Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 18 - Munting Puting Lotus (Ikatlong Bahagi)

Chapter 18 - Munting Puting Lotus (Ikatlong Bahagi)

Sa tuwing may isisilang na sanggol sa mundong ito, kasabay nitong bumubuklod sa kaluluwa ng isang tao ang kaniyang contractual spirit. Ang contractual spirit na ito ay nahihimlay sa kaniyang diwang at magigising lamang pagsapit ng edad labin-apat. Walang ibang tanging paraan upang ang dalawa ay magkahiwalay maliban sa kamatayan.

Ang isang tao ay maaari lamang makipagbuklod sa iisang contractual spirit sa kaniyang tanang buhay. Kung kaya, kahit na gaano pa kawalang-silbi ang nakabuklod na contractual spirit dito, wala itong magagawa, higit pa ay ang itapon ito.

"Sa Spirit World." Ang tanging sagot ng nasaktang halaman.

"Doon ka nanggaling?" Ito ang kauna-unahang pagkakataong narinig niya ang ganoong uri ng lugar.

Tumango ang munting lotus. Sa takot nitong tuluyan siyang ikamuhi ng dalaga, patuloy itong nag-kuwento ng buong galang.

"Bago tuluyang magising ang isang contractual spirit, ang bawat contractual spirit ay kailangang manatili sa Spirit World. Sa oras na mamatay ang taong nakabuklod sa amin, kaming mga contractual spirit ay kinakailangang bumalik sa mundong iyon. Nakakatakot ang lugar na 'yon. Nagawa ko lang makatakas, kung kaya pakiusap, huwag mo akong itapon pabalik sa mundong iyon." Magalang na nagpatuloy ang munting lotus.

Sa isipan ng dalaga, kahit naisin man niyang ibalik ang halamang ito sa kaniyang mundo, hindi rin niya kung papaano.

"Ma… mapapatunayan ko rin sayo na may silbi ako. Ipapakita ko sa'yo!" Sa wakas ay binitawan ng munting lotus ang binti ni Wu Xie. Makikita sa kaniyang mukha ang matibay na hangaring patunayan ang sarili. Ang kaniyang munting katawan, nanginginig habang tumatayo ito. Itinaas nito ang munti nitong bisig sa harapan ng dalaga.

"Ah?" May pag-aalinlangang sabi ni Jun Wu Xie. Hindi niya mabatid ang nais ipahiwatig ng munting lotus sa kaniya.

"Kainin mo ito!" Pasinghal na sabi ng munting lotus. Sa kabila ng ipinapakita niyang tapang sa harap ng dalag, mababakas pa rin sa kaniyang munting mukha ang kaba at takot.

"…" Hindi malaman ni Wu Xie kung ano ang tinutukoy ng kaniyang contractual spirit sa sinabi nito.

"Hindi ako isang pangkaraniwang lotus. Kapag kinain mo ang aking mga talulot, makakatulong ito upang maalis ang dumi sa iyong dugo at ibalik ang pagkadalisay nito." Patuloy ng munting lotus nang may buong pagmamalaki sa dalaga.

Nagliwanag ang mga mata ni Jun Wu Xie nang marinig niya ang mga sinambit ng lotus. Batid niyang hindi pangkaraniwan ang maibalik ang pagka-dalisay ng isang dugo. Gaano man kagaling ang kakayahan ng isang gamot, batid pa rin niya ang hangganan nito. Ang maibalik ang pagkadalisay ng isang katawan ay maihahalintulad sa muling pagkasilang ng isang katawan, at lubusang makakatulong upang maisaayos ang kondisyon ng isang pangangatawan.

Sa kaniyang pinagmulang mundo, sa kabila ng pagiging moderno at maunlad ng medisina, patuloy pa rin ang mga Siyentipiko sa pagsasaliksik sa genes at kung paano ito makakaapekto sa katawan ng isang tao, ngunit wala pa ring nahahanap na anumang angkop na pamamaraan.

Masasabi niyang napakahalaga ng munting lotus na ito kung tunay man ang lahat ng mga sinabi nito.

Upang matiyak ni Jun Wu Xie ang katotohana sa mga salita ng muntik lotus, muli niyang hinawakan ang munting bisig nito. Bagaman at alam niyang ang batang nasa harapan niya ay ang puting lotus, ang kasalukuyan nitong kaanyuhan ang pumipigil sa kaniya upang siya'y masubukan. Kita niya ang pagtangis nito habang inilalapit niya ang bisig ng munting lotus sa kaniyang mga labi.

"…" Sa isipan ng dalaga, hindi siya isang halimaw upang kainin ito kaya't binitawan niya ang muting bisig ng munting lotus.

Bagaman at 'buong-loob' niyang nais patunayan ang kaniyang sarili sa dalaga, hindi nito maiwasang matakot at mapaluha nang makita niyang inilapit ni Jun Wu Xie ang kaniyang bisig sa kaniyang mga labi. Magkahalong damdamin ang kaniyang naramdaman nang hindi niya naramdaman ang inaasahang sakit. Masaya ito na hindi ito tuluyang kinain ng kaniyang Mistress, ngunit batid niyang sa kabila nito, hindi niya mapapatunayang ang kaniyang silbi at maaari siya nitong talikuran.

"Huwag kang mag-alala… Hindi ako takot sa sakit…" bulong ng munting lotus.

Ngunit tinitigan lamang ni Jun Wu Xie ito at ang namumugto nitong mga mata.

"…." Tuluyang pinanghinaan ng loob ang munting lotus sa nakitang reaksyon mula sa dalaga.