PS: Ang Dark Realms ay papalitan ng pangalan at magiging Dark Regions.
Nakakaaliw isipin na, noong gustong maging disipulo ng batang lalaki, nagdalawang isip si Yan Bu Gui na tanggapin ito. At ngayong ayaw na ng batang lalaki, saka naman ito hihikayatin ni Yan Bu Gui na maging disipulo.
Ngunit...
Nakay Jun Wu Xie na ang desisyon.
Hindi sumagot si Jun Wu Xie at natataranta na si Qiao Chu. Hiniwakan niya si Jun Wu Xie sa braso nito at hinila papasok sa kaniyang silid.
Ang iba naman ay naiwan sa labas at nanitili sa kanilang kinatatayuan. Alam nila ang nais mangyari ni Qiao Chu kaya hindi sila sumunod upang pigilan ito.
Nang sila ay nasa loob ng silid, may hinanap si Qiao Chu at isang sandali lang ay inilabas nito ang isang maliit na brocade box. Nakita na ni Jun Wu Xie ang kahong iyon dati. Binawi nila iyon noong sila ay nasa Qing Yun Clan.
Ito ang dahilan kung bakit kami pumasok ni Kuya Hua Yao sa Qing Yun Clan." Inilapit ni Qiao Chu ang kahon kay Jun Wu Xie at hinayaan siyang buksan iyon.
Binuksan naman ni Jun Wu Xie ang kahon at sa loob noon ay mayroong isang mapa. Sinuri itong maigi ni Jun Wu Xie at napansin niyang ang mapa ay nakaguhit sa balat ng tao!
"Ang balat na iyan ay kinuha galing sa likod ng aking ama." Napipiyok na saad ni Qiao Chu.
Tumingala naman si Jun Wu Xie. Ang mapang nakaguhit sa balat ay hindi kumpleto at kaunting parte lang ng mapa ang naroon.
"Ako, si Kuya Hua Yao, Fei Yan, Rong Ruo at Master, lahat kami ay galing sa Middle Realm. Ang kapangyarihan ng Middle Realm ay nahati sa isang rehiyon, apat na sulok, siyam na templo at Twelve Palaces. Ang rehiyong iyon ay ang tinatawag na Dark Region. Ito ay nasa ilalim ng pamumuno ng Dark Emperor at siya ang pinakamakapangyarihan sa Middle Realm. Ang mga taong umatake sa atin noon ay nagmula sa Palace of Flame Demons from the Twelve Palaces. Ilang siglo na ang nakakalipas, hawak ng Dark Region ang Middle Realm, ang apat na sulok, siyam na templo at ang Twelve Palaces ay isinuko ang kanilang mga gamit na may mahika at mga gamit panglaban sa Dark Emperor. Subalit biglang namatay ang Dark Emperor at lahat ng kaniyang mga ari-arian at mga gamit ay inilibing kasama nito."
Nagpatuloy sa pagkukwento si Qiao Chu: "Ang puntod ng Dark Emperor ay naglalaman ng mga makapangyarihang bagay at yaman ng Middle Realm. Pinangarap ng lahat ng taga-Middle Realm na makuha iyon. Ngunit dahil sa tapat na paninilbihan ng mga tauhan ng Dark Emperor, walang nakakaalam kung saan inilibing ang Dark Emperor. Nawala sa Dark Regions ang kanilang Dark Emperor at ang kanilang kisig ay hindi na katulad ng dati. Ngunit ang Dark Emperor lang ang nagawang dominahin ang buong Middle Realm at kahit siya ay patay na, ang kaniyang reputasyon ay nanatili. Kung sino man ang mangangahas na gumalaw at tumungo sa puntod ng Dark Emperor, hindi magdadalawang isip ang mga taga Dark Region na sila ay patayin."
"Ngunit sadyang ganid ang mga tao at patuloy na hinanap ang yaman ng Dark Emperor. Sa patuloy na paghahanap sa loob ng mahabang panahon, sa wakas ay nalaman nilang ang puntod ng Dark Emperor ay nasa Lower Realm. Para hindi iyon malaman ng iba at masarili ang mga yaman, nagpadala ang Twelve Palaces ng grupo patungo sa Lower Realm para hanapin ang puntod ng Dark Emperor. Umabot ng ilang daang taon ang paghahanap at paglalakbay. Sa wakas may pitong taong natagpuan ang puntod. Sila ay nagmula sa iba-ibang kapangyarihan, at upang maiwasan ang trayduran, hinati nila ang mapa at ipina-tattoo sa likod nilang pito."
Nagdidilim ang ekspresyon sa mukha ni Qiao Chu at nagpatuloy: "Ang mga tao na nakahanap ng puntod ng Dark Emperor ay bumalik sa Middle Realm at ibinigay ang kapiraso ng mapa sa kani-kaniyang pinagsisilbihan. Akala nila ay tapos na ang kanilang misyon. Akala nila ay pagkatapos ng mahabang hirap sa Lower Realm ay makakapagpahinga na sila. Ngunit kamatayan pala ang naghihintay sa kanila!"
"Ang Twelve Palaces ay takot sa Dark Regions at ibinuhos lahat ng sisi sa paghahanap ng puntod ng Dark Emperor sa pitong lalaking iyon. Wala sa kanila ang nakaligtas at ang tattoo sa kanilang likod ay tinanggal at itinago ng pito sa Twelve Palaces. Dahil nagkahiwa-hiwalay ang mapa at makasarili ang bawat palasyo. hanggang ngayon, wala pa rin ang nakakahanap ng mismong libingan."