Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 345 - Laban Para Mabuhay (1)

Chapter 345 - Laban Para Mabuhay (1)

Bawat sandali na sinusunog ang kanilang mga kaluluwa ay kumain ito ng pwersa ni Jun Wun Xie at ang itim na halimaw. Ang isang pag-atake na sumusunog sa kanilang buhay ay hindi mapigilan.

Ito ang natantanging at huling pag-atake ni Jun Wun Xie at isang beses niya lang ito pwede gamitin sa buong buhay niya.

Napakalakas ng nakaputing lalaki, at para kay Jun Wun Xie at sa itim na halimaw, para kontrolin ang galaw ng lalaki, kailangan nila mag-sanib pwersa sa sa sukdulan ng kanilang kakayahan. Sa isang iglap lang ay biglang pinagpawisan sa buong katawan si Jun Wun Xie at napakaputla ang kaniyang mukha. Ang balahibo naman ng itim na halimaw ay nawalan ng kinang at naging marupok at tuyong-tuyo.

Nakita ni Hua Yao na hindi maayo ang lagay ni Jun Wun Xie. Gusto nilang lapitan ito ngunit ang di makita at malamang pwersa ay tumulak sa kanila palayo.

Nang gamitin ni Jub Wun Xie ang kaniyang kaluluwa sa pag-atake, may kaluluwang binalot ang kaniyang katawan, para walang sinuman ang pwede makalapit sa kaniya.

"Little Xie! Mamatay ka! Tama na!" Pag-alalang sigaw ni Qiao Chu. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa ni Jun Wun Xie ngunit tingin niya ay nawawala na ang kulay sa mukha nito at nagiging maputla na at hula niya ginagamit nito ang ang di matawarang teknik na pwede niyang ikamatay para mapigilan lang ang mga pag-atake ng nakaputing lalake.

Bakas sa mga mata ng dalawang batabang pag-alala. Sinubukan ni Hua Yao lahat ng paraan at pagkakataon ngunit hindi pa rin ito makalapit.

Hindi makagalaw si Jun Wun Xie.

Hindi niya naprotektahan ang taong iyon sa una niyang buhay, at sa pagkakataong ito sa pangalawa niyang buhay ay ayaw niya nang maulit ito.

Hindi inaasahan ang kaniyang buhay dito at ang muli niyang pagkabuhay ay maaring hindi ganun kahaba, ngunit nakatagpo siya ng pamilya na hindi niya kailanman naranasan, na siyang nagpatunaw sa nagyeyelo niyang puso. Naramdaman niyang panalo na siya agad dito pa lanv!

Bilang nakakulong siya sa sarili niyang katawan, hindi mapakalma si Little Lotus. Hindi maintindihan ni Qiao Chu at Hua Yao ang sitwasyon, ngunit mas alam niya ito kaninuman. Sa pagsanib nito sa kaluluwa ni Jun Wun Xie ay ramdam niya ang paalis na kaluluwa nito. Ang sarili niyang takot ay muntik niya ng ikinaiyak.

Ang kaniyang binibini ay di dapat sunugin ang kaniyang sariling kaluluwa, o mamatay siya dahil dito.

Kapag nasunog nito ang kaniyang kaluluwa, walang sinuman ang makakapagpabuhay pa sa kaniyang muli!

"Hindi... Huwag kang mamatay..." Umiiyak na ang Little Lotus sa katawan ni Jun Wun Xie. Mahal na mahal niya ang kaniyang binibini at hindi niya hahayaang mamatay ito sa ganitong paraan.

Isiniksik niya ng pakonti-konti ang kaniyang kaluluwa, at biglang gumawa ng gitling si Littlr Lotus sa katawan ni Jun Wun Xie!

Isang lumitaw na maliwanag na ilaw ang nagmula sa daliri ni Jun Wun Xie! Ang pwersa nito ay nagawang makalayo sa nakaputing lalake at ang pag-atake nito sa kaniyang kaluluwa ay natigil!

May lumabas na dugo sa mga bibig ni Jun Wun Xie. Ang pagpigil nito para tanggalin ang kaniyang kaluluwa sa pagkabigkis nito sa kaniyang katawan ay muntik ng ikinasabog ng kaniyang laman loob!

Isang anyo na nababalot ng apoy ang dali-daling hinawakan ang nahihimatay na si Jun Wun Xie!

Medyo nakasara na ang mata ni Jun Wun Xie dahil sa panghihina nito at nakatingin siya sa nababalisang Little Lotus na pinigilan ang kaniyang paghihiwalay ng kaluluwa sa katawan nito.

Ang matabang mukha nito na puro luha sa mata at asul na usok ay napapaligiran ng maliit nitong katawan. Ang asul na usok ng maliit na lakake ay kita sa mga mata nitong walang matibay na solusyon.

"Huwag kang mamatay. Ayaw kong mamatay ang aking binibini." Nakakadismaya ang tingin ni Little Lotus kay Jun Wun Xie. Hindi na kayang magsalita ni Jun Wun Xie. Malungkot ang tingin nito ky Little Lotus at mahinang nag-iling ito ng kaniyang ulo.

Dahil sa pagkasunog ng kaluluwa nito ay nasa matinding trauma ang katawan nito at walang gamot o elixir ang makakapagpagaling dito.

Lumuha na si Little Lotus at binuka niya ang kaniyang bibig. Tiningnan nito ang kaniyang maliit na braso na nakahawak kay Jun Wun Xie at determinado niya itong tinitigan. Kinagat niya ang kaniyang braso at kumuha ng laman para ipakain kay Jun Wun Xie.

Biglang dumilat ang mga mata ni Jun Wun Xie dahil ayaw niya itong tanggapin, kumikirot ang puso niya, ngunit napakahina niya para matanggihan pa ito. Kinagat ni Little Lotus ang kaniyang braso at kumuha siya ng laman dito para ipakain kay Jun Wun Xie bilang may gamot ito galing sa Snow Lotus na walang kapantay.