Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 337 - Ika-anim na Sampal (9)

Chapter 337 - Ika-anim na Sampal (9)

Ang mga namumulang mata ni Qin Yue ay nakakatitig ng masama kay Jun Wu Xie. Walang sinuman ang mag-aakala ng pasakit na ito. Halos hindi siya makagalaw at ang sakit ng buong katawan niya'y ay halos ika-baliw niya.

Hindi niya lubos maisip na kaya ng katawan ng isang tao ang klase nang ganung pagpasakit.

Parang milyong-milyon langgam ang gumagapang sa kaniyang mga buto pakonti-konti, at ramdam din ito ng kaniyang laman. Ang tanging hiling ni Qin Yue sa mga sandaling iyon ay agarang kamatayan.

Hindi mapantayan ng pag-atake ng ahas sa kaniya ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

Ilang beses na siya halos mahimatay ngunit hindi hinahayaan ng mga nakatusok na karayom sa kaniyang katawan na siya'y mamatay. Pinapanatili siya nitong gising para maramdaman ang sakit.

Kahit ilang sandali pa lang ang nakalipas ay pakiramdam ni Qin Yue na mahabang panahon na niya na itong nararamdaman. Gising pa siya at nakakaramdam ang kaniyang puso ng pasakit ngunit sarado pa sa kaniya ang pinto ng kamatayan.

Nanabalot na ng pulbura ang kaniyang katawan at dumadaloy ang dugo sa kaniyang bibig. Hindi pa dito natatapos ang pasakit ngunit naibuka niya ang kaniyang bibig.

"Sa ilalim ng bato sa likod ng aking upuan!"

Sunduin ng kamatayan!

Bilis!

Labis na ang pagpasakit at hindi niya na ito kaya!

Pasensya!

Labis na pasensya!

Kung alam niya lang na darating itong araw na ito, hindi niya na sana hinangad maupo sa Sovereign! Nakuntento na lang sana siya sa pagiging mababang disipulo kaysa danasin ang pasakit na ito!

Tumalikod si Jun Wu Xie ar nakatingin kay Hua Yao. Natigil at gulat si Hua Yao nang sandali bago niya inaabot ang kamay nito kay Jun Wu Xie upang magpasalamat at umalis agad kasama si Qiao Chu patungo sa upuan ni Qin Yue para kunin ang gamit.

Sa malaking silid naman, itinungo ni Jun Wu Xie ang kaniyang tiningin sa mga namumutlang Elders na siyang nakatingin sa nagbabagyang kamatayan ni Qin Yue. Tiningnan niyang nakangiti si Mu Chen.

"Gusto mo ikaw na ang gumawa?"

Kumunot ito ng noo si Mu Chen at puno ng malisya. Tiningnan niya ang nanginginig sa sakit na si Qin Yue ngunit ni katiting ang wala siyang maramdamang awa dito.

Nakakaawa ang sitwasyon ni Qin Yue ngunit nangibabaw na rin ang pagkamuhi nila dito!

Hindi niya makalimutan ang kaniyang mga magulang na namatay sa lason bago kay Qin Yue. Naalala niya ng maagi ang mukha ni Qin Yue nang panahong iyon, karumaldumal na mukha at pagtagumpay. Naalala din niya ang mga unang Elders na tapat ang serbisyo sa dating Sovereign at lahat ng ito ay pinatay lang ni Qin Yue.

Hindi dapat mabuhay si Qin Yue!

Ngunit hindi dapat madali ang pagkamatay nito!

Ang buhay niya ay hindi pa sapat para pagbayarin sa lahat ng kasalanan nito!

Sininira ni Qin Yue ang buhay niya at sinira nito ang Qing Yun Clan!

"Hindi, kailangan ko siya mabuhay hangang sa huling sandali para maranasan niya ang hirap at pasakit!" Sambit ni Mu Chen na puno ng galit sa kaniyang mga mata.

Hindi na muling nagsalita si Jun Wu Xie at tumalikod na itong tuluyan kay Qin Yye. Iniwan niya na si Mu Chen para ito na ang maghiganti at ayaw niyang nakawin ang matamis na sandaling iyon.

Ang pag-aakala ni Qin Yue ay hindi na siya masasaktan kung tinuro niya na ang mapa. Ngunit halos mabaliw siya sa sinabi ni Mu Chen. Ang dating Sovereign ng pinakamagiting na Qin Yun Clan ay ngayong napakababa na at nasa sahig at dinaramdam ang matinding pasakit.

Hiling ng mga mata nito ay agarang kamatayan.

At kahit huling sandali niya ito, hindi nila hahayaang matupad ang hiling nito.

Isang tunog ang narinig bilang tanda ng pag-gabi. Ang mainit na liwanag ay humupa na. Ang lason ay nagkalat na sa ikalabing-isa ng Cloudy Peaks. Ang mga disipulo ng Inner House ay walang kamalay-malay sa pagdilim at may selebrasyon sa pagkain. Pinagmamalaki nila ang kasuklam-suklam na krimen ng may pagyayabang.

Ibinababa ni Jun Wu Xie at tinanggal niya ang mga karayom sa katawan nito ng isahan lamang!

Nang natanggal na ang mgabkarayom ay biglang lumuwa ang mga mata ni Qin Yue at biglang pumitik ng malakas ang kaniyang katawan, at ito na ang kaniyang huling hininga!

Related Books

Popular novel hashtag