Ang pagiibang anyo ng matikas at magandang binata sa isang pangit at kubang katawan ay di kinaya ni Qiao Chu.
"Ano na ang susunod?" Tila walang pakialam sa kung gaano kapangit ang kanyang bagong anyo, tinignan nito si Jun Wu Xie, naghihintay para tapusin ang kanyang pagbabagong anyo.
Walang salitang binitawan si Jun Wu Xie at kanyang nilabas ang iilang bote ng medesina mula sa telang supot na nakasabit sa kanyang katawan.
Muntik nang lumuwa ang mata ni Qiao Chu sa susunod na nangyari.
Ang kakaibang timpla ng ibat ibang gamot ay ipinahid sa mukha ni Hua Yao. Sa isang kurap, nagbago ang makinis at maputing balat ni Hua Yao, at ito'y naging kulubot kulubot at maitim at batik-batik. Ang balat sa kanyang magagandang mga mata ay namaga saglit bago bumagsak sa kanyang mukha at naging malaking eye-bags. Patuloy na nilagyan ni Jun Wu Xie ang gamot sa leeg, kamay at lahat pa ng lugar na hindi matatakpan ng damit nito.
Ilang sandali pa'y naging ganap na "Ke Cang Ju" na si Hua Yao.
"Suotin mo ang mga damit niya." Sabi ni Jun Wu Xie nang nakaturo sa bangkay ni Ke Cang Ju sa sahig.
Nagpakita ng pandidiri si Hua Yao kay Qiao Chu, pero sumunod parin siya at kinuha ang damit sa bangkay na nasa sahig.
Nang makapagpalit ng damit si Hua Yao, tila naging si Ke Cang Ju na siya! Ang Tanda ng Hidden Cloud Peak! Mula sa katangkaran, hugis ng katawan at pati na rin sa mukha, naging isa ang itsura ni Hua Yao at Ke Cang Ju. Napatitig ng matagal si Qiao Chu bago siya nakapagsalita.
"Sa pagtingin ko sayo, ang sarap mong talunan at bugbugin."
Mas nagmukhang miserable si Ke Cang Ju nang maiwan siya sa kanyang damit pangloob na nakahiga sa sahig at nagyelong mukha'y nagpapakita ng pagsisisi at desperasyon.
Kinuha ni Jun Wu Xie ang bote ng pampatunaw ng katawan na kemikal sa gilid at binuhos ito sa katawan ni Ke Cang Ju.
Mabilis na nabulok at natunaw ang katawan nito at naiwan ang madugong sanaw sa sahig.
"Panahon na para tignan ang iyong Hidden Cloud Peak, Tanda Ke." Sinilip ni Jun Wu Xie si Hua Yao, ang kanyang nagliliwanag na ngiti ay napalitan na ng malamig at walang kaekspresyon na mukha muli.
Ang kanyang Hidden Cloud Peak? Napangiti si Hua Yao na napahanga sa pagkamalikhain ni Jun Xie. Nabago niya ang pamumuno ng Hidden Cloud Peak ng walang nakakaalam sa angkan ng Qing Yun. Sa kanyang kaalaman at kagalingan, maaari niya talaga itong mapagtagumpayan.
Dalawang Hidden Cloud Peak ang nakatayo sa labas ng gusali at tamad na nakasandal sa dingding nang biglang bumukas ang pinto at dali dali silang tumayo ng maayos.
"Ke Cang Ju" Lumabas mula sa pintuan ang katakot-takot na mukha at ang dalawang guwardiya at dali-daling bumati sa kanya nang nakayuko. Nagulat sila nang makita nila ang dalawang katawang nakasunod sa Tanda.
Hindi ba't yung dalawang yun ang tupa ng sakripisyo na pinadala ilang oras lamang ang nakakalipas? Bakit sila naglalakad palabas ng gusali ng walang kasugat sugat?
Ang alam ng lahat na bawat tupang ipinapapasok ay hindi nakakalabas ng buhay at inilalabas lamang pag natapos na ang kanilang buhay at ililibing sa ilalim ng mga gamutan?
Ibang iba ngayon!
Ang pagdududa sa mukha ng dalawang disipulo ay hindi kinatuwa ni "Ke Cang Ju". Nanlisik ang kanyang mga mata sa dalawang nagkasalang disipulo at nagbabantang sinabi "Tumitiga pa kayo at ipapadukot ko ang mga mata ninyo."
Kinilabutan ang dalawang disipulo at madaliang ibinaling ang pagtingin sa dalawang katawang sumunod sa matanda, at nanahimik na lang sa kanilang mga naiisip.
Ang lagay ng loob ni Ke Cang Ju ay hindi mahulaan at madaling masira. Kapag may nanggalit sakanya, kahit ang mga disipulo mula sa Inner House ng Hidden Cloud Peak, hindi sila naliligtas sa kanyang galit.
Nang maintindihan ng dalawang disipulo ang kanilang lugar, Tumuloy na sa paglalakad si "Ke Cang Ju" at pinasunod si Qiao Chu at Jun Wu Xie. Bago siya umalis, nagiwan siya ng utos sa dalawang disipulo na nagbabantay sa gusali.
"Kayo na ang bahala sa fertilizer sa ibaba."