Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 379 - Zephyr Academy (3)

Chapter 379 - Zephyr Academy (3)

"Mayroong malapit dito, ngunit hindi pa kami nakakapunta doon." Sagot ni Qiao Chu habang nagkakamot ng ulo. Ilang beses na silang nakapunta sa sanglaan, pero sa auction house...hindi pa nila nasusubukan iyon.

Mahigit isang milyon ang kailangan nila at hindi iyon ganon kadaling makuha. Nagmadali silang makaabot ng Sityembre dito at ang Zephyr Academy ay bukas para sa enrollment ng tatlong araw. Kung hindi nila makukuha iyon, kailangan nilang maghintay sa susunod na taon.

Habang sila ay naguusap-usap tungkol sa kung paano nila mabubuo ang perang kailangan nila, may mga grupo ng kabataan ang dumaan at narinig sila at nagsalita ng malakas.

"Kung wala kayong pera, hindi dapat kayo magpunta dito sa Zephyr Academy. Hindi niyo nga kayang bayaran ang bayarin dito, tapos pupunta pa kayo ng auction house?! Mga pabigat lang kayo! Para sabihin ko sainyo, kahit na pumunta kayo ng auction house ay wala kayong mapapala! Mayroon lang isang auction house na malapit dito, at magsisimula ang auction nila tatlong araw mula ngayon, kaya wala pa rin maitutulong sainyo iyon kahit na magpunta pa kayo ngayon." Ang mga kabataang iyon ay maraming alahas sa katawan na gawa sa ginto at jade. Humagikhik naman ang mga batang nasa likuran nito habang ito ay nagsasalita.

"Ang mga hampaslupang kagaya niyo ay mananatiling mangangarap na lang na makapasok sa dito. Ang Zephyr Academy ay hindi bahay-ampunan ng mga asong kalye at pusang gala." Ang masungit na bata ay agad nang tumalikod matapos sabihin iyon.

Nagdilim ang ekspresyon sa mukha ni Qiao Chu at hinawakan naman ito ni Hua Yao sa balikat saka umiling.

"Mahirap sikmurain ang kaniyang mga sinabi pero kahit papaano ay natulungan niya taong hindi magsayang ng oras. Ngayon alam na nating wala na sa opsyon natin ang magpunta sa auction house." Saad ni Rong Ruo pagkatapos ay nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Kung ikukumpara sa Zephyr Academy, ngayon ay malinaw na sa kanila kung gaano nga kahirap angg Phoenix Academy.

"Ano nang gagawin natin?" Tanong ni Fei Yan.

Muling nagsalubong ang mga kilay ni Jun Wu Xie, humarap ito kay Fei Yan at nagtanong: "Asan nga pala si Mu Chen?"

Matapos nilang mapabagsak ang Qing Yun Clan, nanatili siya sa Phoenix Academy at hindi gaanong binigyang pansin ang mga nangyayari sa labas. Sa loob ng isang buwan, napansin ni Jun Wu Xie na halos lahat ng balitang kanilang nalalaman ay galing kay Fei Yan.

Saglit na nag-isip si Fei Yan bago sumagot: "Inanunsyo ni Mu Chen na ang Qing Yun Clan ay nabuwag na, dalawang linggo na ang nakakaraan. Dahil doon ay nagkaroon ng kumosyon. Pinaalis niya ang mga disipulo ng Outer House at tanging isinama niya lang sa kaniya ay ang mga disipulo ng Cloud Treading Peak nang siya ay umalis. Walang nakakaalam kung nasaan siya."

Nanlisik naman ang mga mata ni Jun Wu Xie at sinenyasan si Hua Yao na lumapit. Bumulong siya dito at bumakas ang gulat sa mukha ni Hua Yao na agad ding napalitan ng malapad na ngiti.

"Maganda nga angg ideya ng iya, pero kung wala pang nakakakilala dito kay Mu Chen, baka hindi gumana iyon." Nagisip-isip si Hua Yao sa ideya ng iyon ni Jun Xie at siya ay nag-iingat lamang.

May inabot na ornamental jade si Jun Wu Xie sa jade na iyon ay may nakaukit na chinese character na ang ibig sabihin ay "cloud". Saglit na natigilan si Hua Yao dahil pamilyar siya sa mga jade na may mga ganoong ukit. Iyon ay ang mga Jade na tanging mga taga-Qing Yun Clan lang ang mayron.

"Little Xie, paano ka nagkaroon niyan?" Nasusurpresang Tanong ni Qiao Chu. Nang sila ay nasa Hidden Cloud Peak, bawat isa sa kanila ay mayroon nito, ngunit nang kanilang lisanin ang Cloudy Peaks, hindi na dinala ni Qiao Chu ang sa kaniya.

"Nakalimutan kong itapon." Sagot naman ni Jun Wu Xie na nagkibit-balikat. Biglaan ang mga pangyayari kaya naman nawala na sa isip niya iyon. Nang siya ay magising, siya ay nasa Phoenix Academy na at ang jade na iyon ay nakasama sa mga gamit niya.

Hindi niya inaasahang magagamit niya ito ngayon.

Related Books

Popular novel hashtag