Mabait? Hindi niya kailanman naisip na mabait ang kaniyang pagtrato kay Mo Qian Yuan.
Naggagamitan lamang sila.
"Nangahas akong gawin ito dahil nandiyan ka." Nag-angat naman ng tingin si Jun Wu Yao. Kung wala ang makapangyarihan na si Jun Wu Yao, hindi niya sana sinayang ang pagkakataon na umatake. Ngunit sa harap ni Jun Wu Yao, walang binatbat ang mga taga-Qing Yun Clan para pigilan ito sa anuman ang kaya nitong gawin.
Para mapakinabangan ang lahat, may naisip siyang sariling pamamaraan.
Nagulat naman si Jun Wu Yao at sumigla ang mata.
Lubos namang ikinatuwa ni Jun Wu Yao ang sinabi ni Jun Wu Xie. Si Jun Wu Yao na kayang pumatay ng kahit na sino ng walang kahirap-hirap.
"Anuman ang hilingin mo, gagawin ko." Saad ni Jun Wu Yao na humahalakhak. Konting araw lang ang kaniyang itinitira sa mga uod na yon para mabuhay.
Kumurap naman si Jun Wu Xie nang mapaisip: 'Minsan mas pinagbibigyan siya ni Jun Wu Yao kaysa ni Jun Xian.'
Etong tinuturing niyang nakatatandang kapatid ay hindi naman pala lubos na masama.
"Ibuka mo ang bibig mo." Bigla namang utos ni Jun Wu Xie.
Malapad naman na ibinuka agad ni Jun Wu Yao ang kaniyang bibig. Sunod ay ang isang matamis na elixir ang kaniyang nalasahan at dumeretso sa kaniyang lalamunan. Matamis ang amoy nito at bumalot ang tamang init sa kaniyang katawan. Nasipsip ng kaniyang mga ugat ang kailangan nito para gumaan ang kaniyang pakiramdam.
Lumapad naman lalo ang ngiti ni Jun Wu Yao, hindi niya alam kung ano iyong ipinakain sa kaniya ni Jun Wu Xie.
Ang mga elixir na iyon ay espesyal naginawa ni Jun Wu Xie. Tanging ang Jun Family lang ang nagkaroon ng prebelihiyong matikman iyon. At ipinatikim naman ito sa kaniya ni Jun Wu Xie.
Ang gabing ito ang pinakamasayang gabi niya dahil siya ay nakalaya sa mga kadenang iyon.
Tahimik na ang gabi nang sila ay makabalik sa Lin Palace. Binuhat ni Jun Wu Yao si Jun Wu Xie. Kakalapat lang ng paa nito sa bakuran ni Jun Wu Xie nang maamoy niya ang malakas na amoy ng wine.
Ang amoy na iyon ay kalat na kalat sa paligid at pag naamoy mo ay mas lalo mong hahanap hanapin.
"Hindi ba't ang Jade Nectar iyon?" Kumunot ang ilong ni Jun Wu Xie. Pamilyar ang amoy na iyon, araw-araw niya iyong naaamoy para sa cultivation ng Snow Lotus, ngunit ngayon ay parang sobrang tapang ng amoy nito.
Bago mapagtanto ni Jun Wu Xie ang tunay na nangyari, nakarinig siya ng alulong sa loob ng silid!
Nausisa naman si Jun Wu Yao kaya sinundan niya si Jun Wu Xie.
Isang gwapong bata, ang mukha nito ay namumula. Pasuroy-suroy itong lumalakad palapit sa black beast, hila-hila ang paa sa paglalakad. Ang maputi nitong kutis ay nangingibabaw sa kulay ng black beast.
Ngayon ay nasa likod ng magiting na black beast ang bata.
Nakaupo ito sa likod ng black beast hawak ang wine jar sa kaliwang kamay. Tumatawa ito.
"Bilis! Gumalaw ka! Galaw! Bakit hindi mo ako saktan katulad ng lagi mong ginagawa ha? Gawin mo ngayon!" Ngumisi ang lasing na si Little Lotus. Hinawakan naman nito ang buntot ng black beast na kumukumpas at hinila iyon.
"MEOWWWWW!!!" Masakit sa tenga ang alulong ng black beast.