Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 335 - Ika-anim Na Sampal (7)

Chapter 335 - Ika-anim Na Sampal (7)

Napaupo na lamang si Qin Yue sa kaniyang upuan at umiikot din ang kainyang paningin.

Sinong magaakala na ang makapangyarihang angkan ng Qing Yun na kilala sa buong sansinukob, ay matatagpuan ang tagapag-dala ng delubyo sa isa sa mga ekspedisyon nito?

Sa maliit na bansang iyon pala ay nagtatago ang demonyong magdadala ng kamatayan sa buong Qing Yun Clan!

Kung alam lang niyang ganon ang kahahantungan ng lahat, sana'y hindi na niya hinanap ang Soul Jade, at sana'y di na niya nakilala si Jun Wu Xie!

Ngunit huli na ang pag-sisisi, at wala na siyang magagawa upang makatakas sa sitwasyong ito.

"Hua Yao, mayroon kang isang oras" Humarap si Jun Wu Xie sa lalaki na nasa tabi niya. Ang katapusan ni Qin Yue at ng buong Qing Yun ay isang katotohanan na hindi na mababago pa, ngunit hindi parin nakalimot si Jun Wu Xie sa pangako niya kina Hua Yao at Qiao Chu.

Tumungo sa pagsang-ayon si Hua Yao at sa isang kumpas ng kaniyang kamay, ang dobleng ulo ng buto ng ahas ay mabilis na gumapang papunta kay Qin Yue. Ang mga Elders na nangangatog sa takot ay nagsisisigaw at tumakbo. Ang mukha ni Qin Yue ay namumutla na at pag-atake ng dobleng ulo ng buto ng ahas ay di na niya nagawang tumakas.

Kung kakayahan lang ang paguusapan, kaya ni Qin Yue na pumalag laban sa tatlong kabataan na nasa harap niya. 

Ngunit dahil sa mga kagulat gulat na pangyayari, nawalan na siya ng pagasa na lumaban. 

Ang mga kaguluhan sa loob ng angkan ng Qin Yun, ang pagtutol ng mga Elders, at ang kanyang katapusan. Lahat ng ito ay plinano ng batang si Jun Wu Xie at pinaikot sila lahat sa palad ng kanyang mga kamay. Ang lahat ng hindi inaaasahang pangyayaring ito ay ang bumuwag sa kaniyang mapagmataas na karakter. 

Masyadong madali kung papatayin lang ni Jun Wu Xie ang lahat ng kanyang kalaban. Ngunit ang kamatayan na walang sakit ay masyadong mahabagin kumpara sa lahat ng ginawa ng kanyang mga kaaway. 

Kaya't inutusan ni Jun Wu Xie sina Mu Chen at Hua Yao na magkunwari, at magdulot ng kaguluhan hanggang sa huling sandali, upang tuluyan ng mabuwag ang natitirang pagasa ng kanyang mga kalaban. Gusto niyang maramdaman ng buong angkan ng Qing Yun ang takot hanggang sa huli. 

Ang dobleng ulo ng buto ng ahas ay pumulupot kay Qin Yue, ang mga buto nitong matutulis ay bumabaon sa laman ni Qin Yue. Ang isip niya ay napuno ng sobrang sakit habang ang mga matang kulay dugo ng ahas ay nakatitig sa kanya. Isang malaking bangungot ang nangyayari sa kanya. Ang kanyang dugo ay pumuno sa kanyang magarbkng kasuotan. Dinala ng ahas si Qin Yue kay Hua Yao. Ang Makapangyarihang Sovereign ng Qing Yun ay mukhang kalunos-lunos na ngayon na wala na siya sa kanyang trono. Wala na ang mapagmataas nitong anyo, ang natitira nalamang ay ang pagsisisi sa kanhang mga matang wala nang emosyon. 

"Nasaan na ang ibinigay sa iyo ni Ke Cang Ju?" tanong ni Hua Yao habang tinatanggal ang suot niyang balat-kayo. Nadinig ng kalunos-lunos na si Qin Yue ang tanong ni Hua Yao, at sa isang sandali ay tila may gulat sa kanyang mga mata. "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo" 

Napasimangot si Hua Yao, at sa isang maliit na galaw ng kanyang daliri, humigpit pa ang pag-lingkis ng ahas kay Qin Yue at ang mga buto nito ay lalo pang bumaon sa laman niya. 

Nagsisigaw si Qin Yue sa sobrang sakit. Ang mga ugat sa kanyang leeg ay nagsilabasan. Ang kanyang mukha ay namumula at siya ay pinagpapawisan ng husto. Ang kanyang ulo ay naka tingala sa sobrang sakit. 

Ang dugo niya ay nagsimulang tumulo sa sahig. Parami ng Parami. 

"Nasaan ang Mapa?" tanong ni Hua Yao ng may pagbabanta. 

Unti unti nang nawawalan ng malay si Qin Yue. Ang kanyang katawan ag nagsisimula ng manginig. Ni hindi na niya magawang makapagsalita. Iniling na lamang niya ang kanyang ulo ng mahina. 

Mas malalakas pa na sigaw ang muling lumabas sa bibig ni Qin Yue na tila bang parang sumasaksak sa dibdib ng lahat ng Elders na nakakarinig sa kanya. Lahat sila ay takot na takot at hindi na makagalaw sa kinatatayuan nila habang pinapanuod ang kalunoslunos na sinasapit ni Qin Yue at nagdadasal na wag nilang sapitin ang nangyayari sa kanya. 

Patuloy na tumakbo ang oras. Ang hininga ni Qin Yue ay pahina na ng pahina, ngunit nanatili siyang tahimik tungkol sa mapa.