Nakakapagsalita ang pusa!!
At parehong-pareho sa bosses ni Jun Wu Xie!
Halos mahulog si Qiao Chu sa kaniyang kinauupuan, nanatiling nakanganga ang bibig nito.
Hindi naman nagkaroon ng progress kay Hua Yao. Nagpalit anyo ito bilang si Ke Cang Ju at ang ekspresyon sa mukha nito ay kakila-kilabot.
"Little Xie?" Tanong ni Qiao Chu nang siya ay makabawi sa pagkagulat.
"Hmm." Sagot naman ng pusang itim.
Nagwawala ang kalooban ni Qiao Chu!
"Brother Hua, sampalin mo nga ako, gusto kong maniguradong hindi ako nananaginip lang." Nawawala na si Qiao Chu sa kaniyang sarili.
Malugod namang ginawa ni Hua Yao ang hiling nito at malakas na sinampal ang pisngi nito!
Halos marinig sa kabilang ibayo ang sampal na iyon.
"Masakit ba?" Nang-iinis na tanong ni Hua Yao. Nasisiyahang siya ay nakaganti dito.
Sinapo naman ni Qiao Chu ang kaniyang namumulang pisngi sabay sabing: "Sobrang sakit non...."
Ang black cat .... Hindi, si Jun Wu Xie na sinaniban ang katawan ng pusa ay tahimik na inoobserbahan sina Qiao Chu at Hua Yao. Kalmado ang mata nito at walang bahid ng kahit anong ekspresyon.
Walang nakakaalam na kaya niyang makipagpalit ng kaluluwa kay Little Black. Nang sila ay napag-isa, napagtanto niyang pwede pala silang magpalitan ng kaluluwa ngunit may panganib na kasama. Hindi kaya ng kaluluwa ni Little Black na alalayan ang katawan ni Jun Wu Xie, kapag naman si Jun Wu Xie ay nasa katawan ni Little Black, ang kaniya mismo ng katawan ay nanganganib. Kung mayroon mang gumalaw sa kaniyang katawan sa oras na iyon, wala siyang kalaban-laban. Higit sa lahat sa kanilang soul exchange, hindi maaaring magpalit ng anyo bilang si Black Beast ang itim na pusa kapag si Jun Wu Xie ang nasa katawang iyon.
Parehong delikado sa buhay nina Jun Wu Xie at Little Black ang Soul exchange.
Magagawa lang ang soul exchange kapag buo at malakas ang katawan nila pareho. Nang muling mabuhay si Jun Wu Xie ang kaniyang katawan ay malubhang napinsala kaya naman hindi nito kayang gawin ang soul exchange. Hindi kakayanan ng kaluluwa ni Little Black ang alalayan ang katawan ni Jun Wu Xie sa ganoong estado. Mamamatay ang katawan ni Jun Wu Xie kasama ang kaluluwa ng pusa. Habang si Jun Wu Xie naman ay mananatiling nakakulong sa katawan ng pusa at hindi nito magagawang magpalit ng anyo.
Napagdesisyunan ngayon ni Jun Wu Xie na gawin ito base sa tiwala niya kay Qiao Chu. Hindi man sila nakapg-usap ng matagal ngunit base sa pakikitungo ng mga ito sa kaniya, alam niyang mapagkakatiwalaan niya ang dalawang ito. Subalit sinadya niyang hindi banggitin dito ang panganib na maaaring idulot ng soul exchange para iwasang magkaroon ito ng ideya. Pati, walang magandang maidudulot sa dalawang lalaki kapag sinaktan siya ng mga ito.
Ang bawat galaw at kilos na ginagawa ni Jun Wu Xie ay maingat niyang pinag-aaralan. Kapag sigurado na siya ay saka pa lang niya iyon isasagawa.
Ang kaniyang pagiging kalmado ay mas lalo lang nakapagpatigil kina Qiao Chu at Hua Yao.
Kahit na hindi ring spirit si Little Black, wala nang ibang makakagawa ng soul exchange.
Ang mga kilos at plano ni Jun Wu Xie ay tuluyang nakapagpabago sa kung paano nangyayari ang mga bagay sa mundo.
Pagkatapos ng mahabang katahimikan, nakabawi na sa pagkagulat si Hua Yao at tinitigan niya ang pusa. Kinausap niya itong parang si Jun Wu Xie ang kaniyang kaharap.
"Gusto mong marinig ang sasabihin ni Qin Yue?" Tanong ni Hua Yao.
Tumango naman ang itim na pusa.
"Kailangan kong husgahan kung hanggang saan magpapaubaya si Qin Yue kay Ke Cang Ju." Dahil nagbago ang kalagayan, gusto niyang abusuhin ang pekeng pagkatao ni Ke Cang Ju.
"Naiintindihan ko." Ang pagpupulong sa pagitan ni Ke Cang Ju at Qin Yue ay limitado lang sa kanilang dalawa. Ngunit pusang itim lang naman ito. Kahit gaano pa kaingat si Qin Yue, hindi ito magsususpetiya dahil wala namang makakaisip na may kakayahan ang isang tao na makipagpalit ng kaluluwa sa isang hayop.