Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 38 - Ang Royal Court (Unang Bahagi)

Chapter 38 - Ang Royal Court (Unang Bahagi)

Dahan-dahan sa pagbangon ang Palasyo ng Lin at ang kanilang pag-asa sa nakaraang dekada ay nakita sa mga kamay ng apo ni Kin Wang.

Sa kabila naman…

Matagal nang maganda ang reputasyon ni Mo Xuan Fei. Dala ng kanyang itsura, marami siyang naakit na puso ng mga dalaga. Marami ang humahanga sa kanya, at nang lumabas ang balita na sila na ni Jun Wu Xie, maraming puso ang nasaktan. Marami ang sumumpa sa kanilang mga puso sabay ng masamang tingin, kung gaano kasimple si Jun Wu Xie at na hindi sila bagay! Hindi siya marapat sa kanilang gwapong prinsipe.

Ngayon, ng inihayag na naghiwalay sila, tila ito isang panaginip na nagkatotoo para sa nakararami.

Pagkatapos ng sesyon sa Royal Court, paalis na si Jun Wu Xie mula sa Royal Palace nang lapitan siya ng ilang matatandang lalaki na nakasuot ng opisyal na mahahabang balabal at may malalaking ngiti.

"Lin Wang, mayroon ka bang balita tungkol sa mga umatake sa pangalawang prinsipe?" Sinabi ng pinakamabilog sa kanila.

Tinignan ni Jun Xian ang lalaking may ngiting mamantika. Ang lalaking ito ay ang kapatid ng hari – Wu Wang.

Nasa 60 na ang edad ni Wu Wang at wala siyang masyadong nagagawa dahil wala siyang kasanayan sa kahit ano. Sumakay lang siya sa impluwensiya ng kanyang kapatid at nagkaroon ng mataas na pamumuhay. Matagal nang mataas ang tingin niya sa kaniyang sarili sa kabila ng kanyang kawalan ng kakayahan. Dahil sa kanyang panganganak, lahat ng ministro ay nakapalibot sa kanya at puro magaganda lang ang kanilang mga sinasabi.

Gayunman ay nakabukod si Jun Xian. Lagi siyang deretso kung magsalita at lagi nitong tinuturo ang mga pagkukulang ni Wu Wang. Dahil dito, maraming taon na silang nagtatalo at wala silang napagkakasunduan.

Nung mga araw na ang Palasyo ng Lin ay pinakamalakas, nang mayayaman pa ang dalawang anak ni Jun Xian, hindi nagawang ipakita ni Wu Wang ang kanyang kawalang-kasiyahan at laging nagpapakitang tao lamang. Subalit, nang bumagsak ang Palasyo ng Lin, nawala ang lahat ng respeto niya para rito at kumilos kung paano niya gusto ng hindi nagpipigil.

Ang rason ng paghihiwalay ni Mo Xuan Fei at Jun Wu Xie ay kumalat ng dahil sa kanya.

Pinalibutan sila ng lahat ng ministro para manood.

"Hindi kailangang problemahin ni Wu Wang ang bagay na ito, kahit na kasing dulas sila ng igat, hahabulin ko sila hanggang sa dulo ng mundo para masiguradong ligtas ang pangalawang prinsipe." Sinabi niya ng walang emosyon.

"Sobrang hirap siguro niyan para sa'yo, tumatanda na si Lin Wang pero kailangan parin niyang magtrabaho, paano namin ipapagawa sa'yo lahat ng iyan? Mas madali pag pinasa mo nalang sa susunod na henerasyon para sila nalang ang kumilos…" Tumawa si Wu Wang, ang kanyang palad nasa kanyang noo. "Ay, pasensya na, nawala sa isip ko ang dalawa mong anak. Yung isa namatay para sa bayan at yung isa…"

Hindi tinapos ni Wu Wang ang kanyang sasabihin at binigyan ng mababang tingin si Jun Xian.

Halata na ang pagkalat ng balita tungkol sa problema ng Palasyo ng Lin.

Tumalab ang lason sa anak ni Lin Wang at lahat ng doktor ng hari at halos lahat ng doctor sa estado ang tumingin na sa kanya, ngunit pareparehas ang kanilang mga sinabi – Wala nang gaanong oras si Jun Qing.

"Pasensya ka na, hindi ako magaling magsalita, hahahahaha.. Pasensya na talaga." Patawang sinabi ni Wu Wang nang hindi nagpipigil sa kanyang mga salita.

Kumunot ang noo ni Jun Xian. Buhat ng patayan sa labanan at hindi mabilang na mga gyera, naipon ang kanyang bloodlust. Madalas niya itong naitatago ngunit ngayon, naglabas siya ng kaunti sa kanyang pagtingin sa mga nakapalibot na ministro. Hindi nila mapigilang huminga ng malalim. Lumamig ang kapaligiran at bumigat ang hangin. Matalas siyang nakatitig kay Wu Wang.