Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 194 - Unseal the Coffin (1)

Chapter 194 - Unseal the Coffin (1)

Nang dumating si Jun Wu Xie sa study room, wala na si Jun Xian at Jun Qing, kahit si Long Qi at mga kasamahan nito ay wala na din. Pumunta si Jun Wu Xie kay Uncle Fu at nalaman niya dito na napagdesisiyunan ni Jun Xian at Jun Qing na poprotektahan nito ang pag-aari ng Jun Family. Agad itong nagsitungo sa libingan ni Jun Gu.

Malinaw ang intensyon nito.

"Tara na!" Binato ni Jun Wu Xie ang kaniyang pusa sa labas at agad itong nagpalit sa anyo nitong black beast. Mas lalong naging kapansi-pansin ang gold badge fur nito sa dibdib.

Taon-taon na pumupunta ang Jun Family sa libingan ni Jun Gu para magdasal, kaya naman alam ni Jun Wu Xie paanno tumungo doon mag-isa. Sumakay si Jun Wu Xie sa likod ng black beast habang tumatakbo ito sa ilalim ng mga bituin papunta sa libingan.

Hindi aatras ang Jun Family! Hindi dapat hukayin ang puntod ni Jun Gu!

Tumakbo ang beast palabas ng siyudad aat dinala si Jun Wu Xie sa puntod. Karamihan sa nakalibing doon ay mga sundalo at opisyales na inatas ng Jun Family. SIla ang mga martir na binuwis ang sariling buhay sa pakikipaglaban at nararapat lang na tawaging men of valour.

Minsang sinabi ni Jun Wu Xie n ang mga ito ay dapat sama-sama ng libingan para sa kabilang buhay ay sama-sama din sila.

Nakarating si Jun Wu Xie sa libingan at nakita niya doon ang dalawang guwardiya ng Lin Palace. Nagulat sila nang makita si Jun Wu Xie sakay ng isang black beast at nilampasan sila.

Nanatiling nakatayo ang mga guwardiya at walang nagawa.

Sa palibot ng puntod ay may sampung sundalo ng Rui Lin Army, may hawak ang mga ito na umaapoy na tanglaw, bakas sa mga mukha ng mga ito ang paghihinagpis.

Pinamunuan ni Long Qi ang paghuhukay sa puntod ni Jun Gu. Sa bawat paghukay nila ay mas namumula ang kanilang mga mata dahil sa pag-iyak.

Sa mismong puntod na ito, nakalibing ang kanilang tinuturing na God of War. Ang taong ito ang kanilang iniidolo. Ngayon, ay sapilitan nilang hinukay ito gamit ang sarili nilang mga kamay.

Pikit-matang nakatayo si Jun Xian sa gilid, hindi nito maatim panuorin ang kanilang ginagawa. Si Jun Qing naman ay nakatayo din sa tabi ng ama nito.

"Anak, para sa Jun Family, napilitan akong istorbohin ang iyong pamamahinga." Mahinang sabi ni Jun Xian.

Nakayuko naman si Jun Qing sa puntod mahigpit na nakakuyom ang kamao.

Lumipad ang mga tuyong lupa sa ibabaw ng kabaong nang ito ay iangat. Napaatras naman si Jun Xian nang makita niya ito.

"Panginoon, talaga bang..." Tanong ni Long Qi kay Jun Xian na nanginginig ang mga kamay.

Humugot ng malalim na hininga si Jun Xian. Nagtatagis ang mga bagang nito at nakapikit na tumugon. "Buksan niyo na."

Nagawa ni Jun Wu Xie ang kalabanin ang dating Emperor para protektahan ang Jun Family. Sa bagay na ito, ayaw niyang madamay ang bata. Nang mamatay si Jun Gu, batang-bata pa ito. Ngunit ama nito ang nakalibing dito, hindi niya maatim na makita nitong hinuhukay ito at iniistorbo ang pamamahinga.

Kaya agad na tumungo dito si Jun Xian at Jun Qing nang lumabas si Jun Wu Xie dahil ayaw nila itong ipaalam kay Jun Wu Xie.

Nagtatagis ang mga ipin na inangat ni Long Qi ang takip ng kabaong.

Malakas na tumunog ang takip sa pagbubukas nito nang bigla silang may makitang isang malaking anino.

"Huwag niyong buksan ang kabaong!" Pumaalinlang ang boses ni Jun Wu Xie. Tumingala si Jun Xian at Jun Qing at nakita si Jun Wu Xie na nakasakay sa black beast. Bakas ang lungkot sa mukha nito.

"Wu Xie?" Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Jun Qing.

Agad namang pinigilan ni Jun Qing si Jun Wu Xie na lumapit.

"Wu Xie! Anong ginagawa mo dito?! Bumalik ka na!" Ngayon lang ang unang beses na pinagsabihan ni Jun Qing si Jun Wu Xie. Ayaw nitong masaksihan nito ang pagbukas sa kabaong ng ama nito.

Related Books

Popular novel hashtag