Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 290 - Beauty’s Facade (2)

Chapter 290 - Beauty’s Facade (2)

Yumuko si Jun Wu Xie para tignan ang anyo sa kanyang paanan, ang kanyang mga mata'y puno ng lamig. Walang awa niyang sinagot:

"Kailanman hindi naging iyo ang mukhang iyon."

"HINDI! Akin iyon! Akin! Ibalik mo na sa akin! Ano man ang hingiin mo, ibibigay ko! Makikinig ako sa anumang sasabihin mo! Maawa ka!" Nagmakaawa si Ke Cang Ju, ang kanyang mga luha'y naghalo sa dugo, habang nabibiyak pa ang kanyang mukha, at may mga lamang naiiwan pa.

Tumalikod si Jun Wu Xie bago lang mahawakan ni Ke Cang Jun ang laylayan ng kanyang suot at naglakad palayo, patungo sa nanghihinang Qiao Chu.

"Inumin mo 'to." Inabot niya ang isang elixir sa kanyang palad.

Sinubo ito ni Qiao Chu ng walang pagaatubili at linunok agad. Sa mga susunod na sandali, ang mga mainit na sugat gawa ng Lone Smoke ay naglaho, at maliban sa kanyang mukha na namumutla parin, wala na siyang naramdamang sakit.

"Natutuwa kang nakasabit lang, no?" Tinaas niya ang isa niyang kilay at sinulyapan ang matangkad na Hua Yao na nakasabit parin sa pader.

Pumikit siyang panandalian, at huminga ng malalim, at tumakas mula sa kanyang pagkakagapos.

Sa kanyang pagtayo sa sahig, inabutan siya ng Jun Wu Xie ng elixir.

Linunok agad ito ni Hua Yao, at agad na naramdaman ang pagkawala ng sakit sa buo niyang katawan. Hinila na rin niya ang mga nakasaksak na bakal sa kanyang katawan at sinabi kay Jun Wu Xie: "Salamat!"

Matapos maalis ang mga epekto ng lason, tinignan ng dalawang binata si Ke Cang Ju.

Nakahiga siya sa sahig, nangingisay ang katawan sa sakit. Ang mga mata niya ay mapula, at mukhang nalulungkot. Nang makita niya si Hua Yao at Qiao Chu na magaling na mula sa lason matapos inumin ang elixir nu Jun Wu Xie, nanlaki ang kanyang mga mata sa pagkagulat at binuksan ang kanyang bibig para magsalita, ngunit may sakit na kumalat sa kanyang katawan, na sanhi ng biglaan niyang pagsara ng kanyangbibig at pagkagat sa kanyang dila!

Umagos ang dugo mula sa kanyang bibig at napahinga siya ng malalim gawa ng gulat, na nagdala sa dugo sa kanyang mga baga!

Kinalmot niya ang kanyang lalamunan at dibdib, naghihirap para huminga at lumala ang kanyang pangingisay.

Pinanood lang siya ng tatlong binata, tahimik na pinagmamasdan ang dahan-dahang kamatayan ng mapanirang Ke Cang Ju.

Hanggang sa huling mga sandali, may pagsisisi at paghihirap sa mga mata ni Ke Cang Ju…..

Kung hindi hinayaan ni Jun Wu Xie na makita niya ang kanyang magandang mukha bago siya mamatay, na binigay sa kanya ang kanyang pinakaninanais sa kanyang buhay, hindi niya maiintindihan ang pakiramdam ng mawalan at hindi siya magsisisi. Nakamit na niya ang kanyang ninanasang itsura matapos ang ilang mahirap na taon, para lang kunin mula sa kanya at dahan-dahang sirain, sa kanyang harapan…..

Kung hindi niya naranasan ang langit, hindi niya mararanasan ang paghihirap sa impyerno.

Tahimik na nanood ang itim na halimaw, at dinilaan ang mga paa nito.

[Hindi pa nagbabago ang masamang kasiyahan ng aking panginoon…..]

[Ang pinaka nais ng kanyang kaaway, ang pinakainiingatan, ang dudurugin niya, dahan-dahan, sa harapan niya.]

[Napakasama talaga!]

Namatay si Ke Cang Ju, at namatay siyang may pagsisisi at pananakit. Namatay siyang, kasama ang pinakamamahal niyang mukha na ngayo'y madugong kalat nalang, na hindi mailalarawan sa simpleng pangit.

Tinitigan ni Qiao Chu ang sira-sirang katawan ni Ke Cang Ju, at napalunok sa takot habang nakatingin kay Jun Wu Xie.

"Little Xie, itong tinatawag mong Beauty;s Facade….. Ikaw ang gumawa?" Nakakatakot talaga ito!!

Ang pagtulak sa mga tao sa dulo ng walang hanggan at ang kawalan ng kanilang mga pwedeng gawin maliban sa tumalon ay tiyak na mas malupit na pagpatay kaysa sa paggilit ng leeg!

"Mayroon pa ako dito kung gusto mong subukan." Gulat na inalok ni Jun Wu Xie, ngunit handang mamigay, sa kanyang pag-alok kay Qiao Chu.

Agad na namutla si Qiao Chu na tila papel at inalog ang kanyang ulo sa pagtanggi hanggang sa muntikan na itong matanggal!

Related Books

Popular novel hashtag