Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 347 - Laban Para Mabuhay (3)

Chapter 347 - Laban Para Mabuhay (3)

Sa isang kisap-mata lang, maliban sa Drunk Lotus, lahat ay nadala ng matinding pagsabog sa pagpapakawala ng Spiritual Power! 

"Ikaw na walang kwenta, ay walang kapangyarihan para patayin ako!" Tumawa ang nakaputing lalaki at mga mata nito ay bakas ang galit. Sinapak nito amg tiyan ng Drunk Lotus at sa mukha ng Drunk Lotus ay kitang-kita ang sakit na sinapit nito. Lumabas ang Spiritual Energy ng Drunk Lotus at sa mga sumunod na sandali, nanatili ang katawan ng Drunk Lotus na hindi gumagalaw. Lumabas ang asul na usok sa katawan nito at nag-iba ang kulay nito, naging kulay ginto at kumikinang habang ito'y naglalaho sa hangin at umiiba ang anyo dahil sa natamong pinsanla nito sa kamay ng nakaputing lalaki.

Tinapon sa katawan ni Jun Wu Xie ang nakakahiyang katawan ng Snow Lotus at nagsalita ang nakaputing lalake na may pag-iinsulto: "Ialalagay ko kayong lahat sa di niyo mawaring pasakit na ito!"

Nakahandusat at di pa rin makagalaw si Jun Wu Xie at nakatingin sa mahina ng Snow Lotus na nakadikit sa kaniyang pisngi. Ang bulaklak na purong puti sana at walang kapantay na ganda ay ngayo'y nalalanta na.

"Hindi ka pa tapos diyan?" Isa pang boses ang kanilang narinig bago tumambad sa kanila ang naka kulay-abo na lalaki. Lahat sila ay malapit na sa baba ng bundok. Bitbit niya ang walang kamalay-malay na katawan ni Ye Sha. 

"Pinaglalaruan ko pa ng konti, pero tatapusin ko na." Sagot ng nakaputing lalaki.

Nairitang tingin ang ibinigay sa kaniya ng naka kulay-abong lalake ngunit hindi ito nagsalita.

Bigla na lang gumalaw si Ye Sha!

Kumalas siya sa mahigpit na pagkakahawak nito at inipon niya ang kaniyang dugo sa mga palad niya mismo. Isang parang kidlat na pula ang tumama sa nakaputing lalaki at sakto ito sa kaniyang dibdib!

Inipon ni Ye Sha ang kaniyang natitirang lakas para ipakawala ang higanteng itim na ahas. Ang itim na ahas ay gumapang sa lahat ng nasa lupa!

"Binibini! Hayaan mo akong ihatid kayo malayo dito!"

Bago niya matapos ang kaniyang mga salita ay biglang may malakas na umatake sa likod niya at ito ang naka kulay-abong lalake na malapit na sa kaniya!

Sa parehong pagkakataon...

Lumindol sa Cloudy Peaks!

Dala ng itim na ahas si Jun Wu Xie at ang ibang kasama sa buntot nito at inakyat sa bundok!

Biglang lumakas ang hangin na kagimbal-gimbal. Ang itim na ambon na bumabalot sa buong bundok ay may kasabay na dugo ni Ye Sha. Ang pinaka ultimong sakripisyo niya, sirain ang sarili niya!

Nakapulupot si Jun Wu Xie sa buntot ng ahas, ang mahing Snow Lotus ay sa braso nito. Nakatingin si Jun Wu Xie sa pagsabog ng dugo sa ambon.

Sa pagkakataong iyon, nasira na ni Ye Sha ang sarili para isalba si Jun Wu Xie, ngunit hindi niya man lang nalaman ang pangalan nito. Sino siya...

Hindi na nagkamalay si Jun Wu Xie dahil sa mabigat na sinapit nitong truama sa kaniyang kaluluwa at tuluyan na ito nawalan ng malay.

...

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatulog, nagising si Jun Wu Xie na gulat na gulat.

Tumatak sa isip niya ang pag ambon ng dugo sa hangin at pakiramdam niya nasa lugar pa rin siya kung saan muntik na siyang mamatay.

"Gising ka na!" Isang malumanay ang narinig ni Jun Wu Xie sa kaniyang tenga. Lumingon siya at nakita niya ang isang maganda't batang babae sa tabi ng kaniyang higaan, maganda ang mga mata nito, at masayang nakangiti ito sa kaniya.

Bakas sa mukha niya ang pagtataka ngunit hindi niya maramdaman na isa itong panganib. Binaba niya ang kaniyang tingin at sa gilid ng kaniyang unan ay may nakahigabat nakabaluktot na isang hayop na pamilyar sa kaniya.

Ang maliit na itim na pusa ay natutulog, nakabalot ito sa bendahe. Nakabaluktot ang maliit na katawam nito na parang bola, na nakasandal sa kaniyang unan.

''Gusto ni Master na gamutin iyan ngunit ayaw nito umalis sa tabi mo. Makakasigurado kang tinahi na ni Master ang kaniyang gutay-gutay na kaluluwa at gagaling na siya sa pag gagamot at pahinga." Napansin ng magandang babae ang guhit sa paningin ni Jun Wu Xie, at nakangiti ito.

Related Books

Popular novel hashtag