Binasa ko ang libro pero malas ko at wala naman akong plant ring spirit kaya hindi ko rin naman yan magagamit. Dahil napasakamay mo ang libro, tadhana nga sigurong para sa iyo yan." Salaysay ni Yan Bu Gui habang hinihimas ang kaniyang bigote.
"Hindi ka dapat nagkukulong dito sa Phoenix Academy. Dapat ay lumabas ka rin at gawin ang iyong gusto."
Yumuko si Jun Wu Xie at tinignan ang Heaven's Flask na kaniyang hawak. Ang bagay na kaniyang pinakaaasam, ngayon ay personal na binigay ni Yan Bu Gui.
Dahil sa Heaven's Flask, makakabalik siya sa Lin Palace ng matiwasay at hindi niya kailangang matakot na siya ay papatayin ng mga taga Palace of Flame Demons.
Subalit...
Iyon ba ang kaniyang gusto?
Ang mabuhay na nagtatago at nakaasa sa tubig ng Heaven's Spring para makatakas? At panoorin ang kaniyang mga kaaway na masayang nabubuhay habang siya ay nagtatago at mahigpit na nakahawak sa Heaven's Flask?
"Master." Nag-angat ng tingin si Jun Wu Xie. "Ang puntod ng Dark Emperor ang dapat kong puntahan."
Mahigpit siyang humawak sa Heaven's Flask sa kaniyang kamay at puno ng determinasyon ang kaniyang mga mata. Ang mabuhay ng nagkukumprumiso ay hindi ang kaniyang ninanais na buhay. Dahil may nag-iinteres sa kaniyang buhay, buburahin niya ang kaniyang mga kaaway para masolusyunan iyon!
Natigilan si Yan Bu Gui na nakatitig kay Jun Wu Xie.
"Darating ang araw na buburahin ko ang Palace of Flame Demons." Malamig na saad ni Jun Wu Xie.
Hindi makapagsalita si Yan Bu Gui ng ilang sandali bago ito tumawa ng malakas.
"Mabuti, mabuti, mabuti. Maaaring maliit ka pero ang iyong ambisyon ay kahanga-hanga! Hindi na ko magtataka...Ehem, dahil buo na ang iyong loob, hindi kita pipigilan. Itago mong mabuti ang Heaven's Flask at cosmos bag! Hindi mo dapat na ipakita Yan kahit kanino. Hahabulin ka ng mga taga Twelve Palaces dahil diyan, may plant ring spirit ka man o wala, hindi ka makakaligtas."
Lumalim ang tingin ni Jun Wu Xie. Marahil ang pinagmulan ng Heaven's Flask ay mas komplikado kaysa sa sinabi ni Yan Bu Gui.
Ang totoo niyan, naghihinala si Jun Wu Xie. Nasabi dati ni Little Lotus na ang Soul Calming Jade ay isa sa Seven Treasures ng Spirit World ngunit bigla na lang itong naglaho. Bukod pa doon, sinabi ni Yan Bu Gui at ng kaniyang kapwa mg disipulo na ang lahat ng mga gamit na nagtataglay ng mahika sa Middle Realm ay inilibing kasama ng Dark Emperor, dapat ay kasama doon ang Soul Calming Jade.
Ngunit kung dapat na nasa puntod ang Soul Calming Jade, paano iyon napasakamay ng iba?
At bakit makikipagpatayan ang mga taga Twelve Palaces para sa Heaven's Flask?
"Salamat, Master." Tinigilan na ni Jun Wu Xie ang pag-iisip. Anuman ang rason sa kabila noon, ang katotohanang gusto niyang lipulin ang Palace of Flame Demons ay hindi magbabago.
"Ang tawagin mo akong Master ay sapat na bilang pasasalamat." Lumabas na si Yan Bu Gui sa silid at lihim na nagsasaya.
Kinuha ni Jun Wu Xie ang tasang naglalaman ng tubig ng Heaven's Spring at inisang lagok iyon!
Simula ngayon, hindi niya na lilimitahan ang kaniyang sarili dito sa Phoenix Academy!
Mukha namang nadinig ng Kalangitan ang intensyon ni Jun Wu Xie, dumating si Fei Yan na may dalang balita.
Nakahanap ito ng himaton ng kinaroroonan ng isa pang mapa sa balat ng tao.
At ang mapang iyon ay nasa isa pang academy!
Zephyr Academy!
Isa ito sa tatlong nangungunang mga academy, ang kasikatan nila ay kalat sa buong mundo!
Nag-impake at naghanda sina Qiao Chu. Ang misyon iyon ay hindi lang para kay Qiao Chu at Hua Yao, kasama rin doon si Rong Ruo at Fei Yan. Bago sila makaalis, labis silang nagulat sa isa pang balita!
Sasama sa kanila si Jun Xie!
"Little Xie...sasama ka ba talaga sa amin?" Maingat na tanong ni Qiao Chu.
Tinapunan naman ito ni Jun Wu Xie ng malamig na tingin.
"Kung wala ako, hindi kayo makakapasok sa Zephyr Academy."
May mataas na pamantayan ang Zephyr Academy sa pagtanggap ng disipulo at ang kanilang bayarin ay sobrang mahal!
Dahil sa sinabing iyon ni Jun Wu Xie ay natahimik ang lahat at hindi na umalma pa.
Kung wala silang pera, hindi nila kayang bayaran ang ang mga babarayan nila doon!
Ilang sandali lang ay lumuhod si Qiao Chu sa paanan ni Jun Wu Xie at umiiyak: "Little Xie! Napakabait mo saamin!"