Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 409 - Paninirang Puri (1)

Chapter 409 - Paninirang Puri (1)

At ang mga salitang iyon ang nagtulak kay Jun Xie sa gitna ng kaguluhan.

"Tama na, hindi niyo na kailangang palalain pa, hindi ko naman na iniisip." Nagkunwari siyang mabait ngunit kita sa kanyang mukha na wala siyang balak na patigilin ang mga tao.

"Zi Mi, masyado kang mabait, at yan ang rason kung bakit muntik ka nang maagawan ng pwesto sa pakultad ng mga Spirit Healer." Pinuri si Li Zi Mu ng mga binatang nakapalibot sa kanya. Naiinggit sila sa kanya ngunit alam nilang ang pagkakakilala sa isang Spirit Healer sa kinabukasan ay hindi makakasakit sa kanila.

Mas madaling lapitan si Li Zi Mu dahil sa kanyang ugali, at madali siyang nakipagkaibigan, kabaligtaran ni Jun Xie na may malamig na ugaling hindi malapitan. Kahit na nais siyang lapitan, hindi siya malapitan.

"Haaay, hindi ko inakalang ang kapwa disipulong kasabay nating pumasok ay gagawa ng ganito. Kung hindi ako hinanap ng aking amo, mananahimik lang ako sa pakultad ng Beast Spirit kasama ang aking mga kapatid." Tinuloy ni Li Zi Mu ng may pagbuntong-hininga.

Hindi man mukhang sinabi lang iyon, ngunit napagtanto ng iba pang disipulo ang isang bagay na hindi pa nila naisip.

Kung hindi dahil sa pagnanais ni Gu Li Sheng na maitama ang lahat, hindi ba't mananakaw ni Jun Wu Xie ang pwesto ni Li Zi Mu sa harap ng lahat?! Karamihan sa mga nais pumasok sa akademya ay nagbabalak nang pumasok sa pakultad ng mga Spirit Healer, at kung ang madalang na pagkakataong iyon ay nanakaw ng isang peke, lahat sila'y magwawala.

Ang grupo ng mga di-mapakaling mga binata ay lalo pang nagalit habang pinagiisipan at lalong kinamuhian si Jun Xie. Kasama ang kanilang balak na kaibiganin si Li Zi Mu, mas hindi nila nabantayan ang mga kilos nila.

"Zi Mu, masyado kang mabait, ngunit kami na mga kapatid mo ay hindi papayag." Tinignan nila ang isa't isa at ang mga salitang iyon at may naisip sila bago sila maglakad papunta sa kanto ng bulwagan.

Kumakain si Jun Wu Xie ng nakayulo nang naramdaman niyang may mga palapit sa kanya. Tumingala siya para makita kung sino sila. Biglaang bumaligtad ang mesa sa harap niya, at tumapon ang mga sabaw at inumin sa sahig, mga mangkok at kubyertos ay makalas na bumagsak sa sahig.

"Walang hiya kang bata ka para makakain pa dito! Hindi mo ba alam na pagkatapos mong paalisin sa pakultad ng mga Spirit Healer, wala ka nang karapatang manatili sa akademya?" Isang malaking binata ang umapak sa mesa at ginamit ang kanyang tangkad para tignan ng mababa si Jun Xie, na nakaupong walang imik.

Malamig lang ang tingin ni Jun Wu Xie sa nambastos na binata.

"Ang mga kagagawan mo ay kumalat na sa lahat. Paano ba natanggap ng akademya ang isang wala sa ayos na disipulo? Pababagsakin mo lang ang pangalan ng akademya! Wala ka nang karapatang manatili dito, at bago ka umalis, humingi ka muna ng tawad kay Li Zi Mu!" Maraming binata ang pumalibot kay Jun Xie, at walang balak na padaliin ang kanyang gagawin.

Pinanood ni Li Zi Mu ang mga pangyayari, at tumalon ang kanyag puso sa tuwa, ngunit pinakita ng kanyang mukha ang pagtanggi, at sinabing: "Kapwa disipulo tayo, kahit na hindi siya nagtagumpay sa pagnakaw ng aking pwesto, tingin ko'y hindi naman niya ito sinasadya."

"Hindi sinasadya?! Paanong hindi sinasadya?! Hindi siya pinili ni Senyor Gu at hindi niya alam iyon?! Umasa lang siya sa pagkakataong nakilala niya siya noong pagpapalista para makaakyat! Zi Mu, wag ka nang mangialam. Kapag hindi humingi ng tawad ang bata ngayon, hindi namin siya titigilan." Sinigaw ng mga binata.

Naakit ng kaguluhan ang atensyon ng iba pang mga disipulo sa bulwagan. Ang mga mata ng mga senyor ay tumingin na rin dahil ang kanilang pagkausisa ay nahuli na rin ng mga sabi-sabing kumakalat sa mga bagong disipulo at ngayong may mapapanood silang gawa ng mga bagong tanggap, naghanap sila ng mga magagandang pwesto para manood.

Related Books

Popular novel hashtag