Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 250 - Ang Pamamaraan ng isang Emperador (1)

Chapter 250 - Ang Pamamaraan ng isang Emperador (1)

"Kung ikaw ay pupunta sa Qing Yun Clan, kailangan mong siguruhing hindi ka mapapadpad sa Hidden Cloud Peak." Paalala ni Bai Yun Xian. Ang mga disipulo ng Hidden Cloud Peak ay misteryosong nawawala o namamatay na walang dahilan. Iyon ay isang katotohanan hindi alam ng mga taga labas. Maraming tinatanggap na hindi naman gaanong kagaling si Ke Cang Ju at dinadala sa Hidden Cloud Peak. Iniisip ng mga taong iyon na ito ay isang magandang oportunidad, ngunit hindi nila alam na inililibing na nila ang isa nilang paa sa hukay.

"Magkwento ka pa tungkol kay Ke Cang Ju." Naisip ni Jun Wu Xie na ang Qing Yun Clan ay sagrado. Kahit sinong makakapagsanay ng isang taong katulad ni Bai Yun Xian at maging ama ni Qin Yu Yan ay walang iba kundi kasing tuso ng Qing Yun Clan Sovereign.

"Hindi talaga taga-Qing Yun Clan si Ke Cang Ju. Siya ay dinala sa Qing Yun Clan nang si Qin Yue ay itanghal na Sovereign at inangat nito ang posisyon nito bilang Elder." Sagot ni Bai Yun Xian na walang halong pagsisinungaling. "Wala akong gaanong alam tungkol sa tunay na pagkatao ni Ke Cang Ju kundi ang madilim nitong personalidad. Hindi ito madalas makita sa Qing Yun Clan. Ang Hidden Cloud Peak ay sarado maging sa mga disipulo nito. Kahit pa si Qing Yue ang paparoon ay kailangan muna nitong ipaalam ang kaniyang intensyon."

Pinakatandaan naman iyon ni Jun Wu Xie. Nagpatuloy siya sa pakikinig kay Bai Yun Xian bago niya ito tuluyang pinaalis. Dumiretso naman siya sa silid ni Mo Qian Yuan pagkatapos ng kanilang pag-uusap.

Nagising na si Mo Qian Yuan pagkatapos ng isang buong gabing wala itong malay. Kahit pa siya ay nagkamalay na, ramdam na ramdam niya pa rin ang pinsalang kaniyang natamo. Siya ay nabalot ng benda simula ulo kang talampakan. Kahit ang pang-upo ay hindi niya magawa.

Naabutan ni Jun Wu Xie ang dalawang guwardiya na nakatayo sa magkabilang gilid ng kama. Ang isa ay may hawak na takure at ang isa naman ay may hawak na tray na naglalaman ng mga bote ng gamot. Bagsak ang mga mukha nito malamang ay dahil sa kakulangan sa tulog.

"Miss Jun." Napaluhod ang dalawang guwardiya ng makita si Jun Wu Xie na dumating.

"Alis." Malamig na utos ni Jun Wu Xie.

Nagmadali naman ang dalawang umalis. Iniwan muna ng mga ito ang mga hawak nila bago tuluyang lumabas.

"Andito ka..." Hindi makagalaw si Mo Qian Yuan, tanging ang mga mata lang nito ang may kakayahag gumalaw.

"Malinaw na ba ang iyong pag-iisip?"Hindi sinipat ni Jun Wu Xie ang mga sugat ni Mo Qian Yuan. Umupo ito sa upuan malapit sa higaan at tinanong ito.

Mapait na humalakhak si Mo Qian Yuan. Dahil dito ay bumuka ang sugat sa kaniyang mukha at ininda niya iyon.

"Wala nang mas lilinaw pa. Naisip mo bang ako mismo ang humiling nito?" Kung sumunod lang sana siya kay Jun Wu Xie, wala sana siya sa sitwasyon niya ngayon. Kung hindi lang sana siya nabulag sa tunay na kulay ng Qing Yun Clan, hindi niya nalaman nung umpisa pa lang na tuso ang mga ito.

Nagpatuloy si Mo Qian Yuan nang wala siyang narinig na sagot kay Jun Wu Xie.

"Kung hindi sana ako naging tanga, wala ako dito ngayon at inabala ka para iligtas ako. Noong bata pa ako, laging sinasabi ka aking ng Ina---ang Empress, na likas sa isang tao ang maging mabait. Kahit gaano pa man kasama ang tao, mayroon pa rin itong kabaitan. Ang maayos na pakikitungo sa mga tao ay may mabuting kapalit. Naniniwala ako doon buong buhay ko. Ngunit sa mga nangyari, naisip niyang marahil mali ang kaniyang ina. Tinrato niya ng mabuti ang lalaking iyon at tinago ang selos sa kaniyang puso. Hindi nito pinansin ang anim na palasyo dahil ang tanging hiling niya lang ay ang kapayapaan sa buong Imperial. Kahit ano pang kasamaan ang ginawa ng lalaking iyon, wala siyang ginawa kundi ang ngumiti. Sinuportahan nito ang lalaki para maging isang magiging na pinuno ng henerasyon. Nilunok niya ang mga pangako at matatamis na salita nito hanggang sa siya ay mismo ng pinatay nito. Ang buong buhay nitong pagtitiyaga at pagtitiwala dito ay nasayang at binawi ng mismong kamay na kaniyang tinulungan." Nautal si Mo Qian Yuan sa huli nitong sinabi. Pinipilit nitong itago ang pait na nabuo sa kaniya.