Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 307 - Obliterate (2)

Chapter 307 - Obliterate (2)

"Oh? Para kanino?" Tanong ni Hua Yao.

Huminga ng malalim si Qin Yue, pinipilit nitong itago ang nawawala niyang damdamin.

"Patay na si Yu Yan at Elder Jiang."

Saglit na natigilan si Hua Yao. Ang tinutukoy nitong Qin Yu Yan ay ang nag-iisang anak nito. Binigay nito lahat sa anak niyang ito, bilang Eldest Miss ng Qing Yun Clan, si Qin Yu Yan ang parang prinsesa ng angkan at minahal ng lahat. Ang maganda nitong mukha ay halos eksaktong replica ng mukha ni Qin Yue.

Nakita na noon ni Hua Yao si Qin Yu Yan nang una itong pumasok Hidden Cloud Peak para hanapin ang mapa. Siya ay nagtatago sa mga anino nang makita niya si Qin Yu Yan at Ke Cang Ju na pinapahirapan ang mga kabataan. Ang maganda nitong mukha ay isa lang pa lang maskara para itago ang tunay nitong kulay at nakikipagsabwatan kay Ke Cang Ju. Ibang iba ang katauhan ni Qin Yu Yan kapag si Ke Cang Ju ang kaharap nito kumpara sa imaheng pinapakita nito sa harap ng iba. Isang imaheng mabait at mahinahon. Katulad din ito ni Qin Yue na may itinatagong kasamaan at nakikipagsabwatan kay Ke Cang Ju.

Ngunit paano pinatay ang pinakaiingatan ni Qin Yue?

Pumitik ang tenga ng itim na pusa at Dahan-dahan dinilat ang mga mata nito. Nagyeyelo ang tingin nito ng mapadako iyon kay Qin Yue.

Nakarating na ang balita kay Qin Yue ng mas maaga sa kaniyang inaasahan.

"Ang mapangahas na Kingdom of Qi! Ang walang kwentang Jun Family ay nangahas na patayin ang aking anak! Gusto kong patayin ang buong pamilya ng iyon! Ke Cang Ju, ibigay mo sa akin ang pinakamabagsik mong lason. Gusto kong ilibing kasama ng aking anak ang Jun Family at Qi Imperial Family!" nagtatagis ang bagang ni Qin Yue habang sinasabi iyon. May edad na ito at tanging si Qin Yu Yan lang meron ito. Ang kaniyang pinakamamahal na anak ay brutal na pinatay sa malayong Kingdom of Qi. Ang kahihiyan at galit na idinulot noon sa kaniya ay pumipilit ditong lumipad patungong Qi Kingdom at gutay-gutayin ang kaniyang mga kaaway.

Nagulat si Hua Yao sa kaniyang narinig at nagsimulang mangilabot ang kaniyang katawan. Naghihinalang sinulyapan niya ang itim na pusa.

Jun Family...Hindi ba't iyon ang apelyido ni Jun Wu Xie?

At hindi ba't sa Imperial City of Qi unang natagpuan ni Qiao Chu si Jun Wu Xie?

Napaisip si Hua Yao kung bakit ganon na lang kung kasuklaman ni Jun Wu Xie ang Qing Yun Clan para gustuhing pawiin silang lahat. Ngayon, kung tama ang kaniyang hinala, si Jun Wu Xie ay may malapit na koneksyon sa Jun Family na pumatay kay Qin Yu Yan. Ang intensyon nitong burahin ang Qing Yun Clan ay plano para maunang umaatake sa mga ito habang ang mga ito ay hindi pa handa.

Kung gayon, kung ang Qing Yun Clan ang mauuna, ang Jun Family ang malilipol!

Bilang magkakampi, may koneksyon man si Jun Wu Xie sa Jun Family o wala, napagdesisyunan ni Hua Yao na magtanong pa para kay Jun Wu Xie. "Hindi mo na kailangang ipagawa sa akin 'yon, hindi ba't sapat na ang mga mesenaryong may angking galing. Hindi ba't kaya na ng mga iyon na ubusin sila?"

Kumawala ang halakhak sa lalamunan ni Qin Yue: "Ang simple ng pagkamatay ay napakadaling parusa para sa mga ito. Gusto ko muna silang magdusa at hihilingin ng mga itong sana ay pinatay ko na lang sila! Dadalhin ko sila dito sa Qing Yun Clan at doon ipaparanas ang matinding kaparusahan! Wala nang makakapagpatahimik sa poot sa aking puso kundi iyon!"

Ang mga pumatay sa aking anak ay wala nang karapatang lumakad sa mundong ito! Kung hindi matinding paparusahan ang mga pumatay dito, hindi matatahimik ang kaluluwa ng kaniyang anak!

Tumango naman si Hua Yao bilang pagsang-ayon.

Ang kaluluwa ni Jun Wu Xie na nasa katawan ng itim na pusa ay napasimangot ng marinig iyon. Lihim naman siyang nagpapasalamat kay Hua Yao sa itinanong nito kung kaya't nalaman niyang hindi intensyon ni Qin Yue na magpadala ng pwersa sa Qi Kingdom.

Ngunit kahit na ganon, hindi pa rin mapipigilan si Jun Wu Xie.

Ang katotohanang nangahas siyang lisanin ang Kingdom of Qi ibig sabihin ay puno siya kumpiyansa. Bago niya pawiin ang Qing Yun Clan, kahit sino pa ang ipadala ni Qin Yue, hindi siya papayag na madantayan man lang ng daliri ang Jun Family.