Dinala ang dalawang disipulo sa Hidden Cloud Peak ang mga mukha nito ay namumutla. Nang sila ay nakatayo na sa pintuang daan ng Hidden Cloud Peak, nagsimulang mangatog ang mga ito---kaawa-awa.
Ang balita ng paglalakbay ni "Ke Cang Ju" para kumuha ng disipulo sa Ash Cloud Peak ay agad na kumalat sa buong Cloudy Peak. Nakarating din ang balitang iyon sa mga Elder ngunit hindi naman nila ito gaanong pinansin.
Nawala ang Elder ng Ash Cloud Peak na si Jiang Chen Qing at inaasahan na na dadanasin nila ang kalupitan.
Noong nabubuhay pa si Jiang Chen Qing, ipinagyayabang ng mga disipulo ng Ash Cloud Peak ang pagiging malapit ng kanilang Elder kay Qin Yue. Dahilan para maliitin ng mga ito ang disipulo ng ibang pangkat.
Ngayong dinodomina ito ni Ke Cang Ju, naisip ng ibang Elder na nararapat lang iyon sa Ash Cloud Peak at nararamdaman nilang pupuntiryahin ito ni Ke Cang Ju matapos ng pagkamatay ng kanila Elder.
Ngunit palaging pinagbibigyan ni Qin Yue si Ke Cang Ju kung kaya't hindi na iyon gaanong pinagtuunan ng pansin ng ibang Elder.
Nakaligtas naman ang ibang pangkat, ngunit ang mga disipulo ng Ash Cloud ay ninenerbiyos pa rin sa pangyayari.
Sa ikalawang araw magmula noong dinala ang dalawang disipulo sa Hidden Cloud Peak, sikretong nangalap ng impormasyon si Gao Xiong sa mga ito. Maaaring sinabi nga ni Ke Cang Ju na dinala lang ang mga ito dito para tumulong, ngunit nag-aalala ng lubos si Gao Xiong dahil alam niya kung gaano kasama ang reputasyon ni Ke Cang Ju. Maaari ring bumalik ito sa Ash Cloud Peak at wala nang makakapigil dito.
Kaya lihim lang siyang kumukuha ng impormasyon sa dalawa at ipinagdadasal na sana ay hindi sapitin ng mga ito ang isang miserable ng kapalaran.
Pagkatapos ng araw na iyon, naging mapanglaw ang Ash Cloud Peak. Lubhang ikinalungkot ng mga disipulo ang balitang patay na si Jiang Chen Qing at hetong dumating si Ke Cang Ju at sila ay pinagmamalabisan!
Dahil sa wala silang Elder na magdedesisyon, labag sa loob na sumunod ang Ash Cloud Peak.
Sa ikatlong araw mula ng pagbisita ni Ke Cang Ju sa Ash Cloud Peak, nahinto ang pagkakaroon ng balita ni Gao Xiong sa dalawang disipulo. Alam na niya kung ano ang ibig sabihin non!
Ang mga disipulong naglalaho sa Hidden Cloud Peak ay isa lang ang ibig sabihin. Ibig sabihin lang nito ay pinatay na ang mga iyon at ang mga katawan nila ay naging pataba na lang sa lupa.
Hindi na sinubukan ni Gao Xiong na itago iyon sa mga Ash Cloud Peak disciples. Parang pinagbagsakan ng lang it at lupa ang mga disipulo ng kanila iyong malaman.
Matapos mawala ni Jiang Chen Qing, ang mga Elder ay inignora ang kanilang karupukan. Kahit ang Sovereign ay pinahintulutan si Ke Cang Ju sa pagpatay ng mga disipulo ng Qing Yun Clan. Nag-uumpisang matakot ang mga disipulo para sa kanilang kaligtasan at namuhi sa ibang mga pangkat.
Natatakot silang baka sila na ang susunod at isinisi nila iyon sa ibang Elder at sa kakaibang pagtrato sa kanila ng Sovereign.
Sila ay disipulo rin ng Qing Yun Clan tulad ng iba. Bakit sila inabanduna at hinayaang dominahin ni Ke Cang Ju?
Ang poot at galit ng mga ito ay lalong tumindi sa paglipas ng araw. Hindi nagtagal ay pinutol na ng mga ito ang anumang koneksyon o ugnayan sa ibang pangkat. Ang Ash Cloud Peak ay nagkulong at hindi na muling nakita sa labas ang mga disipulo nito.
Inabanduna sila ng angkan at hindi man lang sila nakatanggap ng awa o knsiderasyon sa kanilang sitwasyon. Tumanggi na silang maging alay para sa ibang mga pangkat.
Ilang araw pagkatapos ng kawalan ng katarungang dinanas ng Ash Cloud Peak, ang ibang Elder na walang pakialam ay nawala ang ngiti sa mga labi.
Dahil nagsimula na si "Ke Cang Ju" na maglibot kasama ang dalawa nitong disipulo sa bawat pintuang daan ng mga ito. Dumarating sila para hingin ang parehong bagay na kanilang hiningi sa Ash Cloud Peak.