Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 356 - Narito na Ako (5)

Chapter 356 - Narito na Ako (5)

"Bago mangyari iyon Wu Xie, hindi ka na makakabalik." Biglang sabi ni Jun Wu Yao.

Tiningala ni Jun Wu Xie si Jun Wu Yao. Nang sinabi ni Jun Wu Yao ang makakabalik, ang ibig sabihin nito ay ang Lin Palace!

Hindi na siya makakabalik?

Bakit?

Ang iyong espiritu ay hindi na kumpleto. Maaaring ginamit mo ang iyong espiritu bilang pang-atake, dahilan para masunog iyon. Kung buhay pa ang kalaban mong iyon, gagamitin niya ang piraso ng iyong espiritu para sundan ka at ikaw ay mahanap." Seryosong Paliwanag ni Jun Wu Yao habang nakatitig kay Jun Wu Xie. Hindi niya inaasahan magagamit ni Jun Wu Xie ang espiritu nito para pang-atake, kung kaya naman ay malaki ang kabayaran noon.

Nanlaki ang mga mata ni Jun Wu Xie sa sobrang gulat.

Nang ginamit niya ang kaniyang espiritu kasama ang black beast para atakehin ang kaniyang kalaban, ang buong intensyon niya ay patayin ito. Kung hindi pilit na sumali si Little Lotus, maaaring patay na rin siya kasama ng itim na pusa at ng white robed man. Dahil sa pagpipilit niyang gamitin ang kaniyang espiritu para umatake, posible ng nagkahiwa-hiwalay ito at naiwan sa katawan ng White robed man.

Namatay kaya iyon?

Hindi makasiguro si Jun Wu Xie. Kahit na pinasabog ni Ye Sha ang kaniyang sarili para sa white robed man nung araw na iyon, pagdating sa mga taga Middle Realm na wala siyang gaanong ideya, hindi siya basta-basta ng makapagsabi.

Kalahati pa lang ng mga bagay-bagay ang binibigyang linaw ni Jun Wu Yao, ngunit alam ni Jun Wu Xie kung ano ang kinokompromiso ng kalahati.

Kung siya ay babalik sa Lin Palace, masusundan siya ng mga taong galing sa Palace of Flame Demons. At gagawin lahat ni Jun Xian at Jun Qing para protektahan siya at ang buong Lin Palace ay madadamay!

Bago siya umalis ay pinangako niya sa sarili niyang siya ay babalik, ngunit ang daan pauwi ay napaka-walang awa. Ang kanilang tahanan ay gustong-gusto niya nang balikan, ngunit hindi niya magawa...

Parang may kumurot sa puso ni Jun Wu Xie sa isiping iyon. Nanghihina na ang kaniyang katawan at ngayon ay mas lalo pang namutla ang kaniyang mukha.

Tumayo si Jun Wu Yao sa tabi ni Jun Wu Xie at niyakap ito ng mahigpit.

"Huwag kang mag-alala, makakabalik ka din balang-araw. Hahanap ako ng paraan para mabuo ulit ang iyong espiritu." Hinaplos ni Jun Wu Yao ang likod ni Jun Wu Xie upang siya ay pakalmahin na parang batang takot na pinapakalma upang makatulog.

Nagkamali siya ng kalkulasyon. Alam niyang may kaugnayan ang Qing Yun Plan sa isa sa mga Palace ngunit hindi niya inaasahang mababangga ng mga ito si Jun Wu Xie.

"Bago ang lahat, maaari kang manatili dito sa academy pansamantala. Espesyal ang lugar na ito at mahaharangan nito ang pagsunod sa iyong espiritu." Pagtiyak ni Jun Wu Yao.

Ginamit ni Yan Bu Gui ang lugar na ito upang magtago. Lahat ng kanilang miyembro ay namarakahan ng Soul Badge ng Twelve Palaces para pag dumating ang pagkakataong sila ay magtataksil, sila ay masusundan gamit ang Soul Badge kahit saan mang lupalop sila magtago, pagkatapos sila ay papatayin. Para makahanap ng ganitong lugar, siguro ay nagsumikap ng matindi si Yan Bu Gui.

"Dito?" Nag-angat ng tingin si Jun Wu Xie nang siya ay magtanong.

"Oo. Hindi ba't kailangan mo ring iwan dito ang Snow Lotus para ito ay gumaling? Isipin mo na lang na sinasamahan mo ang batang maliit dito." Alam ni Jun Wu Yao kung gaano kahalaga para kay Jun Wu Xie ang kaniyang pamilya. Lahat ng ginawa nito ay para protektahan ang mag-amang Jun. Wala itong ibang gusto kundi ang umuwi at makasama na ang mga ito. Ngunit biglang nasali ang Palace of Flame Demons at sinunog ang pag-asang makasama ang pamilya nito.

Nanatiling tahimik si Jun Wu Xie. Hindi siya makahinga ng maayos sa isiping hindi siya makabalik sa kaniya mismong tahanan. Ngunit sa kabilang banda, pinapaalala niyon ang nangyari sa Cloudy Peaks.

Hinding-hindi siya papayag na mangyari iyon sa Lin Palace!

Tumango lang siya bilang pagsang-ayon.

"Darating ang araw na mabubura ko ang Palace of Flame Demons at ako ay makakauwi." Punong-puno ng determinasyon ang kaniyang mga mata.

Tumawa naman si Jun Wu Yao nang kaniya iyong marinig at ang kamay nito ay humigpit pa sa pagkakayakap kay Jun Wu Xie.

Alam niyang hindi madaling kalabanin si Jun Wu Xie.