Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 271 - Panaginip na naging Bangungot (3)

Chapter 271 - Panaginip na naging Bangungot (3)

Si Jun Wu Xie na napagkamalang tila walang magawang kuneho, ay dinala ni Qiao Chu sa looban ng Hidden Cloud Peak.

Nagpatuloy si Qiao Chu at dumikit sa madidilim na daan, para maiwasan ang mga nakabantay na disipulo.

Nang makitang pamilyar si Qiao Chu sa daan, mas naniwala si Jun Wu Xie sa hula niya kanina.

Ang kaalaman ni Qiao Chu sa Hidden Cloud Peak, ay posibleng hindi bababa sa kaalaman ni Bai Yun Xian!

Sinundan niya si Qiao Chu sa loob ng gawa ng Hidden Cloud Peak. Ang matalas na pang-amoy ni Jun Wu Xie ang nagsabi sa kanya, na sa kanilang pagpasok sa Hidden Cloud Peak, mas lumalakas ang amoy ng damong-gamot na nakakalat sa hangin. Hindi ang totoong amoy ng damong-gamot ang nakakalat sa hangin ngunit amoy ng maraming pinag-halong mga damong-gamot. Ang amoy ay matapang, at hindi amoy nakakatulong sa kalusugan o panggamot.

Sa wakas, tumigil si Qiao Chu sa harap ng isang kakaibang gusali. Sa labas nito, dalawang disipulo ang nakabantay. Gabi na at mukhang pagod na ang mga bantay, nakasandal sa mga pinto, at malapit nang makatulog.

Sa susunod na sandali, mabilis na tumawid si Qiao Chu at linampasan ang dalawang inaantok na gwardiya at pinatulog ang dalawang ito.

Ngayong wala na ang mga gwardya, kumaway siya kay Jun Wu Xie na nanatiling nakatago sa dilim, at binuksan ang mga pinto.

Nakabuntot si Jun Wu Xie sa kanya. Pagpasok sa gusali, may malakas na amoy ng dugo na pumalibot sa kanila, na muntik magpa-duwal kay Jun Wu Xie.

Makulimlim sa loob, at mahirap makita ang mga gamit sa loob. Ang mga dingding ay may mga aparador ng damong-gamot at hindi kahina-hinala. Ngunit ang malakas na amoy ng dugo na pumasok sa kanilang mga baga ang nagpatanto kay Jun Wu Xie na ang lahat ng nakikita nila, ay harapan lamang, para lokohin ang mga hindi naghihinala.

Lumiko si Qiao Chu at bumaluktot para abutin ang isang parte ng sahig. Isang madilim na lagusan ang lumitaw, hindi makikita ang dulo nito. Ang malakas na amoy ng dugo na lumabas mula sa lagusan ay patuloy na sumingaw, na tila buhay ang amoy na ito.

"Sundan mo ako." Tahimik na sinabi ni Qiao Chu kay Jun Wu Xie at naglabas ng isang maliit na ilaw, at bumaba sa lagusan.

Nakabuntot si Jun Wu Xie kay Qiao Chu sa napakatahimik na lagusan, at di nagtagal, ay dumating sila sa isang eksenang aakalain ay galing sa impyerno.

Ang silid sa ilalim ng lupa ay puno ng mga sisidlang nakakalat, at may mga bumubulang likido sa loob nila na may kulay berdeng usok. Mas nakakagulat pa, ang isang sisidlan na may buhay na taong nakababad sa likido!

Sa halip, mas mukha silang patay kaysa buhay…..

Ang mga taong nakababad sa mga sisidlan ay nakahubad at ang kanilang mga balat ay nababalutan ng mga galis gawa ng pagbabad sa lason. Tinanggalan sila ng mga mata, at tinakpan ang kanilang mga bibig. Tuyong dugo ang makikita sa paligid ng kanilang mga bibig habang sila'y hindi gumagalaw sa loob ng mga sisidlan. Ang kanilang mga nakalutang na ulo ay hindi nagpapakita ng paggalaw, ngunit ang dahan-dahang pag-angat at bagsak ng kanilang mga dibdib ay nagpakita kay Jun Wu Xie.

Buhay pa sila!

Sampu-sampong mga sisidlan ang nandoon na may lamang mga tao. Sa taas ng mga sisidlan, may mga kahoy na sabitan. Maramo pang mga binata ang nakakadena sa mga sabitang ito at nakahubad. Nababalot sila ng sugat na nagnanana at mabahong amoy. May isang binatang nakasabit sa sabitan, na binalatan ng buhay…..