Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 267 - Hidden Cloud Peak (3)

Chapter 267 - Hidden Cloud Peak (3)

Ang mga binatang iyon ay napangunahan ng pagseselos nang pagtalunan ng dalawang Tanda si Jun Wu Xie sa pagsusuri. Nawalan sila ng pag-asa nang hindi sila natanggap at paalis na hanggang as salubungin sila ng disipulo ng Hidden Cloud Peak. Pumili siya ng maraming sampu sa kanila at sinabi sa kanila na pinili sila ni Ke Cang Ju at tinanggap sa Hidden Cloud Peak at magiging disipulo ng Hidden Cloud Peak magmula ngayon.

Hinila sila mula sa kanilang kawalan ng pag-asa at natuwa sa balita. Ngayong nakita ulit nila si Jun Wu Xie, na sanhi ng inggit at selos sa bawat isa sa kanila, hindi nila napigilan ang kanilang galit sa kanya.

Ano naman kung dalawang Tanda ang pumili sa kanya? Tinanggap siya sa Hidden Cloud Peak tulad nila. Nagtaka sila sa kung ano ba ang kaya niyang gawin ngunit ngayo'y nagmukhang parehas lang siya sa ibang nandoon.

Madalas magrebelde ang mga kabataan at ayaw na nila kay Jun Wu Xie at Qiao Chu dahil napili sila noong pagsusri. Ngayong kaharap na nila sila, ang lahat ng mga bagay tungkol sa kanila ay nagpainit sa mas malaking grupo ng kabataan.

Hindi pinansin ni Jun Wu Xie ang nga pangungutya at nagbuntong hininga lang si Rong Heng: "Hanggang dito ko lang kayo masasamahan. Mula dito, ang disipulo na ng Hidden Cloud Peak ang sasama sainyo. Mag-ingat kayo."

Tumango si Jun Wu Xie kay Wong Heng at naglakad kasama si Qiao Chu para sumama sa grupo na masama parin ang tingin sa kanila, ngunit walang ginawa ito kau Jun Wu Xie at kay Qiao Chu na sumama sa kanila.

"Mataas siguro ang tingin mo sa sarili mo! Tingin mo mas magaling ka sa amin?" Nainis ang isang medyo mas matandang kabataan sa malamig na ugali ni Jun Wu Xie at sinugod siya.

Alas, hindi niya nagawang hawakan ang anumang parte ng katawan ni Jun Wu Xie bago pumagitna ni Qiao Chu at hawakan ang kanyang balikat, baligtarin ang kanyang braso, at iangat ang kanyang paa para balibagin ito!

Isang malakas na pitik ang narinig at nabali ang braso ng binata!

At isang matinis na hiyaw ang narinig mula sa binata.

Isang masamang ekspresyon ang lumitaw sa madalas na tamad na itsura ni Qiau Chu, at nanliit ang kanyang mga mata, na tila, sa pagkakataong iyon, ay ibang tao na malayo sa madalas na parang walang pakialam sa anumang bagay.

"Lumayo kayo o mas malala ang gagawin ko."

Patuloy na humiyaw ang binatang nabalian at namutla ang iba at pinawisan sa mabagsik na atake ni Qiao Chu. Ang disipulo ng angkan ng Qing Yun ay sumulyap lang kay Qiao Chu at walang sinabi.

Bumalik ang dating ekspresyon ni Qiao Chu na parang may kabtol, at tumabi ulit kay Jun Wu Xie, ang kanyang masamang ekspresyon ay nawala ng walang bakas. Sinabi niya ng patawa: "Ang mga kamao ko ay malakas at sapat para labanan ang sinumang mang-aapi sa'yo sa Hidden Cloud Peak."

Tinandaan ni Jun Wu Xie ang mabilisang pagpalit ng ugali ni Qiao Chu, ngunit walang nakitang mali dito.

Hindi niya inisip na mali ang pag-atake niya, kung wala sila sa Cloudy Peaks ng angkan ng Qing Yun, sinabi siguro niya kay Qiao Chu na kailangan niyang paslangin ang lahat ng masama at hindi sila hayaang mabuhay para balikan ka. Ngunit dahil ppaunta sila sa Hidden Cloud Peak, hindi rin tatagal ang buhay ng binatang iyon, walang pinagkaiba kung pinatay siya o hindi ni Qiao Chu.

"Kapag tapos na kayong maglaro, sumunod kayo sa akin." Sinabi ng disipulo ng Hidden Cloud Peak ng nagmamadali sa grupo.

Natakot ang ibang kabataang nangutya sa kanila, at wala nang nagbalak magsalita ng kahit ano laban sa kanila habang sila'y naglalakad papasok sa Hidden Cloud Peak.

Ang Hidden Cloud Peak ang pangalawang pinakamalaki sa labing-dalawang mga tuktok, sunod sa Punong Qin Yue. Sa pagpasok dito, may hamog na nakakalat sa hangin, at makakapal na gubat ang nasa dalawang tabi na napapalibutan ng hamog. Pagsilip sa hamog, makikita ang maraming damung-gamot na nakatanim sa gilid ng daanan.

Ang Hidden Cloud Peak ay kilala ng mga tao na nais mag-aral patungkol sa pagtatanim at sa cultivation ng mga damong-gamot. Masasabi rinm na mahahanap ng isa ang lahat ng pinaka-madalang na damong-gamot sa buong mundo sa loob ng Hidden Cloud Peak.

Related Books

Popular novel hashtag