Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 383 - Pagsulpot ng Elder (4)

Chapter 383 - Pagsulpot ng Elder (4)

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Hua Yao at tumingin sa gulat na si Qiao Chu pagkatapos ay lumipat kina Fei Yan at Rong Ruo na gulat din.

Hindi makapagsalita si Qiao Chu at tanging ang nagawa lang ay mag-angat ng nanginginig na daliri para ituro si Jun Wu Xie.

Tumikhim si Rong Ruo bago siya nagsalita: "Sabi ni Little Xie...na ang mga elixir na iyon ay totoo."

Kahit na ang madalas na kalmadong si Hua Yao ay namutla sa sinabing iyon ni Rong Ruo.

"Jun Xie, na-cultivate mo ang mga gamot na iyon?" Hindi makapaniwalang lumingon si Hua Yao kay Jun Xie. Nang magsuhestiyon si Jun Xie na gayahin niya si Mu Chen at gamitin ang Qing Yun Clan para ibenta ang mga elixir na iyon, naisip niyang lolokohin ni Jun Xie ang mga batang mayayabang na iyon at bebentahan nila ng isang pangkaraniwang elixir lang...

Ang batang iyon na pinagbentahan nila...Ang epekto ng elixir na iyon sa mga ito ay totoo!

Marahang tumango si Jun Wu Xie at walang ekspresyon ang mga mata nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ganon na lamang ang reaksyon ng kaniyang mga kasama para sa ilang elixir na iyon.

Kahit si Hua Yao ay hindi naging handa sa rebelasyong iyon at ngayon ay para itong kinuryente. Hindi rin makapagsalita.

Ang apat na pares ng mata ay nakatitig kay Jun Wu Xie. Galing ba talaga sa Lower Realm ang batang ito? Sila ang mga taga-Middle Realm...paanong ang kanilang Little Xie ay nagkaroon ng ganong klase ng elixir kahit kailan hindi nila alam na mayroon palang ganon?

Tumingin naman si Jun Wu Xie sa apat na kung makatingin sa kaniya ay para siyang halimaw. Ilang sandali siyang nanahimik bago inabot ang kaniyang cosmos bag at nilabas ang isang puting porcelain na bote.

"Gusto niyo?"

Kuminang naman ang apat na pares ng matang iyon!

Nakita na nila kanina ang boteng kapareho niyon. Kamukha nito ang boteng binigay ni Jun Xie kay Hua Yao para ibenta.

Kung ano ang nasa loob niyon, malinaw na sa kanila ngayon.

"Para...saamin talaga yan?" Tanong ni Qiao Chu at hindi niya maalis ang tingin sa boteng hawak ni Jun Xie.

Walang sabi-sabing inilagay ni Jun Wu Xie sa kamay ni Qiao Chu ang boteng naglalaman ng pambihirang elixir.

Para sa kaniya, sobrang elixir lang iyon galing sa ginawa niya para sa mga Rui Lin Army.

Nong oras na iyon, isang bagsakang nag-cultivate si Jun Wu Xie ng isandaang libong elixir para sa Rui Lin Army!

Nasurpresa din si Jun Wu Xie na bebenta ang kaniyang elixir ng ganon. Hindi niya pa naging problema ang pera noon kaya hindi niya alam kung magkano ang halaga ng kaniyang mga elixir. Ang sinabi niyang presyo kay Hua Yao kanina ay base lang sa halaga ng kailangan nila. Wala siyang ideya kung ganon nga ba talaga ito kamahal.

Ngunit ang kaguluhan kanina ay pinatunayan iyon...

Mahalaga iyon sa bawat sentimo!

Nagdesisyon si Jun Wu Xie na gayahin ang pagkatao ni Mu Chen, pero wala siyang intensyon na sirain ang pangalan nito habang ang lalaki ay patungo sa Qi Kungdom ng Imperial City.

Nang maalala ni Jun Wu Xie ang Qi Kingdom, siya ay napayuko. Inutusan niya si Ye Sha na balitaan si Jun Wu Yao, at ipaabot nito sa mag-amang Jun na siya ay nagsasanay sa kaniyang Master, at wala silang dapat na ipag-alala.

Ngunit ang ginawang "fund raising" na iyon ni Jun Wu Xie ay hindi sinasadyang nagbigay ng sakit ng ulo kay Mu Chen.

Ang abilidad ni Mu Chen na mag-cultivate ng ganoong klase ng elixir ay kumalat sa buong Lower Realm. Ang mga taong gutom sa elixir na iyon ay narinig na nasa Qi Kingdom's Lin Palace si Mu Chen at pinagkaguluhan siya. Natakot si Mu Chen doon kaya naman nagtago ito sa Lin Palace at hindi makalabas.

Iyon ang mangyayari sa hinaharap, at hindi dapat na pag-usapan muna sa ngayon.

Ngayon, may pera na sila. Hindi na nila kailangang mamroblemang lima sa kanilang ipambabayad. Binigyan ni Jun Wu Xie ang bawat isa ng tig-lilimandaang libong tael at pumila na.

Matapos humupa ng kumosyon tungkol kay "Mu Chen", bumalik na sa dati ang pila sa Zephyr Academy.

Related Books

Popular novel hashtag