Chapter 242 - Revival (1)

Sakay ng black beast si Mo Qian Yuan sa kaniyang likod at sumunod kay Jun Wu Xie sa silid ni Mo Qian Yuan sa Imperial Palace. Nakita si Jun Wu Xie ng mga katulong at mga guwardiya kung kaya ang mga ito ay umatras para hayaan siyang makapasok. Tahimik lang nila itong pinanuod nang siya ay dumaan sa harap nila at hanggang sa tuluyang makapasok sa silid.

Malala ang mga pinsalang natamo ni Mo Qian Yuan. Hindi lang sa lason kundi ang mga sugat na natamo nito ang naglagay sa buhay nito sa panganib. Mahirap na sitwasyon ito para sa kaniya kahit na siya ay may talento sa pag-gamot.

Pinalipat ni Jun Wu Xie kay Drunk Lotus si Mo Qian Yuan sa higaan. Agad naman niyang inilabas ang mga bote ng elixir at gamot na kaniyang dala. Sumunod ay inilabas niya ang kaniyang mga karayom at maingat na ginawan ng acupuncture si Mo Qian Yuan sa ilang bahagi ng katawan nito.

Ang dugong malapit nang maging kulay itim ay nagsimulang lumabas sa katawan ni Mo Qian Yuan kung saan nakatusok ang karayom. Walang pag-aalinlangang pinainom ni Jun Wu Xie ang tatlong piraso ng elixir sa bibig ni Mo Qian Yuan bago ginamot ang mga sugat nito.

Nakangiti namang nagmamasid lang si Jun Wu Yao habang ang mga braso nito ay nakakrus sa kaniyang dibdib. Mabilis ang mga kamay ni Jun Wu Xie pursigido itong iligtas ang buhay ni Mo Qian Yuan.

"Meow."

[Mistress, malubhang napinsala ang kawawang Emperor.]

Dinilaan ng black beast ang kaniyang mga paa matapos sabihin iyon. Nararamdaman nitong mahina ang paghinga ni Mo Qian Yuan at mukhang nasa bingit na talaga ito ng kamatayan.

Nabali ang mga buto nito sa iba't ibang parte ng katawan at marami ring ugat nito ang barado. Ang mga lamang-loob nito ay halos hindi na gumagana. Habang ang mga sugat nito sa katawan ay nagsisimula na ring mamaga at maimpeksyon. Dahilan iyon para lagnatin ito at ma-dehydrate. Bukod pa dito ay ang lasong umaatake sa loob ng katawan ni Mo Qian Yuan. Hindi na ito magtatagal kung hindi ito agad magagamot.

"Meowww?"

[Ililigtas mo pa rin siya? Tingin ko ay mangangailan iyon ng iyong matinding pagsusumikap. Bakit hindi na lang tayo humanap ng bagong Emperor na mamumuno at papalit sa trono?]

Sumimangot si Jun Wu Xie at hindi pinansin ang sinabi ni Little Black. Ngunit naging dahilan ang sinabing iyon ni Little Black para tumalim ang mga titig ni Jun Wu Xie.

Kung hindi dahil sa tuso at brutal na pamamaraan ng Qing Yun Clan, wala sana siyang sakit ng ulo ngayon.

Ang dating Emperor ay may masamang binalak laban kay Mo Qian Yuan sa kabila ng murang edad nito. Binibigyan din si Mo Qian Yuan ng Jade Nectar na may halong Wheat Night Flower sa loob ng mahabang panahon na naging dahilan ng paghina ng katawan ni Mo Qian Yuan. Kung hindi dahil kay Jun Wu Xie at mga elixir niya, pati na rin ang pinapakain niyang buto ng Snow Lotus, ay matagal nang wala si Mo Qian Yuan. Ngunit kahit na ito ay malusog na at muling sumailalim sa lupit ng Qing Yun Clan, nasa bingit nanaman ito ng kamatayan.

"Ang lalaking ito ay parang humihila ng kapahamakan." Sumandal si Little Lotus sa higaan at naaawang tinignan si Mo Qian Yuan. Naisip nitong ang buhay ni Mo Qian Yuan ay isang nakakalungkot na kwento. Kahit na ang malupit na si Drunk Lotus ay hindi napigilang maawa dito.

Ang tunay na ama nito ay pinatay ang tunay na ina ni Mo Qian Yuan maging ang buong pamilya ni Mo Qian Yuan. Nakipagtulungan din ang kaniyang ama sa kaniyang step brother na lasunin siya. Dumanas ito ng malupit na buhay bago nakilala si Jun Wu Xie. Nagbago ang lahat ng siya ay pumalit sa pamumuno at di nagtagal ay dumating naman ang Qing Yun Clan na magpapahirap din dito...hindi kaya'y isinumpa ito?

"Tahimik." Pinagalitan ito ni Jun Wu Xie. Malala ang pinsalang natamo ni Mo Qian Yuan at masyado na siyang maraming iniisip. Hindi niya kailangan ang mga komento ng bulaklak at ng pusa ngayon.

Kung may oras lang siya ay tinusok niya na ang mga ito bilang parusa sa mga pinagsasabi ng mga ito.

Tumahimik naman si Drunk Lotus at ang black beast at nanuod na lang sa ginagawa ni Jun Wu Xie. Determinado si Jun Wu Xie na isalba ang buhay ni Mo Qian Yuan.

Hindi tumigil si Jun Wu Xie sa pag-aasikaso kay Mo Qian Yuan. Para itong sinaniban ng mga diyos at binigyan ito ng lakas. Mabilis at mahusay ang mga kamay nito sa pag-gamot sa lalaki.

Una ay linisin ang lason sa katawan nito at gumamit ng elixir na pamalit sa mga dugong nawala dito. Kasabay ang maligamgam na tubig para tulungan itong mabawi ang mga tubig na nawala sa katawan nito. Pagkatapos ay gamutin ang mga nasirang ugat at buto nito. Ihuhuli na nito ang paggamot sa mga sugat nito...

Nabuo ang kaniyang sunod-sunod na gagawin sa pag-gamot kay Mo Qian Yuan sa loob lang ng ilang segundo.

Related Books

Popular novel hashtag