Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 412 - Paninirang Puri (4)

Chapter 412 - Paninirang Puri (4)

"Pinaalis ni Senyor Gu si Jun Xie sa pakultad ng mga Spirit Healer kaninang umaga at sinabing hindi siya disipulo ng pakultad niya. Ang totoong disipulo ay si Zi Mu. Tignan niyo ito, Senyor Fan, suot ni Zi Mu ang esmeraldang sagisag ng pakultad ng mga Spirit Healer, at si Senyor Gu mismo ang naglagay nito sa kanya." Nagmadali ang mga binata sa pagtulak kay Li Zi Mu sa harap, na nagtatago lang sa likod.

Natulak para humarap sa makisig na anyo ni Fan Jin ang payat na katawan ni Li Zi Mu na nanghina.

Yumabang si Li Zi Mu gawa ng pagtanggap sa kanya sa pakultad ng mga Spirit Healer, ngunit wala parin siyang lakas ng loob para lumaban kay Fan Jin.

Kumunot ang noo ni Fan Jin habang nakatingin sa nanghihina at takot na Li Zi Mu sa kanyang harap. Bagaman may paghamak ang kanyang mga mata sa mga ginawa ni Li Zi Mu, Nakatitiyak siyang ang esmeraldang sagisag sa kanyang dibdib ay galing nga sa pakultad ng mga Spirit Healer.

Ano ang nangyayari?

Naalala na ni Fan Jin. Noong gabing tinanggap ang mga bagong disipulo, nais siyang kausapin ni Gu Li Sheng sa pakultad ng mga Spirit Healer at sinabing may minamataan siyang pumasok sa akademya ilang araw lang ang lumipas. Hinintay lang niya ang pagpasok ng mga bagong disipulo at dadalhin agad sa pakultad niya ang disipulong iyon. Sinabi mismo ni Gu Li Sheng ang dalawang salitang "Jun Xie" at nakasisiguro siyang walang sinabing malapit sa pangalang Li Zi Mu.

Kahit ang umipormeng suot ni Jun Xie ay kinuha mismo ni Fan Jin at binigay kasama ang esmeraldang sagisag ng pakultad ng mga Spirit Healer.

Wala pang kalahating araw ang lumilias! Paano nagkaganito?

"Ano ang pangalan mo?" Tinitigan ni Fan Jin si Li Zi Mu at nagtanong.

"Li….. Li Zi Mi." Nanginginig si Li Zi Mu sa titig ni Fan Jin.

"Binigay sa'yo ang esmeraldang sagisag na iyan ni Senyor Gu?" Tinanong ulit ni Fan Jin.

Tumango lang si Li Zi Mu ng nanginginig, at pautal na sinabing: "Dinikit… mismo ng….. amo sa akin….."

Mas lumalim ang simangot ni Fan Jin.

Alam niyang walang problema ang kanyang memorya, ngunit nalilito parin siya.. Ang nakatayong lalaki sa harap niya ay walang silbi, hindi nga siya makatayo ng deretso sa kanyang harapan, pero siya ang disipulong pinili ng tiyuhin niyang Gu na aalagaan ng buong-puso? Imposible!

Unang beses iyon na pinagdudahan ni Fan Jin ang mata ni Gu Li Sheng sa pagpili ng talento, at napaisip kung may sakit ba si Gu Li Sheng.

"Baka may maling pagkakaintindihan dito. Hindi ninakaw ni Jun Xie ang iyong pwesto, at huwag niyong hahayaang marinig kong may nagsasabi ulit nito para guluhin si Jun Xie pagkatapos nito, o ako mismo ang haharapin niyo." Wala siyang makitang kakaiba sa sitwasyon sa kanyang harap at nagpasyang itigil muna ang gulo dito.

Hindi importante kung disipulo ba si Jun Xie na pinili ni Gu Li Sheng, at gusto rin ni Fan Jin si Jun Wu Xie. Nakita niyang tahimik at malayang bata si Jun Xie, at walang nakitang dapat ayawan sa bata.

Sa babala ni Fan Jin, tumango nalang ang ibang kabataan at hindi na nagsalita pa.

Matapos makitang umatras na ang grupo ng mga kabataan, humarap si Fan Jin kay Jun Xie at nakita na nakapalibot parin dito ang kulay kahel na ilaw ng kanyang spiritual power. Agad niyang sinabi: "Alam kong hindi mo gagawin iyon. Wag kang masyadong magpaapekto sa kanila. Kung may nasaktan dito, hindi na titigil ang mga susunod na gulo."

Hindi man niya tinignan si Jun Xie sa mga lumipas na oras, pero ramdam ni Fan Jin ang pagpatay sa mga mata ni Jun Xie.

Si Fan Jin mismo ang nagulat nang makita ang malamig na pagpatay sa kanyang mga mata. Naisip niyang kung hindi siya namagitan, ang babagsak ay hindi si Jun Xie, kundi ang mga ignoranteng binata na nakapalibot sa maliit na anyo.

Sa ilalim ng mahinahong pagsabi, naglaho ang kamatayan sa mga mata ni Jun Xie, at isang pares ng malinaw na mga mata ang bumalik mula sa malamig na titig nito.

Hindi niya alam kung bakit, pero may mabigat na buntong-hiningang linabas si Fan Jin matapos makita iyon.

Related Books

Popular novel hashtag