Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 179 - Might of the Qing Yun Clan (1)

Chapter 179 - Might of the Qing Yun Clan (1)

Ang Emperor na kasama si Mo Xuan Fei sa isang selda ay tahimik na nakatitig kay Bai Yun Xian na nasa kabilang kulungan, salubong ang mga mata sa pagkamuhi. Kung nag-isip lamang ito na huwag ipadala ang Min Butterfly sa malayong parte ng Qing Yun Clan, nailigtas na sana sila. Kung hindi lang sana nito nilason ang mga tao, hindi rin magkakaroon ng dahilan si Jun Wu Xie at Mo Qian Yuan na dalhin ang kanilang sundalo.

Hindi sana siya napatalsik bilang Emperor, hindi sana kalunos lunos ang itsura ni Mo Xuan Fei ngayon.

Ang lahat ng nangyayari sa kanila ay dahil sa babaeng ito!

Isang bobo at hindi nag-iisip, nawala sa kanila ang lahat dahil sa kaniya.

Dahil sa takot, hindi na namalayan ni Bai Yun Xian ang masamang titig sa kaniya ng Emperor, tahimik siyang nagdadasal na sana ay hindi siya matulad sa lagay ni Mo Xuan Fei ngayon.

Sa ganitong oras, hindi mawala sa isip niya ang pananalig. Walang ibang napasok sa isip niya kundi ang manatiling buhay.

Ang dating Emperor ay patuloy na nakatitig ng masama kay Bai Yun Xian. Tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa, at ang hangarin ni Jun Wu Xie na linlangin ang Qing Yun Clan sa pamamagitan ni Bai Yun Xian ay hindi madali.

Isa pa, lihim siyang nakipag-ugnay sa Chief ng Qing Yun Clan, isang bagay na lingid sa kaalaman ni Bai Yun Xian. Ang mga taong darating sa Qi ay hindi lang pupunta para sagipin si Bai Yun Xian…

Kailangan niya itong mapanood, mapanood si Jun Wu Xie, Mo Qian Yuan, Bai Yun Xian ang lahat ay mamamatay---libo-libo ang mamamatay!

Mahinang nagpakawala ng tawa ang Emperor. Tumingala si Bai Yun Xian para tignan ang Emperor at nasalubong niya ang malamig nitong titig na animo'y handa itong patayin siya anumang oras.

Bumalik si Bai Yun Xian sa malayong sulok ng kulungan. Hindi siya nakukonsensya o anuman, alam niya sa sarili niyang hindi siya ang responsable sa kasulukuyang sitwasyon. Nakikita niya ang sarili nia na isa rin lamang biktima, biktima ni Jun Wu Xie---ang baliw sa Kingdom of Qi na pinaparusahan siya. Ang biktima dahil sa kapabayaan ng Emperor at ni Mo Xuan Fei at siya ring nagdala sa sitwasyong ito. Inalala niya lang ang sarili niya, anong masama doon?!

Makalipas ang limang araw, ang kumboy ng naggagandahang karwahe ang dumating galing sa labas na bayan ng Imperial City ang bawat karwahe ay may dalang bandila na may cloud totem. Nagmadali naman ang mga guwardiya na sila ay papasukin nang makita ang mga bandilang ito dahilan para sila ay makapasok sa Imperial Palace na walang nanghaharang.

Ang cloud totem, iyon ang simbolo ng Qing Yun Clan. Ang anumang kumboy na may dala ng totem ay hindi nahaharang saan man sila magpunta.

Sa gitna ng kumboy ay may isang napakagandang karwahe, sakay nito ang isang babae na nakasuot ng light blue na bestida at talaga naming napakaganda ng mukha. Nakaupo ito sa karwahe at nasal abas ang tingin, pinapanuod ang mga taong nagkukumpol sa gilid ng kalsada, ito ang mga tao ng Kingdom of Qi. Binati niya ang mga ito ng ngiti.

"Ito na ba ang Kingdom of Qi?" Tanong nito sa kasama niya sa karwahe.

"Opo, Eldest Miss." Ang kasama niya sa karwahe ay isang matandang namumuti na halos ang lahat ng buhok." Maaaring mas nakakatanda ito, ngunit ang pagsagot nito at tingin sa babaeng kasama ay parang nagpapahiwatig ng kabaliktaran.

"Nakulong sa napakaliit na lugar na ito si Yun Xian? Iyon ay...." Hindi nito naituloy ang sinabi kaya't ito ay nagpakawala na lang ng buntong-hininga. Bumakas ang pang-aaba sa mga mata nito.

"Iyon po ang ipinarating ng Min Butterfly ni Miss Yun Xian." Magalang na sagot ng matanda.

"Ni hindi ako nakakita ng mga guwardiya sa loob ng siyudad. Hindi ba't ang sabi ni Yun Xian ay napapalibutan daw ito ng mga sundalo na Rui Lin Army?" Sinakop ng babae ang kaniyang mga hudyat ng hindi pagkapaniwala. Hindi nagkaroon ng problema ang kumboy ng Qing Yun Clan sa kanilang paglalakbay. Wala din silang nakitang nagkalat na mga sundalo, salungat sa ipinahatid ng Min Butterfly.