Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 331 - Ika-anim Na Sampal (3)

Chapter 331 - Ika-anim Na Sampal (3)

Nakangiting sinabi ni Jun Wu Xie: "Huwag kang mag alala, hindi lahat ng taga Qing Yun Clan ay mamamatay at wala kaming intensyong umalis agad."

Tiningnan ni Qin Yue si Jun Wu Xie. Hindi sya makapaniwala na ang ordinaryong batang ito ay napakayabang kung magsalita.

Sinabi nitong hindi lahat ng tao ng Qin Yun Clan ay maglalaho at hindi sila makakalipad!

Nagsasabi kaya ang batang ito sa kanya na kaya nitong paglahuin ang Qin Yun Clan!?

"Masyado ka na ata mayabang! Burahin ang Qing Yun Clan?! Sa tingin mo ba may kakayahan kang talunin kami!?" Nakatawang sabi ni Qin Yue.

Lahat ng Elders ay nagsitayuan dahil sa mayabang na mga salita ni Jun Wu Xie. Kahit gaano pa ito kagulo, kung may kaharap silang kalaban ay haharapin nila ito. Alam nila kung paano magkaisa para matalo ang kalaban.

"Ikaw paslit. Makikita mo, kakainin mo yang mga sinabi mo. Kayong tatlo lang at gusto mong tapusin ang buong Qing Yun Clan? Anong klaseng biro yan! Nakangising sabi ni Cai Zhuo na tiningnan ang tatlo. Pagkatapos ng mga nakakagulat na mga rebelasyon ay nagkaroon sya ng sapat na oras para pakalmahin ang sarili.

Sa mga mata ng mga Elders ay alam nilang meron itong magandang abilidad kung nagkataong napatay nila si Ke Cang Ju. Ngunit pinaglaruan nila ang pamamalakad ng Qing Yun Clan at ang pinagmamalaking Elders ay hindi sineryoso ang ideyang pinaglaruan sila ng isang bata lamang.

"Sa'yo man o sa akin ang biro ay makikita pa rin ito." Mahinahong sambit ni Jun Wu Xie.

"Oh! Yan ang gusto kong matuklasan. Magpakitang gilas ka para mapatunayan mo ang iyong mga mayayabang na salita!" Nawala ang pag-alala ni Qin Yue nang mga sandaling iyon dahil nangibabaw na ang kanyang galit. Kung hindi dahil sa tatlong kabataan ito ay hindi nya dadanasin ang pagdududa sa kanya at hindi pagtitiwala at sa nalalapit nyang walang katiyakang pag angat ng kanyang posisyon sa pamumuno at ang gulo ay hindi sana nakasagabal sa Qing Yun Clan, at ang mga Elders ay hindi sana sya kinontra ng sama-sama!

Makapangyarihang sumigaw si Qin Yue at maraming disipolong nakatayo ang pumunta sa silid. Mahigit isang daang disipolo ang nakapalibot kina Jun Wu Xie, Qiao Chu at Hua Yao, at wala silang rutang pwedeng matakasan.

"Kahit ano pang paniniwala mo sa sarili mo bilang napakagaling, huwag kang magtatangkang tumakas na buhay!" Matulis na mga tingin ni Qin Yue.

Inilapat ni Jun Wu Xie ang kanyang mga mata sa mga disipolong Blue Cloud Peak at mas lumalim ang boses nito.

"Takas? Hindi yan kailangan."

"Lahat ng disipolo, makinig sa utos ko! Arestuhin nyo ng sabay-sabay ang tatlong 'yan!" Malakas na sigaw ni Qin Yue.

Sa pagkakataong iyon, lahat ng disipolo ng Blue Cloud Peak ay tumalon para arestuhin ang tatlo!

Sa parehong sandaling iyon ng pagtalon, may dalawang malabong guhit at sumabog sa kalagitnaan ng karamihan!

Buto ng dalawang malaking ulo ng ahas ang dumulas sa kalagitnaan ng pag atake. Ang dalawang buto ng ulo ng ahas ay walang laman sa kanyang katawan kundi nagkikinang na puting buto nito. Ang pares ng dalawang namumulang mata nito ay nanlilisik na nakatingin sa mga dispolo at ang bawat isang ulo nito ay kasing laki ng isang lalake ganap ng malaki! Ang mga buntot nito ay iwinasiwas sa mga disipolo at ang mga matutulis nitong buto ay pintul ang buntot na daanan, sobrang tulis nito! Dumanak ng dugo at gutay-gutay na mga laman!

Sa kabilang dako, isang mabagsik na ungol ang hatid ng isang oso. Ang mga balahibo nitong itim at puti ay nakatayo at nakapusturang nakapustura. Mahigit dalawang metrong tangkad nito, ang isang pagsipa lamang nito ng kanyang paa ay nagawa nitong gutay gutayin ang malalaking grupo ng disipolo!

Ang biglang paglitaw ng dalawang malalaking hayop ay sobrang ikinatakot ng mga disipolo ng Blue Cloud Peak na nakapaligid sa tatlo. Maraming nataranta at kapalpakang tumawag sa kanilang ring spirits. Ang mga kawawang ring spirits ay nagmukhang kalunos-lunos ang kanilang laki o atake ng kanilang mga kapangyarihan, at hindi man lang nagkaroon ni katiting na takot ang dalawang malaking hayop para sa kanila!

Nanlaki ang mga mata ni Qin Yue, hindi maalis sa tingin nya ang dalawang malaking hayop na iwinawasiwas alang mga disipolo sa silid. Marami na syang nasaksihang malalaking bagay sa mundo, ngunit hindi pa sya nakakita ng ganito kalaki o malapit sa laki nitong dalawang ring spirits! Ang dalawang ring spirits ay mangingibabaw pa rin ang kapangyarihan sa mga ibang residente ng ring spirits!

"Bilis! Dalhin dito ang mga imbitadong ekspertong residente!" Butil butil na pagpawis ni Qin Yue. Sinong mag aakala na ang tatlong kabataang ito ay nagtataglay ng makapangyarihang ring spirits!? Kung ipagpapatuloy nila ito ay wala ng sapat na disipolo ang Qin Yun Clan para patayin sila.