"Hindi mo ako pwedeng patayin, ako ang panganay na anak ng Qing Yun Clan Sovereign. Kung mangangahas kang patayin ako, uubusin kayong lahat ng Qing Yun Clan!" Pinilit ni Qin Yu Yan na ilabas ang natitirang tapang sa kaniyang sarili. Matapang na tumitig si Qin Yu Yan kay Jun Wu Xie ngunit salungat ang pinapakita ng kamay nitong namumutla at nanginginig na nakahawak sa trono.
Nagtaaa ng isang kilay si Jun Wu Xie. Hindi pa nakakasalamuha ni Jun Wu Xie si Qin Yu Yan bago nito ngunit ang banta nito ay katulad ng binanta sa kaniya ni Bai Yun Xian noon.
Dahil sa kaniyang naalala, nilingon ni Jun Wu Xie si Bai Yun Xian na tahimik na nagtatago sa sulok, nagsusumikap na huwag itong makita. Sapat lang ang mga titig dito ni Jun Wu Xie para si Bai Yun Xian ay mapaluhod.
Bukod sa panakot nilang Qing Yun Clan, wala na bang bago?
"Kunin siya." Marahang saad ni Jun Wu Xie.
Tumalon naman si Drunk Lotus patungo sa trono at lumabas ang matinis na sigaw galing sa lalamunan ni Qin Yu Yan.
Ang prinsesita ng Qin Yu Yan ay walang binatbat kay Drunk Lotus na hawak siya sa kaniyang buhok at kinaladkad palapit kay Jun Wu Xie.
Ang Eldest Miss ay magaspang na trinato ni Drunk Lotus, at hindi man lang siya tinuring na babae o kahit tao man lang.
"Ang lason na kaniyang nainom, ikaw ang nagbigay hindi ba?" Tukoy ni Jun Wu Xie kay Mo Qian Yuan na nasa likod ng black beast.
Nanginig ang mga labi ni Qin Yu Yan at naisipang ibintang iyon sa namatay nang ai Jiang Chen Qing. Ngunit ang malamig at matalim na titig ni Jun Wu Xie ay nakapagpabago ng kaniyang isip. Kung kaya't nilunok niya na lang ang kasinungalingang kaniya sanang sasabihin.
"Mayroon akong lunas!" Mabilis na alok ni Qin Yu Yan.
Umalingawngaw naman ang nang-iinsultong tawa ni Bai Yun Xian. Kailanman ay hindi ito naging malapit kay Qin Yu Yan. Kaya naman nang makita niyang napalitan ng takot at pagmamakaawa ang ugali nitong mapagmataas, hindi niya napigilang tuyain ito.
Lunas?
Sa galing ni Jun Wu Xie sa medisina, hindi na nito kailangan ang lunas na gawa ni Qin Yu Yan.
"Ang mga lason at lunas, ibigay mo sakin lahat ngayon din." Utos ni Jun Wu Xie dito.
Agad namang inilabas at inabot ni Qin Yu Yan ang mga bote ng lason at gamot ngunit muling nagsalita si Jun Wu Xie: "Lahat."
Saglit na natigilan si Qin Yu Yan at mayamaya lang ay nakaramdam ito ng isang matalim na bagay na tumutusok sa kaniyang ulo. Damang-dama iyon ng kaniyang buong katawan, agad namang tumulo ang kaniyang luha dahil sa sakit. Nagmamakaawa siyang tumingin sa matangkad na lalaking nasa likod ni Jun Wu Xie.
Malademonyong ngumiti lang si Jun Wu Yao sa babae.
"Hindi mo ba naiintindihan? Ilabas mo lahat ng lason at gamot na nasa'yo!" Nauubusan na ng pasensya si Drunk Lotus kaya naman sinabunutan niya si Qin Yu Yan. Hindi niya napansing masyadong malakas ang kaniyang pagkakahila sa buhok nito kung kaya't maraming buhok ang natanggal sa anit nito.
Napaiyak naman si Qin Yu Yan dahil sa sakit na dinulot non ngunit bago pa man siya makabawi ay muli siyang sinabunutan ni Drunk Lotus.
"Bilisan mo kung hindi ay uubusin ko lahat ng buhok mo." Hindi siya inutusan ni Jun Wu Xie na patayin ito ngunit ayos lang na pahirapan ito!
Nahintakutan naman si Qin Yu Yan sa bantang iyon ni Drunk Lotus kaya agad nitong inilabas ang lahat ng bote ng elixir na mayroon siya at ibinigay iyon kay Jun Wu Xie.
Mahigit sampung bote ang inilabas ni Qin Yu Yan sa harap ni Jun Wu Xie. Pinulot niya ito isa-isa at inamoy iyon.
"Kung papalayain mo ako, pinapangako kong bibigyan kita ng mga gamot at elixir kahit ilan pa ang gusto mo! Ibibigay sa'yo iyon ng aking ama, kahit anong gusto mo!" Matindi itong natakot ni Drunk Lotus at bakas na bakas sa mga mata nito ang sakit na nararamdaman nito. Nabura ang elegante at sopistikadang itsura nito. Sa kaniyang kalagayan ngayon, hindi mo aakalaing ito ang malupit at mapanlinlang na Eldest Miss ng 'kinatatakutang' Qing Yun Clan.