"Natapos niyo na ba?" Tanong ng isang disipulong nakapagpahinga na nakatingin sa mga pagod na kabataan na may masamang ngiti sa kanyang labi.
Napayuko ang mga kabataan, at wala silang naisagot.
"Mga walang kwenta! Dahil hindi niyo nagawa ang napakasimpleng gawain, pwede niyo nang kalimutan ang almusal! Ngayon, kumuha kayo ng tubig at magdilig kayo sa taniman!" Hindi nila hinayaang makapagpahinga ang mga kabataan at patuloy nila itong pinahirapan.
Mga palahaw ng protesta ang maririnig sa mga kabataan.
"Senior, mamamatay na kami sa pagod, at hindi kami nakatulog ng kahit isang saglit kagabi. Maari ba kaming umidlip ng kaunti bago kami umalis?" Tanong ng isang nagmalakas ng loob at nagmakaawa para sa grupo.
Sa panahong natapos siyang magsalita, sinipa siya sa tiyan ng nakatataas at ito'y natumba sa sahig, napasigaw sa sakit.
"Napakatamad ninyo! Ang mga panuntunan dito sa Hidden Cloud Peak ay dapat sundin pag ika'y nakapasok! Sino man ang gustong sumuway ay pwede nang umalis!" Sagot ng disipulo. Ang malupit na pagtingin sa bawat isang kabataan na para bang hindi na sila tinuring na tao ay makikita sa mga mata nito.
Sa ilalim ng pananakot… napilitang kumilos ang mga kabataan at hindi na nakipaglaban pa.
Hindi hinayaan ng Hidden Cloud Peak na may makapasok mula sa labas, at dahil dun, walang nakakaalam sa kung anong nagyayari sa loob nito.
Walang makakaligtas sa mga tupang isasakripisyo na ipapadala malupit na pagpatay.
"Kung alam lang ba ng mga batang to na pahihirapan sila hanggang kamatayan ng Hidden Cloud Peak, sa tingin mo pag pipilitan parin nilang makapasok dito?" Tanong ni Qiao Chu habang naglalakad ng dahan-dahan palabas sa tirahan nila habang nakatingin sa mga katawang nasa harapan niya.
Masamang tao si Ke Cang Ju, pero hindi anghel ang mga sira ulong ito. Nang dumating sila sa Hidden Cloud Peak, walang ibang ginawa ito kungdi tuyain sila ni Jun Wu Xie. Nagduda na ito kung may lakas pa ba silang gawin iyon sa kondisyon nila ngayon.
Walang ibang sinabi si Jun Wu XIe. Nakayuko lang siya habang nakatitig sa kanyang mga paa.
Pinandirihan nya ang lugar na ito at ang bawat panahong nasa loob siya nito.
At dahil sa kanyang pandidiri, desidido siyang wasakin ang lugar na ito!
Hinintay ni Qiao Chu ang sagot ni Jun Wu Xie, pero hindi ito nagsalita. Nang silipin niya si Jun Wu Xie, nawala ang pagkapula ng kanyang pisngi at naging kasing puti ito ng papel.
"Jun Xie! Ikaw…" napanganga siya para magsalita nang bigla niyang maramdamang umikot ang buong mundo sa paligid niya. Bago pa siya makakilos, napahandusay siya sa sahig, ang mukha'y nakaharap sa lupa.
Dalawang malakas na ingay ang nagpatigil sa mga naunang naglalakad na kabataan. Lumingon sila at nakita nila ang dalawang katawang nakahandusay sa sahig. Wala naman silang palatandaan ng pagod sa kanilang mga katawan pero ngayo'y putlang putla ang kanilang mga katawan!
"T..tulong! May mga nahimatay!" Maraming sigaw ang narinig mula sa grupo ng kabataan.
Ang mga disipulo ng Hidden Cloud Peak ay nagtipon sa ingay, at nang makita nila ang dalawang katawang nakahandusay sa sahig, itinago nila ang kanilang saya.
Nagpakita sila ng gulat na mukha at tila pinagalitan pa ang mga kabataan: "Napakawalang kwenta niyo naman! Nasira na kayo sa isang gabi pa lamang sa loob ng Hidden Cloud Peak! Kumuha kayo ng tao rito para dalhin ang walang kwentang dalawang ito kay Tandang Ke! Hindi ako makapaniwala! Wala na silang pag-asa. Mas problema sila kaysa tulong at magiging sagabal lang kay Tandang Ke!"
Hindi mapalagay ang mga kabataan sa mga nangyayari. Ayon sa sinabi ng nakatataas na disipulo, daldalhin ang dalawang ito kay Tandang Ke para mapagamot ito, at sila'y natuwa sa ideya na may pakielam ang Tandang Ke sa kapakanan ng kanilang mga disipulo.