Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 255 - Cloudy Peaks (2)

Chapter 255 - Cloudy Peaks (2)

Sa kalagitnaan ng mga tao, nakasimangot si Jun Wu Xie. sa kanyang pagdadala ng kanyang spiritual powers sa orange level, mas naging matalas ang kanyang mga pandama. Lahat ng pangkukutya ay naririnig niya ngunit hindi niya pinansin ang mga ito.

Ang mga batang ito ay hindi niya pinansin.

Dahil sa dami ng mga nais makapasok, hindi kayang suriin ng angkan ng Qing Yun ang lahat ng mga ito dahil aabutin sila ng mga linggo. Kaya naman, naghanda sila ng simpleng pagsusubok para sa unang iskrining.

Simple lang ang pagsusulit na ito, pagkakakilanlan sa mga damong-gamot.

Sa kalahati ng daan paakyat, may dalawang mahabang hilera na may isang-daang mesa sa gilid ng daan, at nakatambak sa mga ito ay kalat na damo, damong-gamot, at iba't ibang uri ng halaman. Bawat isa sa mga nagha-haing tao ay mayroong limang minuto para piliin ang mga damong-gamot na pinili ng angkan ng Qing Yun para sa tanong sa pagsusuring galing sa kalat.

Hindi mahirap na kilalanin ang piling damong-gamot, ngunit kung sila'y nakahalo sa daan-daang iba't ibang klase ng damong-gamot, ibang hirap na ito.

Ang mga damong-gamot na nakakalat sa mga mesa ay halatang sariwa at mayroon pang putik na nakadikit sa kanilang mga ugat, wala rin sa mga ito ay buo pa, tila biglaan lang hinatak at marami ang pira-piraso na. Ang mga kandidato na noo'y malakas ang loob ay namutla ng makita ang mga mesa matapos matanggap ang kanilang mga tanong.

Para kilalanin ang mga Damong-gamot, kailangan muna nilang makilala ang itsura nito. Ngunit ang mga damong-gamot na nasa mga tambak ay sira-sira na, paano nila makikilala ang mga hinahanap sa kanila?

Ang unang mukhang madaling pagsusulit, ay nag-iwan ng maraming nagha-haing na sumuko at mapanghinaan ng loob.

Para sa isang kabataan, kahit na galing sila sa angkan ng mga manggagamot, at nalantad na sa damong-gamot mula pa nang sila'y bata pa, imposible para sa kanila ang matandaan ang lahat ng iba't ibang klase, hindi lang iyon, kilalanin at piliin ang mga ito sa sira-sira at nakakalat na maliit na piraso ng damong-gamot at iba pang halaman.

Ang mga palalong tingin sa kanilang mukha ay naging pagkadismaya habang sila'y nakatitig sa kalat ng mga halaman sa kanilang harapan at naghahanap ng tamang damong-gamot dahil nauubos ang kanilang oras.

Pansamantala, dahan-dahang naglakad si Jun Wu Xie sa harapan ng isang mesa. Nang siya'y dumating sa gitna ng bundok, binigyan siya ng mga disipulo ng angkan ng Qing Yun ng etiketa na naglalaman ng kung anong damong-gamot ang kailangan niyang hanapin.

Pagkakakilanlan.

Ang paghahanap ang isang madalas na ginagamit na damong-gamot na malapit ang itsura sa damo. Ang ilang kabataan na dumating kasabay ni Jun Wu Xie ay nakatanggap ng kanilang gawain at nang makita nila ang pangalan ng damong-gamot na kailangan nilang hanapin, lumiwanag ang kanilang mga mukha, ngunit agad rin silang nawalan ng pag-asa.

"Paano nila inaasahang may makakahanap?" Hawak ng mahigpit ng isang umiiyak na binata ang etiketa niya at nadurog niya ito sa kanyang kamay.

Sa dami nilang palipat-lipat ng mesa, dinaanan ni Jun Wu Xie ang isang mesa at dumukot ng isang maliit na piraso ng damong-gamot na mas maikli pa sa haba ng kalahati ng daliri at nagpatuloy sa kanyang paglalakad ng walang pag-aatubili.

May ilang kabataang nasa likod niya na nakapansin na napili na niya ang kanyang damong-gamot at paalis na, at nagulat sila nang makita siyang naglalakad papalayo sa kanila.

Ilang hakbang palang ang nagagawa ni Jun Wu Xie at hinarangan siya ng dalawa pang binata. Tinaas niya ang kanyang ulo pra tignan sila at nakilala na sila ang dalawang may maayos na damit na nagkutya sa kanya sa paanan ng bundok.

"Tabi." Malamig na sinabi ni Jun Wu Xie.

Walang balak ang dalawang binata na padaanin si Jun Wu Xie, at nakatitig sila sa damong-gamot na hawak ni Jun Wu Xie. Maliit lang ito, ngunit sapat na ito para matiyak na ang hawak niya ay tama.

Paano nagawa ito nitong bata? Sabay nilang natanggap ang kanilang mga etiketa, at sa isang kisap-mata, bago pa nila maintindihan ang kailangan nilang gawin, nahanap na nito ang kanyang damong-gamot ng hindi nag-iisip?

Related Books

Popular novel hashtag