Ilang sandali lang ang nakaraan, ang mga karayom na linabas ng bata mula sa kanyang mga kamay ay pangkaraniwang pilak lamang, at walang bakas ng lason. Walang kwentang mga karayom na ganito, basta't hindi tamaan ang importantang parte, ay walang magagawa sa kaniya.
Hindi man siya panatag na maiiwasan niya lahat ng karayom ni Jun Wu Xie, sinigurado niyang iwasan na matamaan nito ang anumang importanteng mga parte ng kanyang katawan.
Ang batang iyon ay hindi tinatablan ng lason. ngunit hindi ligtas ang mga kasama niya!
Pinagtuunan niya ng pansin ang nanghihinang Qiao Chu sa likod ni Jun Wu Xie.
Linabas niya ang kanyang spirit powers para proteksyunan ang kanyang katawan, ngunit mahina pa ito para pigilan ang Lone Smoke ng tuluyan, at nanghihina na siya sa kanyang kinatatayuan, ang kanyang mga balat ay may matingkad na pulang kulay, na parehas sa mga sintomas ng panlalason ng Lone Smoke.
Malapit nang umabot si Qiao Chu sa kanyang mga huling hininga.
Maliban sa nakakatakot na mga lasong ito, wala nang ibang kakayanan si Ke Cang Ju sa pakikipaglaban. Kung lalaban siya ng harap-harapan sa isang malakas na spirit user, hindi siya tatagal.
Ngunit nakatayo sa kanyang harapan, ang bata ay walang malakas na ring spirit, at mukhang walang mataas na level ng spiritual powers sa sarili niya. Sa edad niyang ito, kahit na nagising na ang kanyang ring spirit, ang spiritual powers niya ay hindi pa sapat at nasa red level parin. Isang maliit na red leveled na spirit user ay hindi problema para sa kanya.
Pinangatwiran nito at nawala ang kanyang mga takot at pagaatubili, at bumalik ang ngiti sa kanyang mukha.
Napansin ni Jun Wu Xie ang ngiti niya kaya't tinignan ang lason sa kanyang kamay: Bale ang tawag mo dito ay Bone Rotting Pill?"
Pinatibay lang ng tanong niya ang paghihinala ni Ke Cang Ju na ang bata ay walang nakakatakot na lason. Kung ganoon siya kagaling sa lason, hindi ba't nakilala na niya ang Bone Rotting Pill? ang ignoranteng bata na hindi alam kung ano ang Bone Rotting Pill ay walang dala na magiging problema para sa kanya, at nakalaban lang dahil hindi siya tinatablan ng lason!
Sa paniniwalang iyon, bumalik ang yabang ni Ke Cang Ju.
"Bata, may lakas ka ng loob para gamitin ang sarili kong lason para takutin ako? Ignorante."
"Sarili mong lason?" Nagtaas ng isang kilay si Jun Wu Xie. Biglaan niyang kinaway ang kanyang kamay at tinawag: "Little Black!"
May isang malaking aninong lumabas mula sa likod ni Qiao Chu, at dinaganan si Ke Cang Ju na kababalik lang ng lakas ng loob.
Hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon si Ke Cang Ju para umiwas at nakita nalang ang kanyang sarili na nakahiga na sa sahig. Nang bumalik na ang kanyang malay, nakita niyang nakadagan na sa kaniya ang malaking mga paa ng itim na halimaw, at hindi siya makakilos. Sa harapan niya, ay ang bibig ng malaking itim na halimaw, na may matatalas na ngiping kumikislap sa makulimlim na ilaw
Nawala ulit ang kanyang yabang, dinurog ng itim na halimaw na nasa ibabaw niya, napalitan ang kanyang ekspresyon ng purong takot.
"Sinabi mo na gawa mo ito, bakit hindi mo subukan sa sarili mo?" Dahan-dahang lumapit si Jun Wu Xie sa tabi. Masyadong madumi ang lalaking iyon para hawakan niya sa sarili niya kaya't pinagawa niya ito sa maliit na itim na pusa.
Sinenyasan niya ang itim na halimaw at umungal ito at sinipa ang tiyan ni Ke Cang Ju!
Sumigaw siya sa sakit at nang nakabukas na ang kanyang bibig, pinitik ni Jun Wu Xie ang maliit na Bone Rotting Pill sa loob ng bibig niya. Agad na pinisil ng maliit na itim na pusa ang dibdib niya, na pumilit sa kanyang lumunok at huminga.
Nang malunok niya ang tableta, umalis ang itim na halimaw na may pandidiri.
Umupo si Ke Cang Ju na hindi makahinga ng maayos, hawak ang kanyang dibdib, at may masamang tingin kay Jun Wu Xie.