyo, kung gusot mo ng masarap na pagkain, hanapin mo lang si Zhuo dito at hindi ka magkakamali.

Hindi ito pinansin ni Fan Zhuo at nginitian pa si Jun Wu Xie: "Huwag kang makinig sa kalokohan ng aking kuya. Tama lang ang mga pagkain dito ngunit hirap ang aking katawan sa pagkaing normal, kaya naghanda ang aking ama para sa akin. Kung sa hinaharap ay hindi mo masikmura ang pagkain sa bulwagan, pwede kang pumunta dito. Mas masaya rin na may kasama akong kumain."

Ang malinis na sagutan ng magkapatid ay hindi pinaghandaan, ngunit makikitang sadya nila ang kanilang mga sinasabi.

Kasama ang mainit na mga taong ito, nakaramdam si Jun Wu Xie ng kaunting init sa kanyang malamig na puso.

"Salamat.: Sumagot si Jun Wu Xie.

Nakangiti parin si Fan Zhuo at nakatitig sa maliit na itim na pusang nakatayo sa mga balikat ni Jun Wu Xie, at habang may pagtanong sa kanyang mga mata, ay tinanong: "Ang pusang iyan….."

"Iyan ang ring spirit ni Wu Xie." Sinabi ni Fan Jin.

"Pwede ko bang makita?" Hindi gumalaw ang mga mata ni Fan Zhuo.

Tinignan ni Fan Jin si Fan Zhuo bago tignan si Jun Wu Xie bago sabihin na: "Ang isang ring spirit ay di tulad ng oordinaryong hayop, wala naman sigurong problema."

Tinignan ni Jun Wu Xie si Fan Jin, hindi naintindihan ang ibig sabihin nito, ngunit ngumiti lang si Fan Jin.

Ramdam ng maliit na itim na pusa na maganda ang tingin ng kanyang amo sa magkapatid at naging mabait ang mga ito sa kanya. Bumigay ang pusa at bumaba sa mesa, dahan-dahang lumapit kay Fan Zhuo.