Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 273 - Brother Hua (2)

Chapter 273 - Brother Hua (2)

"Brother Hua, kailangan mong magtiwala pa sa akin. Nagkataon lang na nakta ko si Jun Xie dito sa Cloudy Peaks ng angkan ng Qing Yun. Parehas kaming kandidato na tinanggap bilang mga disipulo. Alam mo kung gaano kadelikado ang gabi sa Hidden Cloud Peak, kung iniwan ko siya ng mag-isa doon sa labas, nasa peligro ang kanyang buhay."

Naibsan ang simangot ng magandang binata at humarap kay Jun Wu Xie: "Ako si Hua Yao, nakwento ka na ng mabagal naming kaibigan dati at hindi namin aakalaing makakasalubong ka dito. Maling lugar at oras ito para sa unang pagkikita, dahil marami pa akong nais sabihin sa'yo."

Maayang ang boses ni Hua Yao, at ang tono ay hindi nagmamadali o mabagal, ngunit ang maganda niyang mukha ay nakakapangilabot ang lamig.

"Kung ikaw nga ang nasa mga kwento no Qiao Chu, naniniwala akong may iba kang layunin sa 'yong pagpunta sa angkan ng Qing Yun at hindi lang para maging disipulo nila. Ang Hidden Cloud Peak ay hindi payapang lugar, at anuman ang balak mo, alalahanin mo ito. Lumayo ka kay Ke Cang Ju. Wag mong pansinin ang mga mungkahi ng mga senior na makipagkita ng mag-isa, at wag kang tatanggap ng gamot o elixir na hindi mo alam ang pinanggalingan….. Kung magagawa mo, wag ka ring kakain o iinom ng anumang galin sa kanila." Ang kilay na kanina'y nakababa ay naging simangot.

Nang unang ikwento ni Qiao Chu ang pagsalubong sa batang ito sa Bayang Naulot, umasa silang makikita siyang mulo, para makita kung tutulong siya sa pamamagitan ng paggawa ng mga elixir na kailangan nila.

Nahanap nila ang tao, ngunit hindi tama ang lugar at oras para pag-usapan ang kanilang mga balak.

May iba pa silang kailangang tapusin at hindi nila kinayang isama si Jun Wu Xie sa kanila, at ang magagawa nalang nila ay hindi ilagay sa panganib ang buhay ni Jun Wu Xie hanggang matapos ang kanilang misyon.

"Ang mga tao sa doon sa labas, ang mga disipulo na katatanggap lang ng Hidden Cloud Peak, ay hindi nakalista ang mga pangalan sa listahan nila ng kanilang mga disipulo. Kahit na mamatay sila, walang makakaalam na kasapi sila ng Hidden Cloud Peak. Ang lahat ng disipulong palihim na pinapasok ni Ke Cang Ju, ay mamamatay dito sa silid na ito, bilang mga gamit niya sa kaniyang pagsasaliksik sa mga lason. Kung tama ang pagkakaalala ko, pinahihirapan niya ang grupo ng mga bagong sapi sa unang gabi nila sa Hidden Cloud Peak." Tinuloy ni Hua Yao.

"Nakita mo sana sila, Brother Hua! Ginutom ng pangit na halimaw na 'yon ang lahat at inutusang kumuha ng tubig." Tumango si Qiao Chu sa mga sinabi niya, ipinahiwatig na ang kanyang sarili ay dumaan sa mga sinabi ni Hua Yao.

Namaluktot ang mga labi ni Hua Yao, naging isang malamig na ngiti.

"Nakakapagod na gawain habang gutom ang sisira sa katawan nila, at hindi nakakagulat kung makikitang ilan sa kanila ay magkakasakit. Kung nais talaga ni Ke Cang Ju na patayin ang lahat ng bagong-sapi, hindi niya sila papatayin sa isang sandali, ngunit magsisimula siya sa mga hindi paghihinalaang pamamaraan para bawasan sila ng paunti-unti para magamit silang lahat ng maayos. Kulungan lang talaga ang Hidden Cloud Peak na nagbabantay sa mga tupang isasakripisyo, at kailangan lang ni Ke Cang Ju ng isa o dalawang palusot pag kailangan niya, at para mapanatili sa dilim ang mga ginagawa niya, hinahayag niyang gagamutin niya ang mga nagkasakit, diba?" Tinanong ni Jun Wu Xie, at nanliit ang kanyang mga mata sa kanyang pagsusuri.

Para hindi ma-alerto ang ibang mga tupa, pinagod muna niya ang mga ito, at ang mga nasaktan at may pangangailangan ng iba pang paggamot ay dadalhin sa Tanda, at walang mukhang mali.

At para sa mga kinukuha, masyadong pagod ang mga naiiwan para isipin pa kung buhay pa ba sila o patay.

Isang bagong grupo ng walang kamuwang-muwang na kasapi na dinala dito sa Hidden Cloud Peak, ay mamamatay lamang ng isa-isa. At sa oras na mapansin ng ilan na may mga nawawala, huli na ang lahat

Related Books

Popular novel hashtag