Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 349 - Phoenix Academy (2)

Chapter 349 - Phoenix Academy (2)

Tinaas ng mabalbas na lalake ang kaniyang kilay. "Mabubuhay iyan kapag hinayaan mo siyang manatili diyan."

"Nasaan si Hua Yao at Qiao Chu?" Sunod na tanong ni Jun Wu Xie.

"Fei Yan, dalhin mo siya sa kanila." Utos ng mabalbas na lalake.

Nang paalis na si Jun Wu Xie ay tinaas ng mabalbas na lalake ang kaniyang kilay at malalim na nag-isip na kumuha pa ng alak sa banga. Nang nasa lalamunan niya na ang alak ay muling tiningnan nito ang Snow Lotus sa lawa.

"Ang Plant Spirit... Hindi na ako magtataka kung bakit mainit ito sa atensyon ng mga tao mula sa Twelve Palaces. Napagakagandang tanim iyan. Kung naririnig lang ito ng Higher Realm, paniguradong madugong labanan naman ito."Sabi niya sa sarili niya at natawa ito sa sitwasyon.

Dinala ni Fei Yan si Jun Wu Xie pabalik sa bakuran at itinungo niya ito sa silid na sarado. Magkakatok na sana ito ng biglang bumukas ito ng kusa.

Ang kanais-nais na mukha ng batang lalake ay nakatayo sa likod pinto ay napalitan ng pagkagulat nang makita niya si Fei Yan at Jun Wu Xie sa labas at tumawala ulit ito: "Nandito ka ba para tingnan sila, Fei Yan? At marahil ito ang kaibigan ng aking kapatid na si Hua na kasama nilang bumalik."

Lumapit si Fei Yan dito at halos pareho lang sila ng tangkad. 

"Siya nga. Pinilit niyang umalis ng higaan. Hindi ko siya mapigilan, at inuutos ni Master na dalhin siya kay kuya Hua at Qiao Chu upang makita sila."

Nguminit ang binata, at ang aliwalas na ngiti nito'y ay parang mga nahihiyang bulaklak.

Paalis na sana ang binata sa silid ng bilang may narinig siyang pamilyar na boses.

"Nandito si Little Xie? Saglit! Hindi pa ako nakapagbibis!" Pag-alalang sigaw ni Qiao Chu.

Natawa naman si Fei Yan na nasa pintuan na at sinabing "Mukhang nakakahawa ang kabaliwan mo, magbihis ka at baka makahawa ka."

Tumawa ang binata at nakatingin ito kay Jun Wu Xie at sinabing "Pakihintay na lang sandali. Ang pangalan ko ay Rong Ruo. Narinig kong tinawag kang "Little Xie" ni Qiao Chu, maaari din ba kitang tawagin sa ganung pangalan?"

Tumango ng mahina si Jun Wu Xie.

Tiningnan ni Rong Ruo ang langit at kaniyang mga mata at tila iniwas nito ang tingin niya.

Nang dinala ka dito ni Brother Hua at Qiao Chu, laking gulat namin. Ang itim na ahas na Ring Spirit na nagdala sainyong lahat dito ay namatay sa mismong araw na iyo, at natira lamang ang mga buto nito. Nilibing ko ito sa burol sa likod ng akademya."

Hindi sumagot si Jun Wu Xie. Huminto ang kaniyang memorya nang sandaling iyon at naalala niya na sinakripisyo ni Ye Sha ang sarili. Pagkatapos noon ay hindi niya na natandaan ang mga sumunod na pangyayari.

Ang itim na ahas ay maaring Ring Spirit ng nakaitim na lalake. Kapag namatay ang tao, ang kanilang Ring Spirits ay mawawala at hindi mag-iiwa ng buto gaya ng itim na ahas. Nakakapagtaka ito.

Ilang sandali pa, tumawag na si Qiao Chu mula sa silid.

"Pwede na! Pasok na!"

Inimbita ni Rong Ruo ng buong pag-galang si Jun Wun Xie.

Naglakad na papasok si Jun Wu Xie at nakita niya ang dalawang magkabilang higaan at doon nakahiga ang mahina pang sina Hua Yao at Qiao Chu.

Kalahati ng mukha ni Qioa Chu ay nakabalot pa ng bendahe at nakasuot ito ng maluwag na damit. Nakangiti lang itong nakatingin kay Jun Wu Xie at si Hua Yao nama'y nakaupo ng tahimik sa kaniyang higaan, na mukhang mas maayos ang kondisyon nito kaysa kay Qiao Chu. Nagkatinginan sila ni Jun Wu Xie at tumango ito at hindi nagsalita.

"Dalhin mo lang saglit." Iniabot ni Jun Wu Xie ang pusa kay Rong Ruo. Nagtaka si Rong Ruo at nagkapalitan sila ng tingin ni Fei Yan at pareho sila may tanong sa kanilang mga mata.

Mahalaga ang itim na pusa kay Jun Wu Xie. Bakit niya ito ipinahawak kay Rong Ruo sa halip na kay Fei Yan, na siyang unang nakita niya nang nagising siya?

Pareho nilang hindi maintindihan.

"Little Xie, nakatulog ka talaga. Tatlong araw na bago ka muling nagising." Sabi ni Qiao Chu na tumatawa habang papalapit si Jun Wu Xie sa kaniya. Sa bawat hakbang nito'y, kita ang kanyang malaking ngiti sa isang bahagi ng kaniyang mukha na hindi natatakpan.