Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 237 - Ikaapat na Sampal (5)

Chapter 237 - Ikaapat na Sampal (5)

Bago pa makabawi si Jiang Chen Qing sa utos ni Jun Wu Xie, biglang sumulpot si Drunk Lotus sa harap niya. Para siyang isang manikang inangat ni Drunk Lotus dahil sa bali niyang buto sa likod. Walang nagawa ang mga tao sa paligid kundi ang manood sa takot. Si Jiang Chen Qing naman ay tinakasan na ng kulay ang mukha at wala na ring magawa kundi ang tanggapin ang kapalaran.

"Ikaw ang nagmadali sa kapalaran mo. Kung nanahimik ka lang sana, ihuhuli kitang patayin. Ngunit mas lalo mong ginalit ang aking Mistress, hindi ba?" Mapantuyang humalakhak si Drunk Lotus. Si Jun Wu Xie ay madalas lang na malamig ang pakikitungo, kaunti lang ang mga bagay na nagpapagalit at nagbibigay ng emosyon sa mundong ito.

Ngunit kahit na sino pa man ang gumalaw sa Jun Family, ay agad na nagpapasiklab ng galit sa kaniya at ibig na nito agad patayin kung sino man iyon.

Inamin na mismo ng matandang ito na sinadya ng Qing Yun Clan Sovereign na hindi talaga nito gustong pagalingin si Jun Qing noon.

Hinayaan nitong maging lumpo si Jun Qing sa loob ng sampung taon. Kung kaya't wala siyang nakikitang dahilan para maawa sa mga ito.

Paulit-ulit nilang kinakalaban at pinapahirapan ang Jun Family, nararapat lang sa mga ito ang patayin.

"Huwag..." Nanginginig sa takot si Jiang Chen Qing. Nabura lahat ng pagmamataas at yabang nito nang una itong dumating sa Qi at nagsimula itong magmakaawa para sa kaniyang buhay.

"Gusto ko lang din malaman niyo na mas magaling pa ang aking Mistress kaysa sa inyong pinakamamahal na Sovereign pagdating sa medisina. Kaya naman nagamot na niya ang binti ng kaniyang tiyuhin." Naaaliw si Drunk Lotus na panoorin ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ni Jiang Chen Qing. Kanina niya pa dapat ito napatay ngunit parang napakadali lang noon na parusa para kay Jiang Chen Qing. Para sa isang taong nagpasama ng kalooban ng kaniyang Mistress, gusto niyang maranasan muna nito ang labis na pagdurusa bago ito tuluyang patayin.

Tuluyang namuti ang mukha ni Jiang Chen Qing nang makita ang handang-handang itsura ni Drunk Lotus.

Ang duguan nitong kamao ay sumuntok sa ulo ni Jiang Chen Qing dahilan para mabasag iyon at kumalat ang bungo, utak at dugo nito sa lapag at sa katawan ni Drunk Lotus. Hindi naman niya ito pinansin bagkus ay nagdulot pa ito ng saya sa kaniya.

Napakasarap sa pakiramdam ang pumatay!

Binitawan ni Drunk Lotus ang walang ulong katawan ni Jiang Chen Qing at agad na nagpunta sa kaniyang susunod na paparusahan.

Ang mga nahihintakutang sigaw ay madidinig sa buong main hall ng Imperial Palace. Ang mga nanakit sa Jun Family na malalakas at matatapang, ngayon ay parang mga hayop na naghihintay ng kanilang pagkakatay.

Wala sa itsura ni Drunk Lotus na bata at mabait ang brutal na klase ng pagpatay. Ito ang unang beses nilang makakita ng malala at brutal na paraaan ng pagpatay!

Ilang sandali lang ay napapalibutan na si Drunk Lotus ng mga gutay-gutay at patay na katawan.

Mas lalo namang lumakas ang amoy ng dugo sa main hall dahil lahat ng taga Qing Yun Clan ay patay na maliban kay Qin Yu Yan at Bai Yun Xian na nanginginig sa takot na nagtatago sa isang sulok.

Hindi makapagsalita si Qin Yu Yan sa kaniyang nasaksihan. Bakas sa mga mata nito ang takot.

Patay na si Jiang Chen Qing, pati ang lahat ng Qing Yun Clan disciples maging ang mga inimbitahan nilang eksperto sa pakikipaglaban ay patay na rin....

Nag-angat siya ng tingin. Ang mukha nito ay tinakasan na rin ng kulay habang nakatingin kay Jun Wu Xie na nakatayo sa pintuan ng main hall. Ito ang nag-utos sa patayang naganap ngayon-ngayon lang. Si Jun Wu Xie ay ang Young Miss lang ng Lin Palace sa Kingdom of Qi. Anong mayroon siya at nakakuha ito ng ganito kalalakas at katatapang na kakampi?

"Mistress, iyong naroon ba...papatayin din?" Tanong ni Drunk Lotus kay Jun Wu Xie na ang tinuturo ay si Qin Yu Yan.

Nanigas si Qin Yu Yan sa kaniyang kinaroroonan nang makita ang nakaturong daliri ni Drunk Lotus sa kaniya. Natataranta siya at natumba sa trono na nasa kaniyang likuran.

Ang kumikinang na trono ay may mga bahid ng talsik ng dugo gawa ng kaganapan kanina, dahilan para maging kakila-kilabot ang itsurang iyon.