Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 417 - Ang Magkakapatid na Fan (1)

Chapter 417 - Ang Magkakapatid na Fan (1)

Malayo sa lansangan at tagos sa maliit na tagpi ng kagubatan, may balubaluktot na daanang nasa damuhan papunta sa isang kagubatan ng mga kawayan.

Maliban nalang kung alam ang lugar na ito, walang makakaalam na sa loob ng akademya, may tahimik na lugar.

Nauna si Fan Jin para ipakita kay Jun Wu Xie ang daan. Sa patyo, mau binatang nasa labin-lima o labing-anim ang idada na nagwawalis ng mga dahon sa mabatong daan, at nang makita nito si Fan Jin at si Jun Wu Xie na papalapit, nagmadali ito para batiins sila.

"Tandang Guro, dumating kayo." Lumiwanag ang mga mata ng binata para kay Fan Jin, at nang mapatingin kay Jun Wu Xie, nagkaroon ang mga ito ng mga tanong.

"Oo, at may dinala pa akong makikikain. Kumakain na ba si Zhuo?" Sinabi ni Fan Jin ang kanyang mga layunon at natawa ang binata, na hindi matiis ang pagiging matapat ni Fan Jin.

"Pason kayo, Tandang Guro." Binuksan ng binata ang pinto ng nakangiti at pinapasok rin si Jun Wu Xie.

Ang mga pasukang gawa sa kawayan ay tinulak papabukas at may mga kungkong na nakasabit sa kanto ng pinto na tumunog. Sa loob ng magandang gubat ng kawayan, rinig ang pagtunog ng kungkong at masarap ito sa tenga.

Tinignan ni Fan Jin si Jun Xie at pinapasok sa patyo.

Hindi malaki ang patyo, ngunit maganda ang pagkakaayos nito. Ang mga tirahang makikita sa loob ng patyo ay hindi maluho ngunit simple at maikli. May tatlong tulugang nakatayo sa tabi ng kakaibang patyo, may batis na dumadaloy, na pumapasok sa isang lawa. Napakalinaw ng tubig at makikita mo sa ilalim ang lumalangoy na mga pulang koi.

Sa una niyang tingin, nabighani si Jun Wu Xie sa maliit na bakuran, at sa katahimikan dito.

Naglalakad parin silang dalawa nang makita ang isang mahinang anyo na nasa pintuan ng tirahang kawayan na nakaharap sa kanila.

Isa itong payat at mahinang binata. Ang kulay asul na damit na nakasukat sa kanya ay nakasabit sa kanyang katawan, nagmumukhang masyadong malaki at ang kanyang mukha ay namumutla, kahit ang kanyang mga labi. Medyo nakakuba siya sa kanyang tayo, na hindi bagay sa kanyang kabataan. May hawak itong kawayang baston at nakasandal dito. Nakakatakot ang pagkahina ng binata ngunit mayroon siyang malinaw at nangingislap na mga mata. Ang mga matang iyon ay nakangiti at pag nakita mo ang mga iyon, makakalimutan mo ang lagay ng kanyang katawan.

Nang makita ni Fan Jin ang binata, nanlaki ang kanyang mga mata at nagmadali para hawakan ang katawan ng binata.

"Ang init ng araw ngayon. Pumasok ka lang, ano'ng ginagawa mo dito sa labas?" Tinanong ni Fan Jin ng nakasimangot at tinulunang pumasok ang binata sa kawayang tirahan, hindi niya nakalimutan si Jun Xie at sinabing: "Jun Xie, halika. Pumasok ka rin."

Tinignan ng binata si Jun Wu Xie, nagtataka, maraming tanong tungkol kay Jun Xie. Sinusuri niya si Jun Wu Xie, ngunit mabuti ang kanyang mga mata.

Tumango si Jun Wu Xie sa binata at sumunod papasok.

Ang mga muwebles sa loob ay kasing simple lang ng nasa bakuran, walang sobra-sobra. Tinulungan ni Fan Jin na umupo ang binata sa isang upuan sa tabi ng mesa habang pinapaupo si Jun Xie kun saan siya komportable at siya nama'y tumabi sa nanghihinang binata.

"Kuya, hindi mo ba kami ipapakilala?" Tinignan ng binata si Jun Wu Xie ng nakangiti.

Sumagot si Fan Jin: "Ito si Jun Xie. Nakwento ko na siya sa'yo, ang bagong disipulong babantayan ko. At Jun Xie, ito ang aking nakababatang kapatid, si Fan Zhuo."

Tinignan ni Fan Zhup si Jun Wu Xie ng nangingislap ang mga mata kasama ang kanyang ngiti. "Bale ikaw si Jun Xie? Kung hindi ka nakwento ng aking kuya at hindi sinabing labing-apat na taong gulang ka na, iisipin ko sigurong mas bata ka pa sa liit ng iyong katawan. Ingatan mo ang iyong sarili at kumain ka ng maayos para hindi masaktan ang iyong katawan."

Mahina ang katawan ni Fan Zhuo at alam niya kung gaano kahirap ang magkaroon ng mahinang katawan.