Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 333 - Ika-anim Na Sampal (5)

Chapter 333 - Ika-anim Na Sampal (5)

Siya pa rin ang taong buong buhay niya pinagsilbihan ang Qing Yun Clan para sa ikakainam nito na siyang dahilan ng pakikipag sabwat nito sa taga labas para mabigyan ito ng paglipol sa magiting na Qing Yun Clan!

Hindi lang ito kapani-paniwala sa Sovereign at ibang Elders!

Para sa sigaw at desperadong tanong ni Qin Yue, dahan dahang hinarap ni Mu Chen ito, at muntik ng hindi kaaya aya ang boses nito ngunit malumanay nyang sabi: "Ang lugar na ito ay hindi na tulad ng dating Qing Yun Clan na alam at pinahalagahan ko, kung nanatili pa rin ang Qin Yung Clan sa ngayon, pipiliin kong buong itigil ito para mabuhay tayong lahat."

Ang angkan ay dating sakramentong banal ay napalitan ng matinding kasamaan sa mga nakalipas na tao, at dapat itong maglaho lahat!

Tiningnan ni Qin Yue ng masama si Mu Chen at galit pa rin ito. Hindi niya lubos maisip na nakipag alyansa ito sa tatlong kabataan. Maaring sa matinding pagkalason ni Mu Chen, ganito kasama ang epekto para makipagkampi sa kanila?

Ang sunod-sunod na tanong niya sa kanyang sarili ay nakakapagtaka at biglang sumulpot ang sagot sa kaniya.

Noong nalason si Mu Chen at nasa higaan lang ito, maaring naawa lang sa kanya ang ibang Elders! Hindi masyado nagsalita si Mu Chen, ngunit ang bawat katagang binitawan nito ay naglalagablab sa loob ni Qin Yue!

"Sa tingin mo ba kapag pinatay mo ako at ang ibang Elders ay makakatungtong ka pa ng Qing Yun Clan ng buhay!? Sasabihin ko sa'yo 'to, wag kang managinip! Ang mga natitirang disipolo na isang dosena sa tuktok ay di ka hahayaang makaalis nang hindi nasasaktan! Ang Cloudy Peaks ang huli mong hantungan!" Dahil sa tindi nang galit nito, sumigaw ito dahil sa pagkabigo at sama ng loob pero tinatago pa rin nito ang kaniyang takot!

Tumawa si Jun Wu Xie, sunod-sunod na ang klarong tawa nito na rinig na sa buong silid. Napailing ito sa mga walang kwentang banta ni Qin Yue habang nakatayo pa rin ito at hindi gumagalaw at bakas sa mukha nito ang nais na pagpaslang.

"Imposible! Hindi ka magtatagumpay ngayon!" Hindi pa rin siya nagpatinag pero nasa isipan niya pa rin ang kayang gawin ng kabataan.

Tumawa si Jun Wu Xie habang nakagawa siya ng waxed pill sa kaniyang kamay.

"Ang gamot na ito ay nagtataglay ng lason." Sa isang oras lang, kapag tirik na ang araw, matutunaw ang waks at ang lason ay magkakalat." Konting langhap lang dito ay pwede ng mamatay ang isang tao."

Ipinakita ni Jun Wu Xie ang lason bagi pa kay Qin Yue at sa mga Elder, at lalong tumingkad ang ngiti nya. Mainam nya itong nagawa gamit ang usok ni Ke Cang Ju. Imposibleng makatakas ka dito dahil sa porma nito, at tanging napakahusay at napakataas lang na eksperto ng pagpaparami lagpas sa Indigo Leveled Spirit User ang makakaligtas dito.

"Marami na dito ang nalagay sa labing-isa sa tuktok ng Qing Yun Clan. Makakarating ito sainyong disipulo patungo sa impyero." Umaliwalas ang mukha ni Jun Wu Xie na nagbabagya ng kamatayan.

"Kelan. . . . mo lahat ito naplano. . . ." nagulat ng tingin at takot ang mga mata ni Qin Yue habang ito ay nanginginig.

Kung ang lahat ng ito ay hindi biro. . . . Ang magiting na Qing Yun Clan at ang mga disipulo. . . . ay maglalaho. . . .!

Sumagot si Jun Wu Xie ng mahinahon: "Pagkatapos mong pumayag na pumili ng disipulo si Ke Cang Ju mula sa ilang pangkat."

Huning ng mamalalim si Qin Yue at nahulog sa pagkatalo!

Lahat ng iba't-ibang tugatog ay may kanya kanyang paraang para maprotektahan ang pagasok ng mga taga labas. Para makapasok ang tatlo at maitanim ang lason sa tuktok, ay imposibleng hindi sila mapuna. Ngunit sa pag apruba ng Sovereign at utos ay napadaki ang pagpasok nito.

Ito na ang pagtatapos ni Qin Yue sa mga oras na iyon. Ang gusto ng kabataang ito ay wag nang mag udyok ang ibang Elders laban sa Sovereign. Ang nais niya ay tagumpay para sa lahat, para pumili ng disipulo sa iba-ibang tugatog para makuha ang atensyon ng Elders, para makapagtanim sila ng lason sa loob ng ilang sulok ng tuktok ng di napapansin, para maglaho ang buong Qing Yun Clan!

Related Books

Popular novel hashtag