Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 293 - Pagpapalit (2)

Chapter 293 - Pagpapalit (2)

Dinala ni Hua Yao si Qiao Chu at Jun Wu Xie sa kuwarto ni Ke Cang Ju, at kanilang nadaanan ang maraming disipulo ng Hidden Cloud Peak. Lahat ay yumuko sa respeto, walang paggbubukod, at nawalan ng kahit ng anong bahid ng kayabangan na nakita sa mga naunang disipulong kanilang nakasalamuha. Lumangis at umalis ang lahat sa daanan ni Ke Cang Ju. Ang kanilang mga mata'y nagpakita ng labis na pagtataka nang mapansin nila ang dalawang taong nakasunod kay "Tandang Ke".

Nagpanggap si Jun Wu Xie at Qiao Chu na mahimatay kaninang umaga at nakilala ng mga disipulo ng Hidden Cloud Peak ang dalawang artista. Ang akala nila'y hindi na nila makikita ang mukha ng dalawang iyon, pero sino bang magaakala na pagkalipas lamang ng dalawang oras ay makikita nila ang dalawang kabataang buhay na buhay at sila pa ang naghahawak sa dulo ng tailcoat ni Tandang Ke

Sa pangalan, si Ke Cang Ju ang maestro ng mga disipulong ito, pero wala sa kanila ang may lakas ng loob na sundan kung saan saan.

Kilala ang pag-uugali ni Tandang Ke sa loob ng angkan ng Qing Yun. Maliban na lamang sa saglit na panahong nagbibigay utos siya para sa araw na iyon, ayaw na ayaw niyang napapalibutan siya ng mga disipulo.

Lalo na't merong dalawang sunod ng sunod sa kanya sa kabundukan.

Anong ginawa ng dalawang yun para mapabilib ang Tandang Ke? Dapat sila na ang maging fertilizer para sa mga gamot ngayon, pero nakagawa sila ng paraan para makaalis ng buhay?

Hindi pa nangyayari ito kailanman sa Hidden Cloud Peak!

Sa ilalim ng pagdududa ng mga disipulo, dinala ni Hua Yao si Qiao Chu at Jun Wu Xie sa kuwarto nito.

Napakalaki at napakamarangya ng kuwarto ni Ke Cang Ju. Sa buong angkan ng Qing Yun, ang mas malaki at mas marangyang kwarto lamang dito ay ang kuwarto ng Soberano, si Yue Qin.

Sa loob ng patyo, maraming tagapaglingkod ang nagwawalis ng nakayuko. Hindi nila napansin ang pagpasok ni Hua Yao at ng dalawang disipulo, at sila'y napatingin lamang ng nakatayo na sa kanilang harapan si Hua Yao.

Nangapos sa hininga si Qiao Chu nang makita nila ang mukha ng mga tagapaglingkod.

Ang kanilang mga mukha'y hindi na matatawag na isang mukha. Maliban lang sa kanilang mata at bibig, wala nang ibang makikita pa sa kanilang mga mukha. Tila parang nasunog ng kanilang mga mukha, ang kanilang mga labi'y hinati sa gitna, at ang isang kalahati'y nakatahi. Ang kanilang tenga at ilong ay tinanggal, at ang mga ulo'y walang buhok, at ginawang bola.

Kung ang tingin ng mga tao'y pangit ang mukha ni Ke Cang Ju, ginawa niyang karimarimarim ang mukha ng kanyang mga tagapaglingkod.

"Ang mga taong ito…." Gulat na gulat si Qiao Chu sa itsura ng mga tagapaglingkod.

"Dati silang disipulo ng Hidden Cloud Peak, at sila'y nakasakit kay Ke Cang Ju. Sila'y pinadala dito sa kwarto niya para maging isang tagapaglingkod niya." Sinabi ni Hua Yao, binabalik ang kanyang boses sa kanyang orihinal na boses.

"Hindi sila nakakarinig o nakakapagsalita, kaya't wala kayong dapat ikabahala sa pagbubuking nila sa atin. Sa mata nila, ako si Ke Can Ju." Sinabi ni Hua Yao.

Tinignan ni Jun Wu Xie ang mga mukha ng tagapaglingkod, at wala siyang nakitang kahit anong kamalayan sa mukha nila. Mukhang hindi rin narinig ang paguusap ni Hua Yao at Qiao Chu . Nanlaki lamang ang kanilang mata sa takot ng makita nila si Hua Yao, at nanginig na parang daga sa harap ng isang pusa, ang kanilang takot kay Ke Cang Ju ay hindi maitatago.