Nanginig ang Emperor nang Makita nito si Mo Xuan Fei na nakalupasay sa sahig, para siyang sinasaksak sa puso.
Hindi niya maitatanggi sa sarili nang tawagin ni Mo Xuan Fei ang Golden Lion, inakala niyang malaki ang tsansa nilang manalo.
Kaya naman nang makita niyang nahihirapan ito at tuluyan nang sinila ng black beast ni Jun Wu Xie, nagsimula siyang manlumo at kinutuban na.
Si Jun Wu Xie ay isang demonyong nagkatawang tao!
Hindi na normal na tao ang paningin sa kaniya ng Emperor, marami na siyang nakamit sa murang edad nito at ang plano nito na magbitiw siya sa kaniyang pwesto ay isang bagay na hindi mo aakalaing kayang gawin ng isang labing apat na taong gulang. Higit sa lahat, ang black beast nito ay natalo ang Golden Lion.
Hindi siya tao! Isa siyang demonyo!
Nangilabot ang Emperor sa isiping ito sabay pagsandal niya sa kaniyang kinauupuan. Hindi siya nagsalita ng kahit ano para makiusap sa dinadanas ni Mo Xuan Fei.
"Buhatin niyo siya pabalik." Kunot noong utos ni Jun Wu Xie habang nakatingin kay Mo Xuan Fei na namimilipit pa rin sa sahig. Talagang inaantay nitong mapuno siya.
Dalawang sundalo naman ng Rui Lin army ng agad n tumalima at binuhat siya pabalik sa wheelchair. Sa pagkakataong ito, hindi ito tumanggi. Nagdedeliryo na ito at bumubula ang bibig.
Ang contractual spirit nito ay natalo at sinila kaya naman damang dama ito ng kaniyang buong pagkatao.
Matapos maasaksihan lahat ni Bai Yun Xian ang nangyari, takot na takot ito. Nagtatago ito sa isang sulok, nakayuko, habang yakap ang mga tuhod, umaasang hindi siya makikita ni Jun Wu Xie.
Malas niya lang, paanong hindi makakalimutan ni Jun Wu Xie ang taong 'spesyal na nag-alaga' sa kaniyang lolo?
Saglit na tiningnan ni Jun Wu Xie si Mo Qian Yuan, agad naman nitong naintindihan ang ibig niyang sabihin. Tumawag siya ng dlawang sundalo at inutusang damputin si Bai Yun Xian sa pinagtataguan nito. Hindi pinansin ng mga sundalo ang pagsisigaw nito, bagkus ay binusalan ng mga ito ang bibig ni Bai Yun Xian at dinala sa isang tabi.
Ngayong tuluyan nang nawala sa katungkulan ang Emperor, oras na para sa pangunahing kaganapan.
Nabura na ang mga ngiti sa labi ni Jun Wu Xie at napalitan na ito ng malalamig na titig. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa Emperor na ngayon ay nawalan na ng kulay ang mukha.
"W..Wag kang lalapit…" Nanginginig sa takot na sabi ng Emperor. Pakiramdam niya ay wala siyang kawala sa lamig ng mga titig ni Jun Wu Xie.
"May gusto lamang ankong itanong." Diretso siyang tinignan ni Jun Wu Xie sa mata.
"Ano 'yon?" Ninenerbyos na sumagot ang Emperor at nagsimula na siyang pagpawisan ng malamig.
"Namatay ang aking ama, nasaktan ang aking tiyuhin. Ikaw ba ang nasa likod ng lahat ng iyon?" Hindi nagbitaw ng titig si Jun Wu Xie.
Sinusubukan namang iwasan ng Emperor ang mga tingin niya dahil na rin siguro sa takot.
Hindi siya sumagot…at wala siyang mahanap na sagot…
Kapag sumagot siya, siya ay papatayin!
"Hindi…hindi…hindi ako..."
Ngumisi si Jun Wu Xie at naglabas ng limang karayom.
"Ito ang hiningi mo." Hanggang sa oras na ito, ayaw niya pa ring umamin.
Ang pagtanggi ng Jun family ay hindi aksidente kung pagbabasehan ang mga reaksyon nina Jun Xian at Jun Qing nang minsan siyang magtanong tungkol sa kaniyang ama. Naramdaman niyang ang Emperor ang may kagagawan ng lahat.
Nang manalo ang Lin Palace sa giyera noon, nagdesisyon ang Emperor na tanggalin na sila dahil nagawa na ng mga ito ang kanilang tungkulin. Ang lakas ng loob nitong tratuhin ang mga ito na para bang alila nya ang mga ito at itapon na lang.
"Bibigyan kita ng pagkakataon na mamimili kung anong isusulat sa iyong gamot."
Ikinagulat ni Mo Qian Yuan ang sumunod na pangyayari bago pa man niya maisip ang ibig sabihin ng sinabi nito. Isang matinis na sigaw ang pumaalinlang sa Imperial Hall, sa sobrang gulat niya ay nabitawan niya ang kaniyang sibat.