Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 315 - Mu Chen’s Unbending Will (2)

Chapter 315 - Mu Chen’s Unbending Will (2)

Sa Cloud Treading Peak, nakatayo si Mu Chen sa tuktok kasama ang mga disipulo niya. Matatag ang kaniyang tindig habang pinapanuod ang papalapit na si Ke Cang Ju.

"Elder Mu, matagal na nang tayo'y huling nagkita." Naging napakahusay na ni Hua Yao sa paggaya sa tawa ni Ke Cang Ju kasabay ng nakakatakot na tono nito, iyon ay nagdudulot ng kilabot sa buong katawan.

"Ang Cloud Treading Peak ay hindi tinatanggap si Elder Ke, hinihiling naming umalis na ngayon ito dito." Matigas ang mukhang saad ni Mu Chen.

Tahimik na inobserbahan ni Jun Wu Xie si Mu Chen at naisip niyang naiiba nga si Mu Chen sa ibang Elder.

Sa mga naunang pangkat, alam ng mga Elder ang intensyon ni "Ke Cang Ju" Ngunit nauwi ang mga ito sa pagsunod sa pahintulot ni Qin Yue at hinayaang isakripisyo ang kanilang mga disipulo. Wala sa kanila ang tumugon katulad ng kay Mu Chen na agad tumanggi sa kanila at pinrotektahan ang kaniyang mga disipulo ng walang pag-aalinlangan.

Ang mga disipulong nasa likod ni Mu Chen ay hindi makikitaan ng takot bagkus ay matigas ang mga ekspresyon sa mga mukha nito. Sa mga disipulong naroon, nakita ni Jun Wu Xie si Rong Heng na nakatayo sa likod ni Mu Chen. Nagulat ito ng makita si Jun Wu Xie ngunit agad namang nakabawi at bumalik sa matigas na anyo ang ekspresyon nito.

Narinig ni "Ke Cang Ju" ang bastos na pananalita ni Mu Chen at nagsimulang mamuo ang galit. Nangungutyang nagsalita ito: "Mu Chen, sa aking nakikita ay pareho taong Elder, hindi ko maitatanggi ang iyong ugali, pero matuto kang lumugar! Ang pakay ng aking papunta dito ay para pumili sa disipulo mo at ideya iyon ng Sovereign! Mangangahas ka bang banggitin na ang awtoridad mo ay maipagwawalang-bisa ang sa Sovereign?

Malutong itong nagmura at nagdilim ang mukha nito. Ang mga mukha ng mga disipulo sa likod nito ay nagsimula ring magmula sa galit ng marinig ang mapang-insultong komento ni "Ke Cang Ju."

"Napansin kong humuhusay si Brother Hua gumalit ng tao." Hindi mapigilan ni Qiao Chu na bumulong kay Jun Wu Xie dahil sa pagkamangha nito kay Hua Yao.

"Hindi ba't ganon naman siya lagi." Tinaasan ito ng kilay ni Jun Wu Xie. Normal na sa personalidad ni Hua Yao ang walang pakialam at malamig. Matalas din itong magsalita at may kakayahan itong mang-inis ng tao.

"Totoo." Mahinang tumango si Qiao Chu dahil naranasan niya na ito.

Nagpatuloy si Hua Yao: "Elder Mu, imumungkahi kong tanggapin mo ang aming kahilingan ng payapa at wag nang pahirapan ang iyong sarili. Ang aking tungkuling pumili ng disipulo sa iba't-ibang pangkat ay utos ng Sovereign. Nakipagtulungan ang mga naunang Elder at hihingin kong wag ka nang magmatigas dahil dalawang disipulo lang naman iyon."

Nagtaas ang bagang ni Mu Chen at bakas ang poot sa mukha nito ng ito ay sumagot: "Hindi ko tatanggapin ang utos na iyon!"

Mas lalo namang naging katakot-takot ang mukha ni Hua Yao. "Mukhang babaliin ni Elder Mu ang utos ng Sovereign? Kahit na ikaw ay Elder, ang hindi pagsunod sa utos ng Sovereign ay isang krimen!"

Nang maupo si Qin Yue bilang Sovereign ng Qing Yun Clan, ang mga kakayahan at karapatan ng mga Elder ay unti-unting nawala. Nagsimulang paghigpitan at parusahan ni Qin Yue ang mga Elder. Higit sa lahat, si Mu Chen at Qin Yue ay may alitan at kalat iyon sa Qing Yun Clan.

Nanatiling tahimik si Mu Chen at iniwasang umagaw ng atensyon. Ginawa iyon ng Cloud Treading Peak para iwasang magkaroon ng dahilan si Qin Yue na kalabanin sila. Ngunit kung siya ay mahahatulan ng krimen dahil sa paglabag sa utos ng Sovereign, magkakaroon ng dahilan si Qin Yue na tuluyang alisin si Mu Chen!

Lahat ng naroon ay nakuha ang ibig sabihin ni "Ke Cang Ju".

Hindi na naghintay ng sagot si Rong Heng na makasagot si Mu Chen, humakbang ito paharap.

"Elder Ke, hindi mo na kailangang magsalita pa, sasama ako sa'yo."

Hindi makapagsalita si Mu Chen habang tinitigan si Rong Heng na nag-boluntaryong isakripisyo ang kaniyang sarili. Maya-maya lang ay isa pang disipulo ng Treading Peak ang humakbang din paharap at nagpapakita ng pagkukusang sumama kay Elder Ke sa Hidden Cloud Peak.

Bago ang sitwasyon ito! sa ibang mga pangkat ay lahat ng disipulo ay lumayo kay Hua Yao, takot na mapili nito na sumama patungong Hidden Cloud Peak. Ang napili ay mahihintakutan at lumuluhod sa kanilang Guro at nagmamakaawang sila ay iligtas ng kanilang Elder sa tiyak na kapahamakan.