Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 369 - Gusto mo pa ba? (1)

Chapter 369 - Gusto mo pa ba? (1)

Nagkukulay berde na ang mukha ni He Qiu Sheng at ang kaniyang mga labi ay nawalan na ng kulay. Pakiramdam niya ay para siyang sinampal at pinahiya.

Tumingin ang headmaster kay Jun Wu Xie. Ang ekspresyon sa mukha nito ay parang mainit na tinatanggap si Jun Wu Xie. Sa paningin nito ay isa siyang naglalakad na ginto.

Jun Xie ang iyong pangalan hindi ba? Maaari kang tumuloy sa East Wing hanggang kailan mo gusto at kung may hindi ka naiibigan, ipagbigay alam mo sa akin." Biglang naging mabait ang matandang headmaster kay Jun Wu Xie at hiniling na sana ay manatili si Jun Wu Xie sa Phoenix Academy habang buhay.

Hindi naman sumagot si Jun Wu Xie.

Tumikhim ang matandang headmaster at sinabihan si He Qiu Sheng: "Ang insidente sa iyong disipulo ay nasa nakaraan na at ayoko nang makarinig ng tungkol doon. Naparito si Jun Xie sa Phoenix Academy at nakikibagay. Pagsabihan mo ang iyong mga disipulo at wag mo silang hayaang mapunta sa kung saan saan para mang-istorbo ng iba. Kapag narinig kong sila ay muling inapi ng iyong disipulo, hindi ko na papalagpasin iyon."

Dahil sa amoy ng pera, nahulog ang headmaster sa bitag na iyon!

Nabato na si He Qiu Sheng sa kaniyang kinatatayuan at walang lumalabas na salita sa bibig nito.

Inapi? Ang totoong nang-api dito ay nakatayo sa kanilang harapan at wala man lang ni isang galos! Ang kaniyang disipulo ang nakaratay pa rin at hindi makatayo hanggang ngayon!

Sino ang totoong nang-api dito?!

Subalit walang magagawa si He Qiu Sheng dahil alam niyang mukhang-pera ang kanilang headmaster. Kung sino man ang mas makakapagbigay ng marami, ay siyang kakampihan nito! Nadomina ng South Wing ang Phoenix Academy sapagkat karamihan sa mga disipulo nito ay galing sa mayayamang pamilya, ngunit umikot na ang kapalaran ngayon. Ang lugar ng mga pulubi ay siya nang mas mayaman at ninakaw ang pinakatuktok sa academy galing sa kaniya!

Kung pagsasama-samahin ang lahat ng binayaran ng mga disipulo sa South Wing ay hindi pa rin aabot sa isandaang libo sa loob ng ilang taon. Hindi nila matatalo iyon.

Matapos pagalitan ng Head Master si He Qiu Sheng, nakangiting lumapit ang headmaster kay Jun Wu Xie at nagsalita: "Kung sa tingin mo ay hindi sapat si Yan Bu Gui, ipaalam mo sa akin para ilipat kita sa ibang Master kung gusto mo."

Tumugon naman si Jun Wu Xie: "Sapat na ang East Wing."

"Oo oo oo. Marahil talaga nang pinagpala si Yan Bu Gui para makakuha ng isang disipulong katulad mo. Siguro ay napakabuti niya sa kaniyang unang buhay." Nakayuko sa kaniyang harapan ang headmaster habang sinasabi iyon.

"Kung wala nang kailangang gawin dito, gusto ko nang umalis." Hindi interesado si Jun Wu Xie sa matandang headmaster.

"Sige, sige. Bumalik ka na sa East Wing at magpahinga. Bu Gui, bilis at ibalik mo na ang iyong disipulo para makapagpahinga. Mahangin dito, wag mong hayaang magkasipon ang iyong disipulo. Siya ay payat, sasabihin ko ang mga nasa kusina na maghanda ng masustansiyang pagkain para sa East Wing bukas." Nagpakita ang headmaster ngayon ng kabaitan na madalang mo lang makita dito.

Blanko ang mukha ni Yan Bu Gui at inakay na si Jun Wu Xie palabas. Kahit na sila ay nakalabas na sa silid na iyon, ang ekspresyon sa kaniyang mukha ay gulat pa rin.

"Bata, saan mo nakuha ang ganong halaga ng pera?" Nakita ni Yan Bu Gui ang palabas ni Jun Wu Xie ng tseke at hindi lang non binulag si He Qiu Sheng at headmaster, maging si Yan Bu Gui ay naramdaman na ang mundo ay isang kamangha-mangha ng lugar na naglalaman ng kakaibang mga bagay at tao.

Ang kaniyang disipulo ay simple lang ang kasuotan at mukhang hindi ito galing sa mayamang pamilya. Ngunit naglabas ito ng isandaang libong tael ng walang pagdadalawang-isip...

Ilang beses nang nagtungo si Yan Bu Gui sa Lower Realm at hindi pa siya nakakakita ng higit sa isandaang tael ng pilak.

"Karami?" Tumingin si Jun Wu Xie kay Yan Bu Gui, nag-aalinlangan.

Nang siya ay muling mabuhay, wala siyang binili o kinailangang bayaran. Lahat ng kaniyang kailangan ay ibinigay sa kaniya ni Jun Xian at hindi pa siya nakakahawak ng pera sa mundong ito. Ang mga tsekeng nasa kaniya ay binigay ni Jun Xian sa kaniya bago siya umalis. Ang mga papel na iyon ay walang halaga para sa kaniya.

"Gusto mo pa ba? Mayroon pa ako rito." Napansin ni Jun Wu Xie ang interes ni Yan Bu Gui sa mga tseke at inilibas niya ang makapal na bungkos ng papel...mga tseke.

Ang pinakamababang halaga doon ay limampung libong tael!

Matapos gawin ni Jun Xian iyon, pinilit din ni Mo Qian Yuan na ilagay sa kamay ni Jun Wu Xie ang pera bago siya hinayaan umalis.

Isang Duke at Emperor...Wala silang tseke na mas bababa sa sampung libo.

Related Books

Popular novel hashtag