Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 269 - Panaginip na naging Bangungot (1)

Chapter 269 - Panaginip na naging Bangungot (1)

[Panginoon, mukhang mapanganib dito.]

May itim na usok na lumabas mula sa katawan ni Jun Wu Xie na naging bola at naging ang maliit na itim na pusa. Umakyat ito sa malambot na kama at winagayway ang malambot nitong buntot, na parang pinapaypay ang mabahong amoy sa hangin.

"Mabigat ang hangin gawa ng amoy ng kamatayan." Sinabi ni Jun Wu Xie, isang amoy na kilala niya. Ang mga amoy ng nabubulok na katawan sa ilalim, ay namulaklak dito. Ang Hidden Cloud Peak ay pinagmukhang maayos na lugar na dapat igalang, ngunit nakatago sa ilalim, ay mga kamatayang walang paliwanag.

[May ginagawa sigurong hindi maganda ang pangit na halimaw na 'yon.]

Nakita ng maliit na itim na pusa si Ke Cang Ju nang nakatago ito sa katawan ni Jun Wu Xie, at nakakadiri ang itsura niya.

Tahimik lang na umupo si Jun Wu Xie sa upuan.

Kaaakyat lang nila sa Hidden Cloud Peak at dinala agad sila sa mga kwarto ng disipulo. Walang pumansin sa kanila at ang mga sabik na kabataan sa grupo ay nagtipon sa patyo buong maghapon. Hindi sila naglakas ng loob na gumala ng walang utos dahil pinahalagahan nila ang pagkakataong ito na ibinigay sa kanila.

Nang sumapit ang gabi, may maraming disipulo ng Hidden Cloud Peak na pabalik sa mga kwarto. Ang mga baguhan ay nagutom at pinanood lang ang pagdaan sa kanila ng mga senior nila. Isa sa kanila ay naglakas ng loob na lapitan ang isa sa kanila ngunit pinabalik lang ng malalamig na tingin.

Nang dumating lang ang gabi, at gutom ang mga kabataan, dumating ang disipulong sumama sa kanila nung umaga at pinagtipon sila.

Lumabas si Jun Wu Xie at Qiao Chu sa kanulang mga kwarto at nagsulyapan, at hindi nila nakita ang gutom sa isa't isa.

"Senior, gabing…. gabi na….., kailan ba kami… makakakain?" Hinawakan ng mga gutom na gutom na kabataan ang kanilang mga tiyan habang nakatingin sa disipulo.

Sinulyapan sila ng disipulo at sinabi ng masama: "Gusto niyong kumain?"

Tumango ang mga kabataan.

Tinaas ng disipulo ang kanyang kamay at nagturo sa labas: "Tignan niyo, may isang-daang malalaking sisidlan sa labas. Mayroong batis, limang milya ang layo sa silangan. Lahay kayo ay kailangang magpuno ng tatlong sisidlan ng tubig. Kapag hindi niyo ito nagawa, wag niyo nang isiping makakakain kayo ngayong gabi, o bukas ng umaga.

"Ha?!" Nagulat ang mga kabataan. Nakita nila ang malalaking sisidlan pagdating nila. Mas malapad pa sa kanila ang mga sisidlan at kasing-tangkad nila ang mga ito. Ang layo ng limang milya ay hindi naman masyadong malayo, ngunit magiging sampung milya ito pag balikan. Buong araw silang walang nakain at wala pang naiinom na kahit isang patak ng tubig at gabing gabi na, wala na silang lakas para magbuhat ng tubig habang naglalakbay sa kabundukan. Ang lalaki ng sisidlan, at para punuin ang tatlo, ay nangangailangan ng ilang sampung biyahe para sa kanila.

Nagpahirap pa dito ang hindi pantay na daan sa bundok, ngunit kahit patag ang daanan, wala sa kanila ang makakatapos nito.

"Ano 'to? Nagrereklamo kayo? Sasabihan ko na kayo, ang mga tubig na iipunin niyo ay gagamitin para magdilig ng mga damong-gamot bukas. Kung hindi niyo kaya, umalis na kayo dito. Walang gamit ang Hidden Cloud Peak sa mga walang kwenta!" Sinigawan at tinawanan sila ng disipulo.

Buong araw nagbulakbol ang mga kabataan habang iniisip na natupad na ang kanilang mga pangarap, ngunit nagkumpol sila sa takot ngayon, nang malaman nilang nagsisimula palang ang kanilang bangungot.

Isang panaginip na biglaang nahulog sa kanilang mga kamay, ay bangungot pala na pwedeng bumawi sa kanilang mga buhay!

Hindi nila sinuko ang pagkakataong ito na natanggap sila sa Hidden Cloud Peak, at tinulak ang mga sarili na kumapit. Kahit na imposible ang utos sa kanila, pinilit nila ang kanilang mga sarili para matapos ito.