Chapter 211 - Coercion (2)

Tahimik lang si Qin Yu Yan sa buong pag-uusap nila, tahimik lang siyang nakaupo. Bahagya itong nakangiti.

Nang marinig ni Mo Qian Yuan ang sinabi ni Jiang Chen Qing, agad na nagdilim at tumigas ang ekspresyon sa kaniyang mukha: "Mukhang hindi magandang ideya yan. Ang mga mga ninuno ay nananahimik na kailangan natin iyong respetuhin..."

"Wala nang silbi ang mga patay na, Kamahalan, wala na dapat ipagkabahala doon." Mahinahong saad ni Qin Yu Yan. "Ang dating Emperor at si Jun Gu ay patay na, wala na silang bilang sa mundong ito. Bakit kailangan mong ipahamak ang mga tao ng Kingdom of Qi para sa dalawang patay na?"

Natigilan si Mo Qian Yuan habang nakikinig sa sinasabi ni Qin Yu Yan. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig.

Ipahamak ang buong Kingdom of Qi?

Iyon ay banta!

Hindi inaasahan ni Mo Qian Yuan na ang mahinhing si Qin Yu Yan ay makakapagsalit ng ganoon.

Wala itong planong idaan ito sa maayos na usapan. Ito ay nagbanta na.

Ibigay dito ang Soul Jade at sila ay aalis na. Kung hindi nila ito ibibigay ay hindi nila titigilan ang Qi...

Napagtanto ni Mo Qian Yuan gaano siya kawalang muwang. Umasa siyang ang leader ng Qing Yun Clan ay madaling mapakiusapan?

Si Jiang Chen Qing at Bai Yun Xian, pareho silang taga Qing Yun Clan at sino sa kanilang dalawa ang mas madaling kausap?

Naalala pa ni Mo Qian Yuan nang pagtangkaan ni Bai Yun Xian na lasunin ang buong Imperial City. Ang lason na iyon ay galing sa wala nang iba kundi Qing Yun Clan...

"Kung hindi komportable ang Kamahalan na gawin iyon, kaya naman naming gawin para sa'yo." Hindi na nag-antay ng sagot si Qin Yu Yan ng sagot mula kay Mo Qian Yuan, agad itong tumayo at hinarap si Jiang Chen Qing. "Uncle Jiang, pasensya na at kailangan kitang abalahin para dalhin sila sa Royal Tomb at sa bakuran ng Jun Family para hukayin ang Soul Jade."

"Sandali! Miss Qin, ikaw..." Pinutol na ni Qin Yu Yan ang susunod na sasabihin ni Mo Qian Yuan. Agad itong nagsalita.

"Kamahalan, makakabuti sigurong huwag kang magdesisyon ng alam mong ikakasama ng inyong Kaharian. Ayaw mo naman sigurong may mangyaring masama sa mga tao mo 'di ba?" Ang tipid nitong ngiti ay hindi pa rin nabubura sa mukha nito. Ngunit ang kilabot sa banta nito ay damang-dama niya.

Matapos sabihin' yon ni Qin Yu Yan, agad na itong tumalikod kasama ang mga iba pang delegado ng Qing Yun Clan.

Nang makalabas na sa main hall ang mga taga-Qing Yun Clan, ang mga opisyales na nakatayo sa labas ay pumasok na mabigat ang paa---nagkakagulo. At nang makita ng mga ito ang madilim na anyo ni Mo Qian Yuan, pinili ng mga itong manahimik at hindi na nagtangka pang magtanong tungkol sa pagsugod ng mga 'bisita'.

Napuno ng katahimikan ang main hall habang nakaupo lang si Mo Qian Yuan sa kaniyang trono at pinapanuod ang paglabas ng mga taga-Qing Yun Clan.

[Itatago ko ang Soul Jade anuman ang mangyari. Hindi ko 'yon ibibigay kahit kanino. Naisip mo bang gustong-gusto ko nang patayin silang lahat at wala akong pakialam kung nagiging brutal ako. Tignan natin kung anong gagawin ng Qing Yun Clan kapag nalaman nilang hawak natin ang Soul Jade at hindi natin ito ibibigay sa kanila?] Malinaw pa sa kaniyang isipan ang mga sinabing iyon ni Jun Wu Xie. Sa pagkakatanda niya siguradong sigurado si Jun Wu Xie sa gusto nito at kumpiyansa ito sa sarili.

Natawa si Mo Qian Yuan sa isipin na iyon. Alam na alam ni Jun Wu Xie ang ugali ng mga taga Qing Yun Clan dahil kung hindi, hindi ito makikipagpustahan sa kaniya.

Sa totoo lang ay sa kaniyang sarili siya natatawa. Tiniis niya ang pang-aabuso ng dating Emperor at ni Mo Xuan Fei sa mahabang panahon, bakit hinahayaan niya pa ring manatili sa kaniyang sarili ang pagiging mabuti?

Jun Wu Xie, sarili kong katangahan iyon at walang dapat sisihin don.

Sa nakakarinding katahimikan sa morning court session, isang malulutong na halakhak ang kanilang narinig. Lahat sila ay napatingala at naabutan ang Emperor na hindi mapigilan ang pagtawa.