Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 162 - Nagkukunwaring Hukom (4)

Chapter 162 - Nagkukunwaring Hukom (4)

Sa loob ng dalawang oras, ipinamalas kay Mo Xuan Fei ang galit sa pamamagitan ng mga karayom. Nang matanggal ang mga karayom doon lamang guminhawa ang kaniyang pakiramdam. Ngunit binalot siya ng takot ng nang hindi niya pa rin maramdaman ang kaniyang mga binti.

Hirap man ay pinilit niyang tumayo pero wala nang silbi ang kaniyang mga binti. Nanatili lamang siyang nakaluhod at nakatingala sa mga tao sa paligid niya.

"Pakidala dito ang wheelchair na hinanda ko para sa Second Prince." Utos ni Jun Wu Xie.

Isang sundalo ng Rui Lin Army ang agad namang umalis para dalhin ang wheelchair sa bulwagan.

Tinitigan ni Mo Xuan Fei ang wheelchair, pamilyar ito sa kaniya. Ito ba ang wheelchair na niregalo ng Imperial family sa Jun family nang maparalyze si Jun Qing?

"Alalayan niyo ang Second Prince na makaupo sa wheelchair." Muling utos ni Jun Wu Xie.

Dalawang sundalo naman ng Rui Lin Army ang lumapit at tinulungan si Mo Xuan Fei. Naramdaman ni Mo Xuan Fei ang katakot-takot na katotohanan kaya naman pinalayo niya agad ang mga sundalo.

"Anong ibig sabihin nito Jun Wu Xie?! Ano ba talagang gusto mong mangyari?! Ayokong maupo sa wheelchair!!!! Hindi maaari!!!" Hindi natinag ang dalawang sundalo kay Mo Xuan Fei kaya naman ginawa ng mga ito ang pinag-utos sa kanila. Siya ay kinuha at pilit na pinaupo sa wheelchair. Nagkalat ang matingkad na dugo sa sahig.

"Ikaw ay isa nang lumpo, tanggapin mo na." Mas lalong lumapad ang ngiti ni Jun Wu Xie, ngunit nang marinig ng Emperor ang pamilyar na sinabi nito, ito ay nanlamig.

Ikaw ay isa nang lumpo, tanggapin mo na...

Ang mga salitang iyon mismo, dati ay sinabi niya na...

Nakatitig ang Emperor sa likod ni Jun Wu Xie, pakiramdam niya siya ay binuhusan ng nagyeyelong tubig. Ang bawat balahibo niya ay nababalutan ng takot.

Bilang nasaksihan niya ang kaniyang sariling anak at si Bai Yun Xian na pinaglaruan lang ni Jun Wu Xie, hindi niya mahanap ang rason para hindi matakot. Gusto niyang tumakbo palayo dito ngunit hindi niya magawa.

Ang mga sundalo ng Rui Lin Army ay nakapalibot sa main hall. Siya ay nasa bitag ng mga ito. Animo'y daga na nahulog sa bitag ng mga ito.

Si Mo Xuan Fei naman na ipinilit paupuin sa wheelchair ay parang baliw na pinipilit pa din ang sariling tumayo. Ang dalawang sundalong nakabantay dito ay mahigpit siyang hawak sa magkabilang balikat at doon, dapat siyang manatili.

Walang magawa si Mo Qian Yuan kundi ang tahimik na manoood na lang. Nakita niya kung gaano makapagpakumbaba si Jun Wu Xie. Ngayon nakita niya kung gaano ito kagalit para parusahan ang mga kaaway nito.

Madali lang sana para dito ang patayin sila Mo Xuan Fei at Bai Yun Xian, pero pinili nitong tapakan ang mga pinagyayabang ng mga ito sa harap ng mga ito, walang awa niya itong inapakan at dinurog, iniwan niya ang mga itong umiiyak at nanginginig sa labis na paghihinagpis at takot.

Kapag nadurog ang kaluluwa ng isang tao, ang kanilang katawan ay maaaring gumaling. Ngunit kahit na ang mga hari at panginoon ay hindi mahihilom ang kanilang mga puso.

"Jun Wu Xie! Papatayin kita! Papatayin kitang malandi ka!" Matapang na sigaw ni Mo Xuan Fei sa kaniyang wheelchair na akala mo'y isang hayop na nakakulong. Tumirik ang mga mata nito at may maliwanag na ilaw ang nagmumula sa singsing nito. Isang nakakabinging dagundong ang kanilang narinig at gumiba sa pader.

Napangiwi si Mo Qian Yuan, ang dagundong na iyon ay pamilyar sa kaniya. Noong labing apat pa lang si Mo Xuan Fei at ang contracted spirit nito ay nagising sa unang pagkakataon, sinira nito ang buong Imperial Palace.

Nang mawala ang ilaw, ang isang makinang na kulay gintong liyon ang nakatayo sa gitna ng bulwagan. Ang buong katawan nito ay kumikinang na kulay ginto.

Ang Golden Lion!

Sa Kingdom of Qi, at sa buong nakalipas na henerasyon ng Imperial family, ito ang pinakamalakas na hayop na contractual spirit.

Tinawag na ni Mo Xuan Fei ang Golden Lion, ang kaniyang huling alas para patumbahin si Jun Wu Xie.

Related Books

Popular novel hashtag