Nagkikidlat sa galit ang mga mata ni Jun Wu Xie dahil sa kaniyang nakita. Nakabuhol ang bulaklak at ang beast. Lumipat ang kaniyang tingin sa wine cabinet kung saan niya maayos na nilalagay ang Jade Nectar. Ngayon ay gulo-gulo ito. Ang mga walang laman na bote ay nakatumba at may mga nakakalat at basag pang nasa sahig. Nagkalat din ang mga Jade Nectar na laman non kaya naman amoy na amoy ito sa labas!
Malamig ang kaniyang mga titig sabay na nag-utos, "paghiwalayin mo sila."
Agad namang tumalima si Jun Wu Yao at unang inabot si Little Lotus na lasing.
Hindi napansin ni Little Lotus ang pagdating ni Jun Wu Xie at Jun Wu Yao dahil sa galit nito. Saka lang niya ito namalayan nang ito ay hawakan ni Jun Wu Yao.
Napagtanto nito, huli na.
Nang mag-angat ito ng tingin ay hawak na siya sa balikat ni Jun Wu Yao. Parang mababali ang kaniyang mga buto dahil sa higpit ng hawak nito.
"Buwisit!" Singhal ni Little Lotus. Umalma ito at hinawakan ng mahigpit si Jun Wu Yao sa braso at itinutulak ito.
Subalit mas malakas si Jun Wu Yao at nagtaas lamang ng kilay.
"Mahusay yan, pero sa maling tao mo ginamit." Napangisi si Jun Wu Yao at mas lalo pang hinigpitan ang hawak sa balikat ni Little Lotus.
Tumalon ang black beast sa pagnanais na makaganti, ngunit bago niya pa magawa iyon ay nahawakan na siya sa batok at inangat sa ere.
Isang pares ng kulay violet na mata ang sumalubong sa kanilang dalawa. At ang mga matang iyon ang nagpahupa sa tensyon sa loob ng silid.
"Tapos na kayo?" Kalmadong tanong ni Jun Wu Xie. Walang anumang bahid ng ekspresyon ang mukha nito habang nakatingin sa dalawang hawak sa ere ni Jun Wu Yao.
Gaano ba katagal siyang nawala?
Para namang mga basang sisiw ang black beast at Lotus nang makita si Jun Wu Xie.
Damang dama ng dalawa ang lamig sa mga titig ni Jun Wu Xie. Bakas din sa mga itsura nito ang pag-amin sa kasalanan. Unang tinapunan ng tingin ni Jun Wu Xie ang pusang itim.
"Magsalita kayo!" Para namang huminto pagtibok ang kanilang mga puso nang marinig nila ang boses na iyon.
Unang nagsalita ang pusa.
[Mistress! Noong mismong umalis ka, yang magnanakaw na iyan ay agad na ninakaw ang iyong wine! Sinubukan ko siyang awatin! Pero nagpalit siya agad ng anyo at sinaktan ako...]
Pangalawang beses na itong nakaharap ni little black ang lasing na si Lotus. Hindi pa sila nag-away sa harap ni Jun Wu Xie. Ang kanilang pangalawang engkwentro ngayong araw ay nagsimula nang lumabas si Jun Wu Xie. Inatake ng katakawan si Little Lotus at napagdiskitahan ang wine cabinet. Agad nitong nilaklak ang Jade Nectar. Nakita iyon ni Little black cat at sinubukang pigilan ito. Nalasing si Little Lotus at nagpalit ng anyo bilang Drunk Lotus na hindi pinansin ang paalala ni black cat na huwag laklakin ng lalklakin ang Jade Nectar.
Walang nagawa si little black cat kundi ang magpalit anyo rin bilang black beast para maawat si Drunk Lotus.
Mabuti ang intensyon, ngunit nauwi sa isang trahedya.
Galit na galit ang black beast sa ginawa ni Drunk Lotus. Naging brutal na din siya sa payat na si Drunk Lotus ngunit naisahan siya nito nanatili itong nakasakay sa likod niya!
Maging ang Golden Lion ay nagawang silain ng black beast, pero nang harapin niya ang payat at walang hiyang bulaklak ay para siyang napahiya dahil wala siyang magawa...hindi niya maintindihan yon!
Milyon-milyong paraan ang naiisip ni Jun Wu Xie para parusahan ang dalawa ngunit nang marinig niya ang kwinentong pangyayari ni black cat, biglang naglaho ang galit sa kaniyang mga mata. Nasa malalim siyang pag-iisip nang siya ay lumapit kay Drunk Lotus.