Nang tulungan ni Ke Cang Ju si Qin Yue para makuha ang pamumuno sa angkan ng Qing Yun, minabuti niyang gamitin ito para hindi siya i-isang tabi ni Qin Yue pagkatapos niyang mamuno sa buong angkan ng Qing Yun. Dahil sa kapit niyang ito kay Qin Yue, walang nagawa si Qin Yue sa mga utos at pangangailangan ni Ke Cang Ju sa loob ng Hidden Cloud Peak dahil sa nalalaman nito tungkol sa kanya.
Ang sikretong ito ay hindi sinasadyang marinig ni Bai Yun Xian nang nagkasagutan ang dalawa. Hindi binalak na gamitin ni Jun Wu Xie ito laban sa kanila, ngunit si Ke Cang Ju ang kumuha ng sarili niyang buhay nang pinilit niya ang kamatayan sa kanyang Hidden Cloud Peak, at wala na siyang iba pang masisisi.
Dahil ito ang napiling landas sa mga hindi inaasahang pangyayari, tama lang na gamitin ni Jun Wu Xie ang lahat sa kanyang benepisyo.
Ang sikretong nakatago sa loob ng angkan ng Qing Yun ay ikinagulat nila Hua Yao at Qiao Chu. Alam nila na gumawa si Qin Yue ng mga bagay para makuha ang trono pero hindi nila inakalang papatayin niya ang sarili niyang Maestro!
Sa kanilang pananaw, walang mas karimarimarim na krimen sa pagpatay sa sarili mong maestro.
Kapag kumalat ito, hindi lamang mawawala ang posisyon ni Qin Yue bilang soberano, kung di lagi siyang isusumpa at duduraan kahit saan man siya magpunta.
"Gamit ang impormasyon na ito, hindi kagulat-gulat ang kasiguraduhan mong gagawin ni Qin Yue ang napakasamang hiling na ito." Halos pumalakpak si Qiao Chu kay Jun Wu Xie. Paano nalaman ng batang yun ang napakalaking katotohanan na makakahawak kay Qin Yue sa kanyang leeg?
Tinuloy ni Jun Wu Xie ang kanyang mga sinasabi. "Nagtago si Ke Cang Ju ng ebidensya sa pagpatay ni Qin Yue sa dating Soberano at matagal nang gustong makuha ni Qin Yue ito, pero hindi niya nagawa. Maaring hindi natin alam kung nasaan at kung ano ang ebidensyang iyon, pero hindi makapipigil sa atin para gamitin yun laban kay Qin Yue."
Hindi na mahalaga kung nasa kanila ang ebidensya o wala, kahit hindi nila ito mahanap, susunod si Qin Yue sa pananakot nila, dahil hindi niya alam na patay na ang tunay na Ke Cang Ju.
Tumungo si Hua Yao sa pagintindi sa kung ano ang gustong mangyari ni Jun Wu Xie.
"Gagawin namin, tulad ng iyong sinabi. Tara, guluhin na natin ang angkan ng Qing Yun!"
Sa gitna ng kaguluhan, magkakaroon ng pagkakataon. Matapos wasakin ni Jun Wu Xie ang buong angkan ng Qing Yun, maari na nilang hanapin ang mapa.
Bukod dito, gamit ang relasyon ni Ke Cang Ju at Qin Yue, sa pagkuha ng lokasyon kung nasaan ang mapa sa pamamagitan ng pakikipagusap lamang kay Qin Yue ay magiging mas madali kaysa halughugin nila ang buong lugar ng walang alam.
Walang pagdududa, ang batang dinala ni Qiao Chu, ay isang napakalaking tulong sa kanilang mga plano.
Kahit gumana o hindi ang kanilang salamankang gamot, malaki ang utang na loob nila sa batang ito na hindi nila mababayaran.
Dito napagdesisyunan na guluhin ang angkan ng Qing Yun, sa mismong silid na iyon. Hanggang sa araw na dumating ang parusa sa Cloudy Peak ng angkan ng Qing Yun, walang nakakaalam na nagsimula ang kalamidad sa loob ng angkan ng Qing Yun.
Sa labas ng pintuan, nakatago sa dilim at narinig ang lahat ng sinabi nila, ay si Ye Sha, gulat na gulat sa kanyang mga narinig.
Ang Maestrang ito ay matalino, at lagpas sa lahat. Gaano katagal ba nang siya'y dumating sa angkan ng Qing Yun? Hindi sumangayon ang mga nangyayari sa una niyang plano pero nagawan niya ito ng paraan at nagkaroon ng panibagong plano sa napakaiksing panahon. Sa pakikinig lamang sa labas ng silid, alam ni Ye Sha na wala nang magagawa ang angkan ng Qing Yun ngayon!
Sa pagtamo ng galit ng Maestra, ay makikita lamang bilang paghanap ng angkan ng Qing Yun ng sarili nilang kamatayan. Wala silang ibang masisisi dito.
Mula pa lamang sa mga malisyosong gawain ni Ke Cang Ju sa loob ng Hidden Cloud Peak, hindi na ito mapapalagpas ng kalangitan.
Ang Panginoon ang nagpadala kay Ye Sha para protektahan ang maestra sa dilim, pero sa kanyang nakikita, tila hindi kailangan ng proteksyon ng maestra sa iba. Sa kanyang kaalaman sa lason at kakayahan ng kanyang maliliit na kamay, at napakametikulosong pag-iisip, wala nang magagawa pa ang angkan ng Qing Yun.