Hindi natiis ni Jun Wu Yao na yakapin si Jun Wu Xie nang makita niya ang pagkalitong bumakas sa mukha nito. Kinuha ni Jun Wu Yao ang kamay ng dalaga at inilagay sa palad nito ang dalawang crystal ball na kasin-laki ng kaniyang palad.
"Ihinando ko na ang contractual ring para sa'yo at inilagay sa loob niyan." Nakangiting sabi ni Jun Wu Yao.
Tumitig si Jun Wu Xie sa crystal ball na nasa kaniyang kamay, napakalinaw nito. Nang suriin niya pa ito ay napansin niyang mayroon pa itong nasa loob. Ang bakas ng ilaw na nakapaikot ay kitang-kita at para itong buhay na buhay.
"Contractual spirit 'yon?" Malamig at matigas ang crystal ball na parang normal lang na crystal ngunit may naramdaman siyang kakaiba. Hindi niya matukoy kung anong material iyon.
"Spirit Prison ang tawag diyan, ginagamit ito para ibilanggo ang spiritual bodies. Dalawang oras pagkatapos mamatay ng contractual spirit ring ng master, bumabalik ito sa spirit world. Ang pagkuha sa contractual spirit ring ay dapat maisagawa sa oras ding iyon. Ikukulong sila sa Spirit Prison at sila ay hindi na makakatakas." Ang isip ni Jun Wu Yao ay wala sa Spirit Prison, ihinanda niya na iyon noong una niyang madiskubre si Little Lotus dahil naniniwala siyang kakailanganin ito ni Jun Wu Xie balang araw.
"Anong klase ng contractual spirit ang naririto?" Tanong ni Jun Wu Xie habang mariing sinusuri ng Spirit Prison. Ang ilaw na umiikot sa loob ay ibang anyo ng spirit body kapag naikulong. Hindi na makikita ang tunay na anyo nito.
"Soaring Serpent." Sagot nman ni Jun Wu Yao. Ito ay sinaunang beast na nabuhay sa simula pa lang nung ang mundo at kalangitan ay ginawa.
"Sa iyong kasalukuyang kapangyarihan,mahirap para sa'yo ang lubos na maabsorb ang Soaring Serpent. Ngunit ang unang contractual ring spirit na iyong maaabsorb ay ang higit na importante. Huwag kang mag-alala, tutulungan kitang magtagumpay. Alalahanin mong gaano man kasakit ang iyong maramdaman, titiisin mo iyon at kakayanin. Pag nagsimula na ang pag-absorb hindi ka maaaring sumuko, kapag ginawa mo iyon ikaw ang lalamunin ng spirit na iyong gustong silain." Delikado para sa isang red level spirit na ibsorb ang isang napakalakas na contractual ring spirit na katulad ng Soaring Serpent, ngunit walang ibang magagawa si Jun Wu Yao.
Para sa mga taong may plant spirits, ang contractual ring spirit na kanilang inaabsorb ay naipagsasama sa spirit energy ng taong iyon. Iyon ang pinakakumpletong complete ring spirit na maaaring iabsorb ni Jun Wu Xie at ayaw ni Jun Wu Yao na masayang ang oportunidad na iyon.
Maaaring malakas ang Soaring Serpent ngunit ang kapangyarihan nito ay malaking tulong kay Jun Wu Xie.
Ito ay isang wais na desisyon.
Sa kaniyang presensiya,hindi niya hahayaang may mangyari dito.
"Nagtitiwala ka ba saakin?" Tanong ni Jun Wu Yao.
Mahinang tumango si Jun Wu Xie bilang sagot ngunit huli na nang mapansin niyang wala na sa harap niya si Jun Wu Yao para makita nito ang kaniyang pagtango.
"Oo." Muli ay tugon niya.
Nalulugod si Jun Wu Yao. Ang malamang hinayaan siya ni Jun Wu Xie na makapasok sa buhay nito ay nag-uudyok sa kaniyang yakapin ito ng mahigpit.
"Buksan mo ang Spirit Prison."
Sinunod naman ni Jun Wu Xie ang utos ni Jun Wu Yao. Inilagay nito ang kaniyang mga kamay sa taas at baba ng Spirit Prison at pinihik ito. Umikot naman ang crystal sa kaniyang kamay. Ang Soaring Serpent ay nagkukumawala sa maliit na awang ng crystal.
"Gawin mo na ngayon! Gaya ng araw-araw mong ginagawa sa Sonw Lotus' spirit energy. Hilahin mo ang Serpent's Spirit sa iyong katawan pero maging maingat ka. Dahan-dahan hayaan mong pumasok ang espiritu nito sa iyong mga ugat at arteries." Pagkalabas ng Soaring Serpent, agad na nagtayo si Jun Wu Yao ng barikada sa kaniya para ikulong ang kumakawalang spirit sa loob nito.
Ipinikit ni Jun Wu Xie ang kaniyang mga mata at sinimulang papasukin sa kaniyang katawan ang Soaring Serpent.
Nang magsimula ito, labis na bayolenteng espiritu ang kaniyang naramdaman na parang binubugbog ang buo niyang katawan!