Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 396 - Ang Hindi Makasundong Roommate (4)

Chapter 396 - Ang Hindi Makasundong Roommate (4)

Tumango si Yin Yan sa pagsang-ayon. Ang mga sinabi ni Senior Ning ay nagbigay sa kaniya ng panibagong

pananaw sa sitwasyon.

"Ngunit nakita ko din ang ring spirit ng bata, at parang isa lamang itong ordinaryong maliit na itim na

pusa… Parang wala namang hindi pangkaraniwan dito."

"Ordinaryong maliit na itim na pusa lamang?" ang kaakit-akit na mukha ni Senior Ning ay napalitan ng

malamig na pangungutya. Puno ng panghihinayang niyang tiningnan si Yin Yan. "Sa tingin mo ba na kung

ang bata ay walang kahit na anong kakayahan at dahil lamang sa maliit na itim na pusa, ay direkta siyang

matatanggap sa main division ng Zephyr Academy? Little Yan, ikaw nga'y sadyang bata pa."

Ang mga sinabi ni Senior Ning ay parang malamig na tubig na isinaboy sa kaniya, ginising siya sa kanyang

kamang-mangan.

Tiningnan niya lamang ang edad ni Jun Wu Xie at ang maliit na pusang itim na hindi naman katangi-

tangi. Ngunit nakalimutan niya na si Jun Wu Xie ay isa sa mga aplikante na direktang natanggap sa main

division ng Zephyr Academy.

Si Yin Yan ay isa din sa mga direktang natanggap sa main division kaya alam niya kung gaano kahirap ang

pumasok dito. Dahil dito, nabawasan ang kanyang pagkauyam para kay Jun Wu Xie.

"Katulad ng dati, tama na naman si Senior Ning, at ako ay may natutunang bago mula sa iyo"

mapagpakumbabang pagsang-ayon ni Yin Yan.

Mahinang tumawa si Senior Ning at ibinabang muli ang kaniyang mga mata sa aklat na binabasa. Nang

hindi tumitingin sa kaniya, sinabi niya na: "Nagseselos ka ba sa katotohanang nagdesisyon si Fan Jin na

kuhanin ang bagong disipulo sa kanyang pangagalaga? Inignora niya ang presensiya mo at ngayon ang

kanyang atensiyon ay natuon sa bagong disipulo. Masakit para sa akin na makita ang malaking

pagkakaiba sa pakikitungo niya sa inyong dalawa."

Parang kutsilyong itinarak sa puso niya ang sakit ng mga sinabi ni Senior Ning. Ipinalala lamang nito ang

hindi malilimutang pagkakapahiya niya. Tumiim ang kanyang mukha sa galit habang kuyom ang kaniyang

mga kamao. Ang ugat ng kanyang bisig ay nagpapahiwatig ng sobrang pagpipigil ng galit.

Isang ngiti ang saglit na namutawi sa labi ni Senior Ning.

"Pero ang lahat ng yan ay nakalipas na at sa tingin ko pinagsisihan din ito ni Fan Jin. Hindi ka na isang

hamak at ignoranteng freshman kung hindi ay parte na din ng Spirit Healer Faculty. Marami ka na ring

napagtagumpayan kumpara sa ibang disipulo kaya huwag ka ng magmukmok dyan sa tabi." Marahan

siyang tinapik sa balikat ni Senior Ning pagkatapos nitong ipahayag ang galit na saloobin na itinatago ng

kanyang kunwaring simpatiya.

Hindi alam ni Yin Yan na ang kanyang damdamin ay minamanipula na gamit ang iilang salita ng isang

babae at ang lahat ay nasa kaniyang kontrol.

"Salamat Senior Ning sa iyong pag-aalala. Hinding-hindi ko makakalimutan ang sobrang pagkapahiya na

naranasan ko ng araw na yun. Kung hindi dahil sa iyong kabaitan, hindi ako ganito ngayon" malamig na

tumawa si Yin Yan pagkatapos.

[Ganyan nga, si Yin Yan ay isang miyembro na ng Spirit Healer Faculty at siyang kinaiinggitan ng ibang

disipulo. Hindi na siya isang basura na pinandidirihan ng marami!]

[Fan Jin, ipapamukha ko sa iyo na ang disipulong ikaw mismo ang pumili ay isang basura!]

Nanlilisik ang mga mata ni Yin Yan. Dahil dito, lumawak ang mapanuyang ngiti ni Senior Ning.

"Handa akong bigyan ka ng tyansa, hindi dahil sa naaawa ako sa iyo, kung hindi dahil sa naniniwala ako

sa iyong kakayahan at may halaga din sa akin na ako ang nagbigay ng daan sa iyo. Kaya huwag mong

sayangin ang ibinigay ko sa iyo." Madamdaming pahayag ni Senior Ning.

"Huwag kang mag-alala Senior Ning, ang hiling mo ay siya ring hiling ko. Hindi kita bibiguin." Sagot ni Yin

Yan ng nakangisi.

Inangat ni Senior Ning ang kaniyang ulo at sinabi sa kaniya: "Bago ang lahat, alamin mo ang lahat ng

impormasyon sa bagong disipulo na nasa pangangalaga ni Fan Jin."