Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 276 - Pagpapanggap (2)

Chapter 276 - Pagpapanggap (2)

"Patayin mo si Ke Cang Ju at ikaw ang papalit sakanya." Nanliit ang kanyang mga mata ng sabihin ni Jun Wu Xie ang kanyang plano.

Naramdaman ni Hua Yao at Qiao Chu ang pagkabigla sa kanilang buong pagkatao.

Hindi nila inakalang maiiisip ni Jun Wu Xie na patayin si Ke Cang Ju sa unang gabi ng kanyang pagpasok sa Hidden Cloud Peak!

Maaring nasabi ni Jun Wu Xie ang kanyang layunin para sa sa pagpunta nito sa angkan ng Qing Yun upang ito'y durugin, ngunit hindi ba't sobrang bilis ng kanyang mga plano?!

"Kaya ba?" Napatitig lamang si Qiao Chu kay Jun Wu Xie, hindi matanggap ang kasindak sindak na ideya mula sa maliit na binatang nasa harapan niya.

Napasimangot si Jun Wu Xie.

Si Hua Yao ang sumagot: "Paano mo balak na gawin ito? Maaari akong magbago ng anyo, ngunit hindi ko kayang ibahin ang aking balat. Kahit ibahin ko ang anyo ng aking mukha katulad ng kay Ke Cang Ju, hindi ko magagaya ng mismo ang mukha niya."

"May paraan ako." Sagot ni Jun Wu Xie. "Wala kang ibang kailangan gawin kundi maghintay dito."

Napatitig lang si Hua Yao kay Jun Wu Xie na tila hinuhulaan ang kanyang intensyon. Nagdesisyon siyang manahimik na lamang at magbigay ng tahimik na pahintulot.

Ang tatlong kabataan ay nakagawa ng una nilang kasunduan sa madilim at basa-basang silid sa ilalim ng lupa. Ang kanilang pagtutulungan ay simula ng buhol na magtatagpi sa kanilang mga buhuay.

Madaling araw umalis si Jun Wu Xie at Qiao Chu sa silid sa ilalim ng lupa. Bago sila umalis, nakita ni Jun Wu Xie si Hua Yao na sinaksak ang kanyang sari at isinabit ang kanyang sarili dun sa kawit at itinali ang sarili niya sa mga kadena.

Iniwan nila si Hua Yao sa iturang kanilang dinatnan.

Matapos ang isang gabi ng pagdurusa, ang bagong kalap na mga kabataan ay pagod na pagod. Bago pa makarating si Jun Wu Xie at Qiao Chu sa kanilang mga kwarto, nakita nila ang mahigit dalawampu na bugbog at pagod na kabataang nakasandal sa mga initan ng tubig. Sa panahong iyon, tila parang nawala ang kanilang spirit at energy, nakahiga lamang na parang manika, hindi makalagaw. Marami sakanila ang basang basa, at ang timbang ginamit para magdala ng tubig ay nasa tabi nila. Wala na silang lakas para magpatuloy pa. Sa buong araw at gabi na hindi sila nakakain, ang kanilang mga tiyan ay nagiingay na sa gutom, at ang mahirap na trabaho sa gabi at kanilang kapaguran ay umubos sa anumang lakas na naiwan sa kanila. Marami na ang nakatulog sa kung saan sila nakaupo.

Walang nakakita sa pagdating nila Jun Wu Xie at Qiao Chu, kung kaya't nakahanap sila ng lugar para umupo. Nang walang nakakakita, nagbigayan ni Jun Wu Xie si Qiao Chu ng isang salamankang gamot.

"Ano 'to?" Tanong nin Qiao Chu na nakatitig sa kulay abong gamot sa kanyang palad.

Tinignan lang ni Jun Wu Xie si Qiao Chu nang walang balak magpaliwanag. Kinuha niya ang gamot at isinalpak sa kanyang bibig para ito'y kanyang malunok ng walang tanong.

"...." Ang napakapait na gamot ay dumaloy sa kanyang lalamunan at napaluha si Qiao Chu dito. Napangiwi siya habang nakatingin kay Jun Wu Xie, nakapisil sa kanyang mga ilong.

Napakalupit ng batang ito!

Nang lumiwanag na, ang mga pagod na kabataan at unti unting nagising sa nakakasilaw na liwanag. Tumayo na ang mga katawang nakalatag sa sahig at maugang bumalik sa kanilang mga kwarto.

Wala na silang ibang ginusto pa kundi ang humiga sa kanilang mga kama at uminom ng tubig para mapalipas ang kanilang gutom.

Walang ni isa ang nakakumpleto sa gawaing ibinigay sakanila at ayon sa kung anong sinabi ng disipulo ng Hidden Cloud Peak, hindi sila magkakakain ng almusal.

Nakakaawa, ngunit hindi natapos dun ang pagdurusa. Nang hatakin ng kabataan ang kanilang sarili pabalik sa living quarters, hinarang sila ng mga senior na disipulo ng Hidden Cloud Peak na kakagising lang.

Related Books

Popular novel hashtag