Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 387 - Enrollment (3)

Chapter 387 - Enrollment (3)

Kahit na kay Jun Wu Xie na ang atensyon ng lahat ng tao, wala pa ring reaksyon si Jun Wu Xie. Nararamdaman niyang hind basta-basta ang lalaking naka-blue robe. Base na rin sa kung paano ito kausapin ng iba pang mga taga-Zephyr Academy, sigurado siyang may mataas itong posisyon dito.

"Dahil sa kakayahan mong iyan, agad kang matatanggap sa main division." Tumawa ang blue robed man at agad na inilagay si Jun Wu Xie sa main division.

Umani naman ng inggit ang sinabing iyon ng lalake.

Taon-taoon, konti lang ang bilang ng mga aplikanteng agad na na tatanggap sa main division. Maiinggit ang ibang kabataang pero alam naman nilang wala pa sa orange level spirit ang kanilang spiritual power. Walang binigay na espesyal na pagtrato ang blue robed man sa lalaki. Sadyang kahanga-hanga lang talaga para sa isang labing-apat na taong gulang ang makaabot sa orange level. Kaya naman, inaasahan nang agad itong tatanggapin sa main division.

Hindi lahat ng kabataang nasa harap ng academy ngayon ay naiinggit. Halos sumuka ng dugo sina Qiao Chu at mga kasama nito nang marinig nag blue robed man na tatanggapin nito si Jun Wu Xie sa main division. Ngayon, anong mangyayari sa kanila na natanggap na sa branch division!?

Natapos na ang pagsusuri sa kanila at hindi na sila makakabalik sa academy para sila ay suriing muli...

Inaasahan ng blue robed man na masisiyahan ang bata sa kaniyang harapan, ngunit sa halip ay malamig siya nitong tinitigan. Dahil doon nagbago ang paraan ng kaniyang pagtingin kay Jun Wu Xie.

Mahirap magkaroon ng ganoong pagpapala, ngunit kapag masyadong arogante ang taong iyon, makakaapekto yon sa progreso nila sa pagsasanay. Marami na siyang nakitang may namumukod-tanging kakayahan ngunit nahirapan pagdating sa pagsasanay. Sa umpisa, madali lang ang pagsasanay sa spiritual power ng mga ito kaya madali lang din na mapagtagumpayan ang susunod na level. Ngunit habang tumatagal, masusubukan na ang natural na pag-uugali ng isang tao dahil humihirap na ang mga susunod na level. Kung hindi nila matatagalan iyon, kahit na gaano pa sila katalentado, hindi sila uunlad.

Sa huli, magiging paksa lang sila ng usapan ng mga nasa paligid nila bilang isang pinagkalooban ng ganoong kakayahan ngunit wala rin namang nagawa para pagyamanin iyon.

"Ano ang pangalan mo bata?" Nakangiting tanon ng blue robed man.

"Jun Xie." Simpleng sagot ni Jun Wu Xie.

Tumawa naman ang blue robed man.

Nakaramdam ng init si Jun Wu Xie na dumadaloy sa kamay na nakahawak sa kaniya kaya naman siya ay nanigas.

"Kalma lang, hindi ka dapat mag-alala. Sa kakayahan mong iyan, kapag napinsala ang iyong ring spirit, malaking sayang iyon." Malinaw niyang narinig ang mahinang bulong nito na may halong tawa.

Nag-angat ng ulo si Jun Wu Xie at sinalubong ang tingin ng lalaki.

Hindi mahahalata ang pagdaloy ng init habang tinutunaw ang kaniya kaluluwa. Kumakalat iyon hanggang sa parte na pag-aari ng espiritu ng itim na pusa.

Bumakas ang pagkamangha sa mukha ni Jun Wu Xie. Malinaw niyang nararamdaman na ang pagal na espiritu ng pusa ay unti-unting nabubuhayan sa ilalim ng init na dumadaloy sa kaniyang katawan!

Isang Spirit Healer!

Agad tumalima si Jun Wu Xie sa tatlong salitang iyon.

Maaaring naiiba ang kaniyang itim na pusa sa ibang ring spirit ngunit pareho lang sila ng spirit form. Kung ang Spirit Healer ay kayang pagalingin ang ring spirits, ibig sabihin lang non ay kaya rin nilang pagalingin ang espiritu ng itim na pusa!

Sa oras na iyon, wala sa katawan ni Jun Wu Xie ang Snow Lotus at ang tanging spirit na nasa kaniyang katawan ay ang sa itim na pusa!

Ang enerhiya galing sa init na dumadaloy sa katawan niya ay nagpapalakas sa espiritu ng itim na pusa!

Ito ba ang kapangyarihan ng Spirit Healer? Bakas sa mga mata ngayon ni Jun Wu Xie ang pagkamangha. Hindi na nakapagtatakang mas sikat ang mga Spirit Healer ng Zephyr Academy kaysa sa ibang faculty. Kapag nariyan ang Spirit Healer, ang mga taong nasa gitna ng laban ay hindi na kailangang mag-alala kung ang kanilang ring spirit ay mapipinsala. Mapapagaling agad ang kanilang ring spirit at magtatagal pa sa pakikipaglaban!